SUNOD-SUNOD ang pagbuhos ng mga luha ni Doña Divina nang sandaling iyon.
"Maraming salamat, Hija. Salamat," paulit-ulit na pagpapasalamat nito.
Niyakap ni Eunice si Doña Divina at hinimas ang ito sa braso para patahanin. "Wala po kayong dapat ipagpasalamat kumpara po sa naitulong niyo sa amin ng aking ina ay wala po ito roon," wika ni Eunice.
Umiling si Doña Divina. "Hindi, Hija. Malaking bagay ito para sa akin lalo na para kay Stefan."
Ngumiti naman si Eunice at patuloy na hinimas ang braso ni Doña Divina. "Huwag na po kayo umiyak, Lola. Makakasama po sainyo ang maging emosyonal," pag-aalong awat niya.
"Hindi mo alam, Hija, kung gaano mo ako pinasaya," masayang sabi ni Doña Divina na labis ang tuwa nang sandaling iyon.
Hindi umimik si Eunice at tanging ngiti ang kanyang naging tugon. Ngunit sa kalagitnaan ng kanilang kasiyahan ay biglang bumakas ang pinto ng k'warto dahilan para alisin ni Eunice ang pagkakayakap kay Doña Divina at parehas naibaling ng dalawa ang kanilang mga tingin sa taong pumasok.
"Sir Astolfo, Ma'am Gretta," mahinang usal ni Eunice.
Ngunit hindi pinansin nang dalawa si Eunice at dali-daling lumapit sa tabi ng higaan ni Doña Divina na wala man lang pakialam kung nasaktan nila ito nang itulak nila ito papalayo sa gilid ng higaan ng matanda na tila isang anino lamang ito roon.
Hindi nakaimik si Eunice sa ginawa ng mga ito sa kanya ngunit wala naman siyang magawa dahil alam niyang una pa lang na sa paningin ng lahat ay isa lamang siyang nabuntisan ng apo ni Doña Divina at isang hamak na anak ng katulong kaya hindi na siya magtataka kung ganoon din ang itrato sa kanya ng mga kapatid nina Doña Divina.
"Ate Divina," tawag ni Gretta kay Doña Divina nang sandaling makita ito.
"Anong ginagawa niyo—"
Hindi nagawang maituloy ni Doña Divina ang kanyang sasabihin nang sandaling iyon nang bigla itong niyakap ni Gretta.
"Ate Divina, paanong nangyari ito sa 'yo? Hindi mo alam kung gaano kami nag-alala ni Astolfo nang marinig naming na inatake ka," wika ni Gretta na labis na nag-aalala.
Itinulak ni Doña Divina ang kanyang kapatid papalayo sa kanya. "Everything is fine with me. Gretta, you don't need to put on a show for me," malamig na saad ng matanda.
Napatakip naman ng kanyang bibig si Gretta dahil sa itinuran ng kanyang nakakatandang kapatid sa kanya.
"Ate Divina, ano bang pinagsasabi mo? I'm all too genuinely worried about what has happened to you," wika nito na may labis na pag-aalala.
Hindi nagsalita si Doña Divina at binigyan nang malamig na tingin ang kanyang kapatid.
"Don't be too harsh on Gretta, Ate Divina; we've come to see you because we're worried about you," wika ni Astolfo.
"Are you really seriously concerned about me, or are you just simply looking to see if I'm already dead so you can probably take everything I have?" saad ni Doña Divina na may matalas na pananalita.
Napasinghap si Gretta sa narinig nito mula sa kanyang kapatid.
"Ate Divina, bakit mo naman naisip ang ganyan?" hindi makapaniwalang tanong ni Gretta. "Kapatid ka namin, Ate, paano namin magagawang pag-isipan ng ganyan?"
Napatingin si Astolfo kay Eunice na biglang yumuko nang ibaling nito ang tingin nito sa dalaga saka muling ibinalik ang tingin kay Doña Divina.
"I don't think we should argue like this in front of Stephan's wife," wika ni Astolfo saka muling ibinaling ang tingin kay Eunice na ngayon ay napatingin sa kanilang tatlo. "Eunice, I'm sure you're stunned, aren't you?" pag-aalalang tanong nito.
BINABASA MO ANG
Marriage Under Pressure (COMPLETED)
Romance(This story contains violence and obscene plotline. You should read at your own risk. R-18) Stefan Salvatore, the youngest grandson of the largest and most well-known conglomerate-Divina Salvatore of the Salvatore Group of Companies-was the only sur...