KINABUKASAN,
Inipon lahat ni Doña Divina lahat ng mga kasambahay sa hapag-kainan para ipakilala si Iñigo sa mga ito.
"Ito pala ang anak ni Sandro-si Iñigo, ang bagong hardinerong mangangalaga ng mga halaman sa buong mansyon. Gusto ko maging mabuti at ituring niyong parang anak at kapatid niyo na rin ang batang ito, naiintindihan niyo ba?" tanong ni Doña Divina.
"Makakaasa po kayo, Ma'am Divina." Sabay-sabay na tugon ng mga kasambahay.
"Mabuti naman kung ganoon," nakangiting saad ni Doña Divina saka ibinaling ang tingin kay Iñigo. "Narinig mo ba iyon, Hijo? Kaya 'wag kang mahihiya dito. Feel free to be at home, okay?"
"Maraming salamat po sa mainit na pagtanggap niyo sa akin, Ma'am Divina," pagpapaslamat na sabi ni Iñigo. "At humihingi rin po ako ng despensa sa nangyaring ingay kagabi." Dagdag nito at ibinaling ang tingin kay Stefan. "Sainyo din po, Sir Stefan. Humihingi ako ng tawad sa kapahangasan na aking ginawa at sa aking pagiging arogante."
"At the very least, you manage to understand how to acknowledge your mistakes."
"Patawad po," muling paghingi ng tawad ni Iñigo.
Hindi nagsalita si Stefan na nakatuon ang buong atensyon kay Eunice nang sandaling iyon. Napansin iyon ni Doña Divina at napatingin kay Eunice ngunit dahil sa hindi pagtugon ni Stefan sa paghingi ng tawad ni Iñigo ay nagbigay iyon ng nakakailang na hangin sa buong paligid. Nagsalita si Doña Divina para alisin ang tensyon na nagsisimulang lumaki.
"Ayos lang iyon, Hijo. Nauunawaan ko naman ang nangyari. Hindi mo na iyon dapat ikahingi pa ng tawad," nakangiting sabi ni Doña Divina.
Ibinaling ni Iñigo ang kanyang tingin kay Doña Divina. "Gano'n pa man po nais ko pa rin po humingi ng despensa sapagkat nagambala po ang inyong pagpapahinga kagabi," muling paghingi ng despensa ni Iñigo.
"O, siya, tam ana ang usapan at kumain na tayong lahat," aya ni Doña Divina at sabay-sabay silang nagsimulang kumain.
Hindi naman magawang maialis ni Stefan ang kanyang mga tingin kay Eunice simula kaninang paggising nito hanggang sa mga sandaling ito. Hindi naman nakakawala sa paningin ni Iñigo ang mga titig ni Stefan para kay Eunice. Bagamat payapa ang buong hapag ay hindi maikakaila na may kakaibang hangin ang bumabalot sa buong paligid nina Stefan, Eunice at Iñigo. Ngunit mas tumindi ang tensyon nang tumayo si Stefan sa kanyang pagkakaupo at magpaalam kay Doña Divina.
"I going to go, Lola," paalam ni Stefan at binigyan ng halik sa noo ang kanyang lola.
"Sige, Apo," wika ni Doña Divina.
"Be careful, okay? Don't stress yourself, do you understand?"
"I will, Apo."
At muling binigyan ni Stefan ang kanyang lola saka naman nito ibinaling ang kanyang tingin kay Eunice. Naglakad ito papalapit sa kanyang asawa at binigyan ng halik sa noo.
"I'm going, Babe," paalam ni Stefan.
"Mag-iingat ka," wika ni Eunice at binigyan ng ngiti si Stefan.
"Thank you." At naglakad na palabas si Stefan.
Gulat at hindi makapaniwala si Iñigo sa kanyang nakita ngayon-ngayon lang dahilan para hindi siya makagalaw sa kanyang kinauupuan.
Napayuko si Iñigo sa labis na pagkabigla. "Ano ang nangyayari?" naguguluhang tanong ni Iñigo sa kanyang sarili. "Pinaglalaruan ba ako ng aking mga mata?"
Punong-puno nang pagkalito ang isipan ni Iñigo nang sandaling iyon. Hindi niya alam kung tama pa ba ang nakikita ng kanyang mga mata nang sandaling iyon.
BINABASA MO ANG
Marriage Under Pressure (COMPLETED)
Romance(This story contains violence and obscene plotline. You should read at your own risk. R-18) Stefan Salvatore, the youngest grandson of the largest and most well-known conglomerate-Divina Salvatore of the Salvatore Group of Companies-was the only sur...