Chapter 45: Hunting Time

432 12 0
                                    

"SIR!" tawag ni PO3 Abarientos kay Inspector Vasquez nang sandaling makapasok ito sa opisina dala ang isang brown envelope.

"Bakit ka ba sumisigaw?" Magkasalubong ang mga kilay na tanong ni Lemuel nang ibaling nito ang tingin kay Sam na patakbong lumapit sa kanya.

Hindi nagsalita si Sam at itinaas ang kanang kamay na hawak ang brown envelope habang hinahabol ang kanyang paghinga.

"Ano ba 'yang dala mo?" tanong ni Lemuel sabay kuha envelope na nasa kamay ni Sam at saka binuksan iyon.

Inayos ni Sam ang kanyang sarili saka hinarap si Lemuel. "Galing sa cyber forensics. Na-recover na nila ang nawawalang clip sa CCTV footage na nakuha sa ospital," wika nito nang mahabol na niya ang kanyang paghinga.

Nang marinig iyon ni Lemuel at dali-dali niyang binuksan ang envelope at nakita ang papel na naroon kasama ang isang flashdrive. Agad niyang kinuha ang flashdrive at isinaksak sa laptop na nasa kanyang harapan at binuksan ang file na naroon. Nakita niya ang isang video clip at agad na ni-play. Pinanood ni Lemuel ang video clip simula sa kung sino ang mga pumapasok sa k'warto ni Doña Divina hanggang sa sino ang lumalabas doon.

Hindi niya inaasahan na ang pilit sumisiksik sa kanyang isipan ay siya niyang makikita nang sandaling iyon. Nakita niyang pumasok sina Astolfo at Gretta nang araw na 'yon bago matagpuang patay si Doña Divina. At tulad ng sinasabi ni Eunice ay naroon nga ang magkapatid noong una ay tila ang balak nito ay bumisita lang sa matanda ngunit kitang-kita na hindi ito tinanggap ng matanda. Wala man tinig ay damang-dama ni Lemuel ang tensyon sa loob ng k'wartong iyon kung saan ilang minuto pa lang nang makapasok ito ay nakita niyang tila inutusan si Eunice dahilan para maiwan ang tatlo na lang sa k'wartong iyon. Ilang saglit pa ng pag-uusap nito ay kitang-kita sa mga kilos nito na hindi na ito nagkakaunawaan hanggang sa nakita niya bigla na lang sinakal ni Astolfo ang matanda. Sinubukang manlaban ni Divina ngunit wala itong sapat na lakas hanggang sa tuluyan na itong malagutan ng hininga.

Napahampas ng kamay si Lemuel sa kanyang mesa nang mapanood ang sandaling iyon. "Ito na nga!" bulalas niyang saad at buo na ang pasya na tama ang kanyang hinala at hindi lang basata isang haka-haka.

Ibinaling ni Lemuel ang kanyang tingin kay Sam. "Kailangan malaman ito ni Mr. Salvatore." Ngunit biglang nagbago ang reaksyon nito. "But for the time being, we're going back to the hospital to find that bastard!" mariin nitong saad sabay tayo sa kanyang pagkakaupo saka ibinaling ang kanyang tingin kay George. "Llana! Gumawa ka ng warrant para kay Oscar Pedroza, gusto ko pagbalik ko nakahanda na ang warrant!"

"Yes, Sir!"

Matapos noon ay mabilis na naglakad palabas si Lemuel at Sam ng opisina at pinaharurot ang kotse patungo sa ospital.

"Mga tarantado na 'yon akala siguro nila maiisahan nila tayo. Masyado nilang minamaliit ang mga kapulisyahan!" nanggigigil na saad ni Lemuel na mas lalong humigpit ang pagkakakapit sa manibela.

Gusto magsalita ni Sam ngunit hindi niya alam kung tama ba ang kanyang sasabihin pero alam niyang hindi maipagkakaila na may kakulangan din ang kapulisyahan minsan at hindi niya iyon magawang sabihin dahil alam niyang mas lalong titindi ang galit ng kanyang senior.

"Ngayon makikita nila kung sino ba talaga tayo!"

Muli pinaharurot ni Lemuel ang kotse at wala pang ilang saglit ay nakarating na sila sa ospital at dali-daling nagtungo sa CCTV room ng ospital at hinanap si Oscar, ang intern na naka-duty ng araw ng 'yon.

"Oscar Pedroza!" bungad ni Lemuel nang sandaling buksan niya ang pinto ng CCTV room dahilan para maituon ang mga tingin ng lahat ng taong naroon. Ngunit hindi iyon pinansin ng imbestigador at hinanap ng mga mata nito kay Oscar na gulat na gulat sa kinauupuan nito.

Marriage Under Pressure (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon