Chapter 13: Wish Contract

391 11 0
                                    

"LOLA..." mahinang usal ni Eunice para patayin ang tensyon na bumabalot sa buong paligid.

Napalingon naman si Doña Divina kay Eunice nang tawagin siya nito.

"Bakit, Hija?" tanong nito.

Pinagmasdan ni Eunice si Doña Divina at hinihintay kung may sasabihin ba ito sa kanya o wala. Inalis nito ang tingin sa kanya saka ngumiti dahilan para lalong kabahan si Eunice nang sandaling iyon.

"Iniisip mo ba kung bakit hindi ako nagtatanong sa kung anong nangyayari kanina sainyo sa ibaba, tama ba?" tanong ni Doña Divina sabay tingin kay Eunice na may ngiti sa mga labi nito.

Tumango si Eunice bilang tugon sa tanong nito.

"Lumapit ka rito, Hija," utos ni Doña Divina.

Pinagmasdan ni Eunice ang kamay nito at nag-aalangang lumapit.

"Hali ka rito," pag-uulit na saad ng matanda.

Sa huli, nag-aalangan man ay lumapit ito kay Doña Divina gaya ng utos nito at hinawakan ang kamay nito. Hinimas ni Doña Divina ang kamay ni Eunice.

"Natatakot ka ba na baka magalit ako sa 'yo?" panimulang tanong ni Doña Divina.

Hindi nakaimik si Eunice—nag-aalala pa rin siya na baka nga galit si Doña Divina sa kanya. Tinignan lang siya ng matanda at hinihintay ang magiging sagot niya kaya makalipas ang ilang saglit ay dahan-dahan niyang iginalaw ang kanyang ulo hanggang sa unti-unti na siyang tumatango.

Inabot ni Doña Divina ang nag-aalalang mukha ni Eunice at marahan na hinaplos ang pisngi nito.

"Wala ka dapat na ikabahala, Hija. Hindi ako galit sa 'yo," saad nito at binigyan ng ngiti si Eunice.

Nakahinga kahit papaano si Eunice nang malaman niyang hindi galit si Doña Divina sa kanya ngunit kahit ganoon ay hindi pa rin siya mapalagay at nanatili pa ring palaisipan kung bakit hindi ito galit sa kanya.

"Nagtataka ka ba kung bakit hindi ako galit?" tanong ni Doña Divina na siyang umagaw sa kanyang atensyon dahilan para gumuhit ang pagkagulat sa mukha ni Eunice.

"Paano niyo po nalalaman ang nasa loob ng isipan ko?" nagtataka at nauutal na tanong ni Eunice na hindi makapaniwala kay Doña Divina.

Napatawa nang mahina si Doña Divina sa naging reaksyon ni Eunice.

"Paanong hindi ko malalaman, 'e, kung ganyan—" sabay nguso sa mukha ni Eunice—"ang ipinapakita mong reaksyon sa akin simula nang dumating tayo sa k'warto ko?"

Napayuko si Eunice dahil sa hiya na kanyang naramdaman.

"Sorry po," mahinang paghingi ng tawad ni Eunice na nanatili pa ring nakayuko.

Iniangat ni Doña Divina ang mukha ni Eunice para magtagpo ang kanilang mga mata saka nito hinaplos ang pisngi ng dalaga.

"Ano bang ikinababahala mo, Hija?" mahinahong tanong ni Doña Divina.

Muling nanariwa sa alala ni Eunice ang nangyari kanina sa sala. Nag-aalangan man ay naglakas na ng loob si Eunice na itanong kay Doña Divina ang kanina pa bumabagabag sa kanya.

"Bakit wala po kayong sinasabi tungkol sa nangyari kanina?" lakas loob na tanong ni Eunice habang nakatingin sa mga mata ni Doña Divina.

Nakipagtitigan si Doña Divina hanggang sa lumipas ang ilang saglit bago ito nagsalita.

"Hindi ba't siya ang lalaking tinutukoy mo?" tanong nito.

Gulat man ay ikinumpas ni Eunice ang kanyang sarili at hinarap si Doña Divina.

Marriage Under Pressure (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon