Chapter 50: Puzzle Pieces

419 12 0
                                    

A WEEK AGO...

Hindi maalis ni Eunice ang kanyang tingin sa kanyang cellphone na kanyang hawak. Kanina niya pa ito hawak at pinag-iisipan kung tatawagan niya ba ang kanyang ina o hindi. Labis siyang kinakain ng kanyang mga agam-agam at gusto niyang malaman ang buong katotohanan kung ano ba talaga ang tunay na relasyon ng kanyang ina at ni Eduardo at kung anak ba talaga siya ni Eduardo—kung magkapatid ba talaga sila ni Stefan. Wala siyang ibang alam na makakasagot ng kanyang katanungan at makakapagsabi ng katotohanan ay sina Doña Divina at ang kanyang ina. At dahil wala na si Doña Divina, walang ibang nakakaalam ng katotohanan kung 'di ang kanyang ina.

Napahugot siya nang malalim na paghinga at ipinikit ang kanyang mga mata para ikalma ang kanyang sarili at alisin ang mga gumugulo sa kanyang isipan para makapag-isip siya sa kung ano bang dapat niyang itanong sa kanyang ina sa sandaling tanungin niya ito sa totoong pagkatao niya.

"Kung ito lang ang paraan para malaman ko ang katotohanan..."

Nang mabuo na ni Eunice ang kanyang pasya ay sinimulan niya ng i-dial ang numero ni Vicky at saka inilapit iyon sa kanyang tainga. Narinig niya ang pag-ring nito bawat ring ay siyang nagbibigay kaba sa kanyang dibdib.

(phone ring)

(heart pounding)

Nang sandaling iyon ay nagpapalitan at tila nagpapaligsahan ng lakas ang ring ng cellphone at ang kanyang puso na halos ikasabog ng kanyang pandinig. Habang naririnig niya ang pag-ring ng cellphone ay siyang paglakas ng pagkabog ng kanyang puso. Napakuyom siya ng kanyang kamay para kontrolin ang kanyang sarili at pigilan ang tensyong lumalamon sa bawat sulok ng kanyang mga kalamnan.

"Hello?" sagot ng babae sa kabilang linya.

Nang marinig niya ang boses ng babae ay tila tumigil sa pagtibok ang kanyang puso maging ang kanyang paghinga.

"Hello?" pag-uulit na sagot ng babae sa kabilang linya.

Huminga nang malalim si Eunice para kumuha ng lakas ng loob saka nagsalita. "Vicky, ako 'to si Eunice," pagpapakilalang sabi nito.

"Eunice! Ikaw ba 'yan?" tuwang bati ni Vicky na halos magtititili sa kabilang linya ng tawag.

Napangiti naman si Eunice sa itinuran ni Vicky. "Oo ako nga. May iba pa ba?" pagbibirong tugon nito.

"Hala siya! Kumusta ka naman?"

"Maayos naman ako, Vicky." Liar!

"Mabuti naman kung ganoon. Kakausapin mo ba si Nanay Lucia ka napatawag?"

"Oo sana, Vicky. Kung p'wede?" pag-aalangan kong tanong.

"Ano ka ba? S'yempre ayos lang! Sandali at pupunta ako sa bahay ni Nanay Lucia." At narinig niya ang pagmamadaling lakad ni Vicky mula sa kabilang linya.

Nang sandaling iyon ay napabuga ng hangin si Eunice at hinintay na lamang na maiabot ni Vicky ang cellphone sa kanyang ina. Sa sandaling naghihintay siya ay muling sumagi sa kanyang isipan ang mga agam-agam na pilit sumisiksik sa kanyang isipan. Paano kung magkapatid nga talaga sila ni Stefan, ano ang gagawin niya? Paano na ang anak nila? Ano na ang kanilang magiging relasyon?

Bakit kailangan mangyari ang lahat ng ito? Kung kailan okay na kami saka mangyayari ang ganto?

Natauhan si Eunice sa pagkakalunod sa mga katanungan sa kanyang isipan nang marinig niya ang boses ng kanyang ina.

"Hello, Eunice. Anak?"

Nang marinig ni Eunice ang boses ng kanyang ina ay napakagat siya ng kanyang pang-ibaba na labi. Hindi niya maikakaila na na-miss niya ito matapos ang ilang buwan na hindi sila nagkita at nagkausap. Ito ang unang beses na nagkaroon sila ng komunikasyon nang sandaling magkahiwalay sila.

Marriage Under Pressure (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon