-Jaquelyn-
Gabi na pero wala pa rin ako balak matulog. Minomodify ko pa kasi ang old jeans ko para maging ripped jeans. At isa pa, hindi pa ako inaantok kaya ito na lang ginawa ko. I turned around when I heard footsteps at kilala ko kung kanino yun. After five seconds, bumukas ang pinto ng room na tinutuluyan namin dito sa Moon Academy at pumasok si Celestine, my childhood friend and roommate.
"Yan na naman inaatupag mo?" tanong niya sabay lapag ng mga pinamili niyang pagkain. Nagtake-out na naman ang isang 'to sa cafeteria. Hindi ko siya sinagot at pinagpatuloy ang pagpupunit ng pantalon ko "Matulog ka na. First day of class pa naman tomorrow"
Napabuntong hininga na lamang ako at hindi ko na siya pinansin. Third year na kami at first time ko mag-aral dito sa Moon Academy. Simula bata kasi ako homeschooled ako at dahil dito hindi ako mapakali para bukas.
Moon Academy is a school for all werewolf people. Malaking eskwelahan 'to para sa lahat ng mga werewolves' children and it was built by the five powerful family of the werewolf species: Lockheart, Black, Barbosa, Barbara, Velasco. Ang limang pamilya ring ito ang namumuno sa five strongest Pack in the werewolf world.
Lockheart: Black Paw Pack, Black: Red Claw Pack, Barbosa: Blood Moon Pack, Barbara: Mountain Pack, at Velasco: Crescent Pack.
At ako na lang ang natitirang Black sa mga werewolf because seven years ago, Black Family was massacred by vampires.
Tago rin ang Academy sa mga ordinaryong tao dahil nasa pusod ito ng Abyss Forest. Sa tulong rin ng mga kakilalang Witch and Wizard ng pamilyang Barbara, may enchantment silang nilagay sa buong lugar ng gubat at Academy. Kaya naman walang ordinaryong tao ang pumupunta rito sa takot na baka maligaw sila at hindi na makabalik.
"Alam kong you're not used to socialize, Jaq," sinamaan ko naman ng tingin si Celestine "but don't worry, kasama mo naman kami nila Sebastian eh"
Napabuntong hininga na naman ulit ako at tinigil ang pagpupunit ng jeans ko.
"At isa pa, magpuyat ka man o hindi, hindi magbabago na first day bukas. Kaya matulog ka na, ok?" pagpupumilit ni Celestine.
"Fine," I sighed in defeat and put away my jeans and scissors. Kahit kinakabahan ako para bukas, kailangan ko pa rin pumunta. Humiga na ako sa kama at pinatay naman ni Celestine ang ilaw saka humiga rin sa kama niya sa ilalim ko. Double bed ito at ako ang sa itaas.
Nilingon ko ang bintana and stared at the half-moon. Ang liwanag ng buwan pero ang dilim pa rin sa gubat. Because of my enhance eyesight may mga nahagip akong mga lobo na nagpapatrol sa may gubat.
Sa totoo lang, after that tragic night, ayoko ng lumabas o makihalubilo sa mga tao. Lalo na nung narinig ko ang mga iniisip nila during funeral. I have the hearing ability, bawat werewolf my ability gift, hindi lang sa matalas ang pandinig ko kung hindi naririnig ko rin ang mga boses na nasa isipan nila kung gugustuhin ko. And during the funeral for my family, karamihan sa mga naririnig ko gamit ang normal na pandinig ay kasinungalingan. They told me that their heart aches for me, but I heard the lies in their voice. Ang totoo niyan, iniisip na nila kung sino papalit sa Alpha ngayong ako na lang ang natira, a twelve year old girl who can't shift into a wolf. A Schands.
But after seven years of locking myself in my own world, nagdecide na ako na lumabas. Hindi dahil tanggap ko na at ok na ang lahat but because I know nothing will change even if I lock myself forever.
I closed my eyes and pleaded to the Moon Goddess, "Please, patulugin niyo ako"
***
Nasa madilim akong lugar na parang maze at the same time. Nilibot ko ng paningin ang lugar pero distorted ang lugar, magulo at wala akong makitang gamit o tao. Madilim lang talaga. Hinakbang ko ang right foot ko at may kung ano ang narinig na 'squish' sound. Yumuko ako para tignan kung ano ang natapakan ko at nanlamig ang buong katawan ko nang malaman ko kung ano ang natapakan ko.
Dugo.
Nanginginig akong napatakip sa bibig ko at natatarantang lumingon sa paligid ko. I'm standing in a pool of blood at ako lang mag-isa. Napasandal ako sa wall para suportahan ang katawan ko.
"Tulong! Waaaah!"
"Hahahahaha!"
"Waaaag!"
"Papatayin kita! Aaaaah!"
"Hahahahaha!"
Napatakip ako ng tenga sa sunod sunod kong narinig. Hindi pwede 'to! Bakit nandito ako?! Tama na!
"Jaquelyn! Takbo! Tumakbo kana!"
"Takbo!"
Napalingon ako sa right side ko at kahit madilim ang lugar may nakikita akong anino. Kinilabutan ako at napaatras. Hindi ko alam pero pakiramdam ko kilala ko ang anino na nakikita ko.
"TAKBO!"
Sinunod ko ang sigaw ng boses at mabilis akong tumakbo palayo sa anino. Kilala ko ang boses na yun. Si Kuya Jaxon yun.
"Kuya.." napahikbi ako sa takot at binilisan ko pa ang pagtakbo ko pero hindi ko alam kung saan ako papunta. Distorted ang buong lugar at madilim pa. Ang alam ko lang dapat akong makalayo sa anino na yun.
"Tulong! Tulong!"
"Waaaah!"
"Papa!"
"Magbabayad kayo!"
"Hahahahaha!"
Nilingon ko ang likuran ko at bumulaga sa akin ang ulo ng itim na anino at dahil doon natumba ako at napaupo sa sahig na puno ng dugo. Kahit anino ang nasa harapan ko at wala akong makita sa mukha niya, alam kong nakangisi siya sa akin. Bago pa ako makatayo para tumakas bigla na lang siyang lumapit sa akin.
"Haaaaa!" napaupo ako agad sa kama at napahawak sa dibdib ko sa sobrang takot. Pawisan ako at hinihingal. Bakit nanaginip na naman ako tungkol doon? Magulo ang lugar pero alam kong bahay namin ang lugar na yon. Pinatong ko ang ulo ko sa pagitan ng dalawang tuhod ko at pumikit.
'Breathe, Jaq. Seven years ago na iyon.Breathe' I chanted inside my head and tried to calm myself down.
Narinig kong may bumukas na pinto kaya naman napaangat ang tingin ko at nakita ko si Celestine na nakabalot ng tuwalya ang buhok. Kakalabas lang niya ng banyo at nag-aalala siyang tumingin sa akin.
"Morning," ngumiti siya ng malungkot saka pumunta sa harap ng salamin na nasa left side ng kwarto namin. Nakasuot na siya ng uniform namin. White blouse with black vest ang top with silver necktie samantalang black naman ang skirt na above the knee.
Alam ni Celestine kung bakit ako nagkakaganito at hindi na niya ako tinanong and I'm thankful for that. Nang kumalma na ako ay bumaba na ako ng kama ko and grabbed my towel. First day of school at hindi pwedeng makakuha agad ako ng atensyon dahil lang sa late ako. I hate to be the center of attention kaya naman humingi ako ng favor kay Dad - The Velasco Family Head and President of school at ang tumatayong tatay ko - na itago ang katauhan ko sa buong school. Ang five families lang ang may alam at maliban doon wala na.
Right now, They know me as Jaquelyn Velasco. A schands with hearing ability who was a rogue in the past before the Velasco family adopted me. At ito ang first day of school ko sa Moon Academy.
--
A/N: First chapter, finished :3 ... please leave your thoughts in the comment section XD ...
Kinakabahan ako @.@
-mayi
BINABASA MO ANG
Moon Academy | FIN
WerewolfATTN: Hi everyone who clicked on my story! I'm happy to share with you guys that this story is now on webtoon! YES! That's right, me and my sister decided to create a webtoon of my wattpad story and the Prologue is already up :D So, sa mga readers n...