Terms:
Schands = galing yan sa german word na Schande, meaning Shame :)
--
-Jaquelyn-
"Saan ka galing kahapon?" tanong ni Ces habang kumakain kami ng breakfast. Ako, si Ces at Seb lang ang sumabay sa pagkain ng breakfast. Si Aeron hinanap si Earl.
"Sa lake," sagot ko saka sumubo ng pagkain. Pasado 4pm na ako nakabalik ng dorm at hanggang sa pagtulog ko yung black wolf pa rin ang iniisip ko. Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko hanggang ngayon. Bakit ba ang curious ko sa scary wolf na yun? Base sa laki ng lobo na yun, malakas ito at mukhang may rank. Alpha wolf ba yun o baka Beta?
I should not think about that wolf. Isa lang ang nakakasiguro ako, bad news ang dala ng black wolf na yun. At bad news means danger at gusto kong umiwas sa danger. Nagsisimula nga ako ulit, diba?
"Anyway, nakita ko kanina na umiiyak si Kristine," I said. Before ako pumunta sa cafeteria pumunta muna ako ng restroom at nakita ko si Kristine na maga ang mata. Sinamaan naman niya ako ng tingin bago lumabas ng restroom.
"Well, I don't know. After mo kasing umalis kahapon umalis rin si Earl at iniwan si Krisine na mukhang ewan dito," si Ces ang sumagot matapos niyang uminom.
"Iniiwasan ni Kristine si Earl mula kanina pang umaga sa mga klase namin dahil na rin sa hiya. For Earl, wala siya sa mood" kwento pa ni Earl. Seb, Earl at yung Kristine na yun ay fourth year na. Ayaw ng kambal na magkasama hanggang sa school kaya nalate si Ces ng isang taon.
Bumuntong hininga naman ako at pinaglaruan ko ang pagkain ko. Hindi rin maalis sa isipan ko ang sinabi ni Earl kahapon. Tama nga naman siya. For seven years, sinubukan nila akong lapitan ulit pero tinataboy ko lang sila. May karapatan silang magalit sa akin dahil sa inasal ko for this past few years.
"Bakit hindi kayo galit?"
Napatingin naman sila sa akin dahil sa tanong ko. Ngumiti ako ng tipid saka yumuko "Naiintindihan ko kung bakit nagalit si Earl sa akin. For seven years, I pushed all of you away from me. So, bakit hindi kayo galit sa akin tulad ni Earl?"
Naramdaman kong may humawak sa kamay ko kaya inangat ko ang tingin ko. Nakangiti si Ces sa akin habang hawak niya ang kamay ko and smiled at me.
"You can hear our thougts, Jaq. Alam kong alam mo kung bakit hindi kami galit sa'yo. Oo, nakakatampo nung una, pero hindi kami galit"
"Sa aming tatlo si Earl ang naapektuhan ng sobra sa pagbabago mo, Jaq. Kayo kaya dalawa ang close na close dati, right?" ngumiti naman ng tipid si Seb sa akin saka ininom ang juice niya.
Napakagat ako ng labi sa sinabi niya. Earl was like my brother from another mother. Kahit madalas kaming mag-away, prinoprotektahan niya ako kapag may nang-aaway sa akin.
"He's acting like that dahil sa Kuya niya. Alam mo naman ang competition namumuo sa magkapatid na Barbara, diba?"
***
Nang Gym Class namin nakilala ko na kung sino ang teacher namin. It's no other than Jacob Velasco, my brother. Pagkapasok ko pa lang binigyan na niya ako ng parusa because I didn't attend his class yesterday. At kahit kapatid raw niya ako, walang special treatment.
This is what I like about Kuya Jacob, kahit alam niya ang tungkol sa akin, hindi niya ako tinuring na kakaiba. He's kind and caring pero hindi niya ako trinato na isang babaeng mahina at any minute pwedeng mabasag.
Lumipas ang buong maghapon na boring. After gym class, tinanong ako ni Kuya Jacob bakit di ako pumasok kahapon at sinagot ko siya ng totoo pero hindi ko sinabi kung anong nakita ko sa lake. It's not a big deal and the wolf didn't leave me with a scratch.
BINABASA MO ANG
Moon Academy | FIN
مستذئبATTN: Hi everyone who clicked on my story! I'm happy to share with you guys that this story is now on webtoon! YES! That's right, me and my sister decided to create a webtoon of my wattpad story and the Prologue is already up :D So, sa mga readers n...