CHAPTER 5: Same Eyes

3.1K 113 1
                                    

-Jaquelyn-


Kapag may free time ako, nakikita ko ang sarili kong nakatayo sa lake. Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko kaya hinayaan ko na lang sumunod sa instinct ko. Pakiramdam ko kasi mababaliw ako kapag pipigilan ko ang sarili ko sa pagpunta sa lake.


Kaya naman sa mga nagdaang araw, kapag bored ako and I need quiet time, sa lake ako pumupunta para magpahangin. At kapag naaamoy ko ang strawberry and cinnamon dito, napaparelax ako. Sa mga nagdaan na araw rin, madalas ko nang makita si Blue. Kapag wala ako sa lake, nakikita ko siya sa gilid ng gubat habang pinagmamasdan ako. Nung una creepy pero katagalan, nasanay na rin ako to the point I'm always looking for him. Isang araw nga nabatukan ako ni Earl during lunch time dahil hindi ko raw siya pinapansin.


"Ano ba?!" sigaw ko sabay himas sa likuran ng ulo ko.


"Eh di mo ako pinapansin! Kanina pa kita kinukulit pero nakangiti ka lang dyan sa kawalan!" kumunot naman ang noo niya saka umakbay sa akin sabay patong ng baba niya sa shoulder ko "Ano ba kasi tinitignan mo?" sabay tingin sa labas ng bintana "Wala akong makita"


Inis kong tinanggal ang braso niya at sinamaan siya ng tingin "Kung papansinin kita, mas mabwibwisit ako! At pwede ba, amoy sex ka! Layo!" at tinulak ko siya palayo pero lalo lang niya ako niyakap at tinawanan pa niya ako! Argh! The smell!


Habang sinusubukan kong lumayo kay Earl, sumulyap ako sa bintana. Wala na siya.


Hindi ko alam kung bakit ako nakangiti that time tulad ng sinabi ni Earl sa akin pero habang tumatagal gumagaan loob ko kay Blue. May distansya pa rin akong nilalagay sa tuwing nagkikita kami, pero yung takot na baka saktan niya ako, wala na.


Lately rin naririnig ko ang mga students na nagbubulungan tungkol sa isang student na bumalik raw. Masasamang salita lang ang mga sinabi nila tungkol sa student na ito at may iba pang galit dahil bumalik raw si 'Lucifer'. Sinirado ko na lang ang hearing ability ko dahil maiinis lang ako. Baka nakakalimutan nila na may halimaw sa dugo namin?


"Waah! Excited na ako this Sunday!" kanina pa malapad ang ngiti ni Ces. Kung sabagay, bukas na ang Mail Day. Once a month kasi, nagpapadala ang mga family and friends namin sa malalayong lugar sa mga anak nila na nag-aaral dito. And Ces and Seb are their grandparents' favorite grandchildren.


"Kanina ka pa ha" suway ko dahil kanina pa talaga siya maingay. Para siyang nakainom ng isang gallon ng energy drink sa sobrang hyper niya.


"Belat" sabay labas ng dila niya kaya ayon, tinapunan ko ng unan. Sapol. Tinawanan ko lang siya nung sinamaan niya ako ng tingin.


Pinagpatuloy ko lang ulit ang pagbabasa ko pero nagsalita ulit si Ces.


"Alam mo bang kahapon pa nawawala ang isang third year student?" napalingon naman ako sa kanya na ngayon nagpipinta ng kuko sa kaliwang kamay niya.


"Narinig ko sa mga chismosa. Sino naman?" imposibleng hindi ko malaman ang tungkol sa missing student. May hearing ability kaya ako.

Moon Academy | FINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon