-Jaquelyn-
Hindi ko alam kung masyado lang bang advance ang nalalaman ko o hindi lang alam ng mga teacher ang tinuturo nila. Argh! They don't know how to teach! Bakit pa sila kinuhang teacher kung hindi man lang nila makuha ang atensyon ng kahit kalahati ng klase? Hays. Mali rin ang pagtuturo nila tungkol sa Big Five (Five families). Ang naiisip tuloy ng karamihan, napakaespesyal namin to the point na nasa mataas kaming lebel samantalang ang iba ang nasa ibaba. Kaya naman maraming naiinis sa amin ng patago.
Sinubsob ko na lang ang ulo ko sa dalawang braso ko at di na nakinig sa history class. Last subject na lang 'to for morning class and lunch time na. 'Konting tiis na lang, Jaq' I said to myself. Mabuti na lang at nasa bandang likuran kami ni Celestine. Si Celestine rin kasi, may hawak na history book pero yun pala ang nasa loob at tinatago niya pocket book. Akala mo studious.
Dumungaw ako sa labas ng bintana at tanaw na tanaw mula sa second floor ang kalawakan ng gubat. May lake sa di kalayuan at balak ko pumunta mamaya doon para magpahangin. So far wala naman akong nabasa na bawal pumunta doon sa rule book ng Academy.
*bell rings*
"Sa wakas!" pabulong kong sigaw sa sarili ko saka tumayo and grabbed my bag.
"Di ka talaga nakinig nuh?"
"Look who's talking," I rolled my eyes at her at naunang naglakad patungo sa labas "Tara na at gutom na ako"
Three morning subjects and all of them are boring.
"Well, we're from the 'super' family kaya sawang sawa na ako," inis na sabi ni Celestine nang mahabol niya ako "Like ever since we're pups paulit ulit na kinwento sa atin ang history ng ancestors natin. Anu-ano ang mga rules. Sino bang hindi magsasawa?! Argh!"
Napailing na lang ako at hinayaan siyang dumaldal.
Celestine Lockheart, twin sister of the soon-to-be Alpha of Black Paw pack and soon-to-be Head of Lockheart family. Dark brown hair with blonde highlights sa hair tips niya, blue eyes and fire is her ability. Ang family niya ang nangunguna sa dami ng werewolf population sa pack nila. Sila rin ang tumatayong spoke's person para sa mga werewolves kapag nagmeeting ang mga supernatural beings once a year.
"Andun sila!" masaya niyang sigaw nang makita niya ang kakambal niya at hindi na ako nakaangal nang hilain niya ako bigla.
There are three guys at the table. Sebestian Lockheart, twin brother ni Celestine na may ability ng ice. Siya rin ang soon-to-be Alpha ng Black Paw Pack at Head ng Lockheart Family after niyang makapagtapos dito sa Academy. Si Earlrick naman, blonde hair and green eyes, siya naman ang second son ng Barbara family at may healing ability siya. And the other guy, hindi ko kilala pero familiar sa akin ang itsura niya.
Nang makita kami ni Sebastian ay ngumiti siya, ganun rin si Earlrick nang lumingon siya sa direksyon namin. Pagkadating namin sa harapan nila ay sabay na tumayo sila Sebastian at Earlrick para yakapin ako ng mahigpit.
"We miss you, Jaq," Sebastian said sabay gulo ng buhok ko bago bumitaw sa yakap. Napasimangot naman ako sa gesture niya. As always.
"Aba! Gumanda ka yata lalo!" pinatong naman ni Earl ang magkabilang kamay niya sa balikat ko at ngumisi sa akin. Binigyan ko na naman siya ng masamang tingin dahil narinig ko na naman ang iniisip niya.
"Stop imagining me naked, Earl" I warned him at lalo lang lumapad ang ngisi niya.
"Same Jaquelyn as always"
Pinaupo naman nila ako at pinagitnaan talaga ako ng dalawang lalake. "Miss ka namin eh" rason pa ni Earl.
"Siya nga pala," nilingon naman ni Seb yung katapat ko "This is Aeron, the soon-to-be Beta ng Black Paw Pack"
BINABASA MO ANG
Moon Academy | FIN
WerewolfATTN: Hi everyone who clicked on my story! I'm happy to share with you guys that this story is now on webtoon! YES! That's right, me and my sister decided to create a webtoon of my wattpad story and the Prologue is already up :D So, sa mga readers n...