CHAPTER 7: Follow the Scent

2.8K 103 2
                                    

A/N: Hindi ko pa 'to nadoble check for errors kaya please PM me kung may makita kayo :) ... at sorry kung ngayon lang, dapat kagabi pa 'to pero nawalan kami ng ilaw -_-" ... MORNING GUYS :3 <3

--

-Jaquelyn-

"I have some few announcement" panimula ni Mr. Velasco, my Dad, habang nakatayo sa taas ng stage. Bago matulog kagabi, nag-announce ang secretary niya na magkakaroon ng assembly sa gym early in the morning bago magsimula ang klase. Kaya naman heto kami, kahit antok, nakapila by section. Nasa bandang likuran kami ni Ces dahil kami ang nahuli.

"Alam kong karamihan sa inyo ay alam na kung anong nangyari kahapon. Ms. Helen Zeera, a third year student was found dead in the Abyss Forest" nanlulumong pagkukumpirma niya "The school has its rules at isa rito ang pagbabawal na pumunta sa Abyss Forest at night time but we know some of you still broke it. I'm really disappointed."

Nilibot ko ang paningin ko sa buong gym. May mga nakikinig, mostly ang mga nasa harapan, pero marami pa rin ang hindi nakikinig at karamihan sa kanila ay nasa likuran at kasama namin. Huminga ako ng malalim at muntik ng akong mabulunan sa sarili kong hininga.

"Ayos ka lang, Jaq?" tanong ni Sani na nasa section 2 na linya at tulad namin, nasa likuran rin siya ng linya.

"Oh? Anong nangyari?" tanong naman ni Ces habang hinihimas ang likuran ko.

Nagthumbs up lang ako sa kanila at umubo ng konti. Nilibot ko naman ang paningin ko ulit at inamoy ang buong paligid. Naamoy ko na naman ang strawberry and cinnamon scent. Student rin ba si Blue? Andito rin ba siya? Hindi ko siya nakita kahapon dahil sa mga nangyari. And it sounds crazy, but I want to see him. Kahapon pa ako hindi mapakali sa mga nangyayari and there is this voice in my head saying that I need Blue.

At hindi ko alam kung bakit.

"Anong inaamoy mo?" kunot noong tanong ni Ces sabay amoy ng paligid. Kahit si Sani, nakiamoy na rin.

"Naamoy niyo ba yun?" tanong ko sabay amoy ulit para mahanap kung saan nanggagaling ang amoy na yun "Strawberry and cinnamon"

"Ha?" confused akong tinignan ni Ces sa sinabi ko pero binalewala ko lang siya. Nilingon ko ang buong lugar pero ang dami ng mga tao. Hindi ko alam kung papaano ko siya makikita sa dami at sikip ng lugar. Hindi ko nga rin alam papaano ko naamoy ang amoy na yun sa dami ng mga werewolf students dito.

"Huwag mong sabihin amoy yan ng mate mo?" mabilis akong napalingon kay Sani at gulat na tinignan siya. Nakataas ang kilay niya habang naghihintay ng sagot ko.

Mate? Scent ba yun ng mate ko? Kung ganun nga, ibig sabihin si Blue ang mate ko? Pero kung siya nga, bakit wala siyang sinabi? Imposible naman na wala siyang sabihin dahil for sure, alam niyang mate niya ako. Mas madaling mahanap ng mga full werewolf ang mate nila kumpara sa mga katulad ko na schands.

"Hoy Jaq. Tama ba ang iniisip namin ni Sani? Is it your mate?" tanong pa ni Ces at hinarap niya ako sa kanya "We all know that mates have distinct scent that only their mate can smell."

Napakagat labi naman ako at nag-aalinlangan na tumingin sa mga mata nila. "Hindi ako sure pero nitong mga nakaraang araw naaamoy ko yung strawberry and cinnamon scent. Tapos may mysterious wolf na nagbabantay sa akin sa malayo" halos pabulong ko na nasabi ang last sentence.

"Ano?!" sabay pa nilang sigaw kaya naman napatingin ang karamihan sa amin. Sinamaan ko naman sila ng tingin sabay upo sa sahig para matago.

Nakakahiya!

Moon Academy | FINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon