Chapter 48: Face-Off

401 12 0
                                    

NABALOT nang kakaibang tensyon ang buong k'warto nang sandaling iyon ngunit hindi iyon dama nina Gretta at Astolfo dahil sa pagnanasa nilang magagawa nilang manalo at mapasakanila ang kompanya sa mismong araw na iyon. Pinagmasdan ni Gretta ang mga shareholder na naroon kung saan kitang-kita niya ang ilan na naroon doon ay hindi gusto na makita silang dalawa ng kanyang kapatid. Ngunit, hindi niya iyon dinamdam at ibinaling ang kanyang mga tingin sa mga taong nakausap niya ng mga nakaraang araw.

Hindi na pinatagal ni Gretta ang tensyon na bumabalot sa kanilang lahat at binasag ang katahimikang iyon. "Something unpleasant happened in our company a few months ago when our sister Divina was murdered by our daughter-in-law, the wife of our grandson Stefan," panimula niyang sabi na siyang ikinasinghap ng lahat at pag-iling.

Samu't saring bulong-bulungan ang naging reaksyon ng mga taong naroon. Hindi sila makapaniwala na ang manugang ni Divina ay siyang papatay sa kanilang chairman. Buong akala nila ay maayos ang samahan ng mga ito lalo na at ang sabi ni Stefan sa kanila ay natural death ang pagkamatay ni Divina ngunit hindi pala.

"She's so shameless!"

"Indeed! How can she do that to Doña Divina?"

"What would you expect from the daughter of a maid? She obviously has no manners, and she is capable of killing anyone if she loses control."

Ilan lamang iyon sa narinig ni Gretta mula sa mga shareholders at hindi niya maikakaila na natutuwa siya sa kanyang naririnig ngunit pilit niyang itinago ang kanyang tuwa at nanatiling nagdadalamhati at nasasaktan kunwari sa nangyari sa kanyang kapatid.

Pinutol ni Gretta ang pagbibigay ng mga komento ng mga taong naroon. "I know it's unfortunate that it's come to this, but we can't change what's already happened."

Napabuga na lamang nang mga paghinga ang mga taong naroon at napailing sa kalunos-lunos na nangyari sa kanilang boss.

"I completely understand what happened to Doña Divina and the exposure of Mr. Salvatore's wife, but do you think it's unfair to have this meeting without him?" tanong ni Mr. Tuazon.

Naibaling ni Gretta ang kanyang tingin sa lalaking nagsalita at kilala niya ang lalaking iyon—si Sammuel Alexander Tuazon, ang bunsong anak ng kilalang mga businessman na si Alicia Sy at Alexander Tuazon at isa sa mga pinagkakatiwalaang shareholder ni Stefan.

Lihim na napakagat ng kanyang labi si Gretta dahil sa pagiging pakikialam ni Sax sa pag-uusap na iyon ngunit wala siyang magagawa kung 'di ang pakitunguhan ito dahil sa isa pa rin ito sa mga shareholders ng kompanyang ito na kailangan niyang makumbinsi para tiyak na mapasakanila ang kompanyang dapat noong una pa lang sa kanila.

"I understand that not including Stefan in this meeting is unfair, but do you think it's unfair for us to have him here when the reason for this is his wife? Who killed our sister and is the CEO of this company?" b'welta ni Gretta na may kasamang pangungumbinsi.

"It's not his—"

Hindi nagawang maituloy ni Sax ang kanyang sasabihin nang putulin ni Gretta ang kanyang pananalita.

"Yes. It is not Stefan's fault, but what his wife did has harmed his reputation as the presiding chairman of this company. Don't you agree?"

"However, it has no direct effect on his ability to carry out his duties as the chairman of this company."

"I had no doubts about Stefan's abilities because I know how he handles his tasks, but what about the image of our company? What will our investors think if they find out that the chairman's wife is a murderer? Who was responsible for the death of her husband's grandmother?" tanong ni Gretta na siyang nagbigay pagkabahala sa mga taong naroon. "That will be the downfall of our company. Us." Dagdag nito na may matang animo'y iniisip ang masamang mangyayari sa kompanya na sa kabila ng kanyang mga salitang sinabi ay taliwas sa nilalaman ng kanyang isipan. "What does it matter if this company goes bankrupt? We only care about money and don't care about anything else!"

Marriage Under Pressure (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon