-Jaquelyn-
Nalaman ko na pinatawag pala kami dahil sa mail prank na naganap kahapon ng umaga. Sampu pala kaming nakatanggap ng mail prank at kasama ako sa sampu. Hindi ko lang nalaman na meron rin ako dahil hindi ko chineck ang locker ko.
Ako, si Ces at Seb, Earl, Sani, Winston, Kres, Molly, Irish at...si Eros ang mga nakatanggap.
Nandito kami ngayon at nakaupo sa mini-sala ng guidance office kung saan kaharap namin ngayon si Mr. Boddi Evangelista. Siya ang guidance chairman at teacher namin sa economics. Katabi ko naman sila Ces at Sani. Pilit kong iniiwasan ang mapatingin sa lalakeng nakasandal sa pader sa kaliwang parte ng kwarto habang nakapikit at nakakrus ang dalawang braso niya sa dibdib niya. He's well fit, I'll tell you that.
Katabi naman ni Sir Boddi ang isang lalakeng nagpakilala bilang Derek Corazon. Chief ng security department ng Moon Academy at siya ang namamahala sa investigation. Tinanong niya kami ng mga simpleng katanungan. Minsan nagtatanong rin si Sir Boddi kung may mga kaaway ba kami sa school kaya kami pinagdiskitahan or baka naman hindi lang ito ang unang beses na may nagprank sa amin.
"Wala naman po. Kahapon po yung unang beses na may nangyaring ganun," malumalay na sagot ni Sani. Kitang kita ko ang takot at kaba sa itsura niya "Pakiramdam ko nga po hindi po ito simpleng prank eh"
Napataas ng kilay si Derek sa sinabi ni Sani "Bakit mo naman nasabi yan Ms. Ferrer?"
Kahit ako, malakas ang kutob ko na hindi lang ito simpleng prank. Masyadong maraming nangyayaring kakaiba sa mga kilos ng security nitong mga nakaraang araw. Idagdag mo pa na narinig ko ang pag-uusap nila Seb at Eros sa rooftop.
"Napakadisturbing ng prank nila, Sir! Kung simpleng prank lang ito, sobra naman ang ginawa nila at pumatay pa sila ng inosenteng lobo!" paiyak na sabi ni Sani kaya agad ko siyang hinawakan sa kamay para pakalmahin. "At isa pa, sobrang coincendence naman ang pagkakahanap sa bangkay ni Helen, diba? P-paano k-kung babala pala ito?" this time nanginginig na siya sa takot at kahit magpanggap ako, kahit ako natatakot na rin sa mga pinagsasabi niya.
"Calm down, Ms. Ferrer" mahinahong sabi ni Mr. Boddi at inabutan siya ng tissue "Nothing bad will happen, ok?" tinignan niya kami isa isa sa mga mata "Ligtas kayo sa Academy na ito. Basta sumunod lang kayo sa mga patakaran, ok?"
"Mr. Boddi is right. Dapat kayong sumunod sa mga patakaran, lalo na ngayon na hindi pa nahuhuli ang salarin na gumawa ng masama kay Ms. Zeera" maotoridad na sabi ni Derek bago tumayo at lumingon sa lalakeng kanina ko pa iniiwasan ng tingin "As Sir Luci ordered, we will be putting at least five werewolf fighters at all the buildings here in the Academy. So, wala kayo dapat ikabahala" ngumiti naman siya ng totoo sa aming sampu "Pwede na kayong maglunch at mukhang nagutom kayo sa mga tanong ko"
Nagsitayuan naman kaming lahat kahit si Sir Boddi. Hinawakan ko naman sa kamay si Sani para sabay na kaming lumabas ng office. Sa paglalakad palabas ng office naligaw ang tingin ko sa pwesto niya at halos tumalon palabas ng dibdib ko ang puso ko nang makita kong nakatingin rin siya sa akin. Napasinghap naman ako sa tindi ng pagkakatitig niya sa akin kaya naman naamoy ko ang mabangong amoy niya. Sa isang iglap, nawala ang galit at napalitan ng pagkamiss.
BINABASA MO ANG
Moon Academy | FIN
Hombres LoboATTN: Hi everyone who clicked on my story! I'm happy to share with you guys that this story is now on webtoon! YES! That's right, me and my sister decided to create a webtoon of my wattpad story and the Prologue is already up :D So, sa mga readers n...