CHAPTER 17: Report

2.1K 80 5
                                    

A/N: Not edited ang chapter na 'to. Sensya na, medyo busy sa school e.

--Jaquelyn-

The next day, nagkaroon ng assembly sa gym. Papunta pa lang kami, napansin ko ang bigat ng bantay sa bawat sulok ng Academy. Pamatay ang mapagmatyag na mga mata ng mga security team. Lahat ng werewolf fighter nakamasid at parang bawat galaw ng bawat estudyante ay binabantayan nila.

"I heard that malakas ang kutob ng higher ups na more than one spy ang nasa loob ng Academy" bulong ni Ces na nasa tabi ko habang patungo kaming gym. Kasunod namin si Sani, Earl, Kres, Heart at Sky. Sila Aeron, Seb at Eros ay abala sa mga trabaho nila.

Ok na sila Aeron, Sky at Earl. Kahit sinabi namin na manatili muna sa Clinic, ayaw nila kaya naman pinagbigyan na namin sila. Masyado silang mapilit.

"Alam niyo na ba kung sino yung mga...victims kahapon?" malumalay kong bulong. Wala pang nakakasabi sa akin kung sino yung dalawang babaeng nadamay.

Tumingin ng malungkot si Ces sa akin "It was Kristine and Cloe" napahinto naman ako sa sinabi niya. Oo, badtrip ako sa ugali nila pero hindi ko inaakala na nadamay sila.

Lalong bumigat ang pakiramdam ko dahil alam ko, it was partly my fault. Nagtama ang tingin namin ni Kres at alam ko na ang tingin niya. Alam niya na sinisisi ko ang sarili ko. Umiwas na lang ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad pero hindi pa rin ako mapakali. I'm looking around me every minute.

"Thank you for being here.." halata sa sa itsura at boses ni Dad ang pagod at stress "I'm going straight to the point" pero kahit pagod siya, bakas pa rin ang otoridad sa kanya "Because of the recent events inside the school, I , the faculty and the higher ups decided to cancel all the classes for this school year" pagkasabi noon ni Dad, malakas ang mga bulong bulungan ng mga estudyante. Halata sa mga mukha nila ang pagtataka at takot pero karamihan sa kanila umaasa na pauwiin na sila sa lalong madaling panahon.

Tumikhim si Dad para makuha ulit ang atensyon ng lahat "May curfew pa rin kayo and no one is allowed to venture the Abyss Forest. Day or night. No student or faculty members are allowed to be alone, especially at night. I suggest na magkasama 24/7 ang mga magroommates..."

Maraming pang sinabi si Dad pero lumipad na naman ang isipan ko. I always keep on thinking about my nightmare na habang tumatagal hindi ko na maintindihan. Sometimes there are too dark and sometimes there are to distorted na hindi ko maintindihan kung saan talaga ako. But I will always hear voices. Shouting at me or taunting me or laughing evily. At gabi gabi akong nagigising hingal na hingal at pawisan. Thankful ako kagabi at wala si Ces sa kwarto namin at hindi siya nagising nung mga nakaraang araw.

Natapos na ang announcement at umalis na kami. Habang naglalakad napatanong si Sani.

"Bakit hindi na lang tayo pauwiin sa mga pack natin? It not safe anymore here, we know that" bakas sa boses ang pagtataka niya. Sasagot na si Ces pero naunahan siya ni Kres.

"We can't be sure what is waiting outside the Academy" malamig at seryoso ang boses ni Kres. Titig na titig siya kay Sani na parang may hinahanap "Kailangang mag-ingat ngayon pang may mga traydor na mga werewolf" matabang na pagtatapos niya.

Tinaasan ko siya ng kilay sa inasal niya. Kibit balikat lang ang sagot niya saka tinuon ang pansin sa unahan habang nasa tabi ko. Hindi naman umimik si Sani na mukhang nahiya.

Tumambay na lang kami sa library dahil iyon ang gusto namin ng mga babae. Walang nagawa ang boys. Si Kres naman nagpaalam dahil tinawag siya ni Derek. May pag-uusapan raw pero bago umalis nakipag-usap siya kay Earl at sa tatlong security sa labas ng library.



--Eros/Luci-

"Kailangan nating mapauwi ang mga estudyante..." frustrated na sabi ni Sir Velasco.

Moon Academy | FINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon