A/N: Another update my friends :) by the way, si Dr. Brandon at Dr. Baron ay iisa lang. Medyo naguluhan lang ako evern since na bumalik ako sa pagsusulat at Brandon or Baron yung mga pangalan na naisip ko for Ces' Mate hahaha. Anyway, Baron na ang gagamitin ko talaga so please understand :D Sorry at magulo, love you all :* GOD BLESS! And I hope you'll like this chapter.
P.S: Please PM or comment kung may mga nakita man kayong mali. I don't bite :3
--Eros/Luci—
Nagising ako sa sakit ng ulo dahil sa mind link. Pambihira ang sarap ng tulog ko! Kinapa ko ang right side ko pero wala akong makapa na bewang. When I opened my eyes, something was blocking my view. Agad ko naman tinanggal ito. Sticky note?
I'll see you later, okay? Bye
Kumunot naman ang nood ko sa nabasa ko.
'Anong see you later?' dabog ng wolf ko dahil umagang umaga hindi niya katabi ang Mate namin. Hindi ko siya sinagot at sinubukang i-mind link si Jaquelyn, later ko na sasagutin ang mind link ng mga pack ko, Mate's first.
"Where are you?" bungad na tanong ko ng macontact ko na siya.
"Ahhmm, secret?" lalong kumunot ang dati ng kunot na noo ko. Anong secret?!
"Are you kidding me? Jaquelyn naman! Where are you?! Pupuntahan kita!"
"Eros, please no!" anong problema niya at ayaw niya akong makita?
"Are you—nagsisisi ka ba?" may takot nang bumabalot sa akin sa tanong ko. Baka nagpadalos dalos ako? Maybe she really didn't want the mark?
"No! Hindi, Eros! It's just..." hays salamat naman at hindi "...nahihiya ako"
"Ha?" hindi ko alam kung anong isasagot sa kanya.
"Basta! See you later! At kasama ko si Kres, okay? Bye!"
Bago pa ako makaangal, sinara na niya ang isip niya at hindi ko na siya makontak. Yung sakit ng ulo ko naman bumalik. Napasabunot naman ako ng buhok sa sobrang inis.
'Damn it! Ano na naman ba ang problema nila?' bulong ko sa isipan ko bago ko sinagot isa isa ang mga mind-link nila. Tatapusin ko na ang interrogation naming kay Mr. Evangelista para makasama ko na agad si Jaquelyn. Bwisit.
--Jaquelyn—
I sigh in relief ng matapos na ang mind link namin ni Eros sa isa't isa. I really need to be careful now. Muntik na akong mahuli ni Eros na iniisip ang past ko. Kapag nalaman niya na may balak akong alalahanin ang past ko, for sure he'll be against it. One hundred percent.
"Aish!" sa sobrang frustration ko ginulo ko ang buhok ko at pinatong ang ulo ko sa mesa dito sa library. Ano bang gagawin ko? Kahapon sure na sure akong gusto kong maalala ang past ko, pero ngayon nagdadalawang isip naman ako. Am I ready to remember? If yes, ang tanong may paraan ba? At for sure may malaking pagbabago talaga sa akin pag naalala ko na ang lahat.
I'm scared. I'm scared to know what he did to my family. Hindi ko alam kung handa na ba akong harapin yun. Hindi ko alam if I can handle all information in one go. Wala namang tao na gustong maalala o makita ng paulit ulit ang pagkamatay ng pamilya niya. I'm really crazy if I'll decide to remember, but I can't take it anymore. Ang mga bangungot, ang mga naririnig ko na hindi ko alam kung totoo ba or talagang sira na ang hearing ability ko. Pwede ba yun? Masira ang ability?
Sasaki tang ulo ko sa mga problema ko. Wala talaga akong makuhang sagot sa mga libro. No choice talaga ako but to remember my past which aparrently no one wants me to know about. Kung tanungin ko na lang ulit si Kuya Jacob? Hindi rin pwede dahil iniiwasan ko siya ngayon at si Dad. Lalo na't nagkasagutan pa kami kaninang umaga.
BINABASA MO ANG
Moon Academy | FIN
WerewolfATTN: Hi everyone who clicked on my story! I'm happy to share with you guys that this story is now on webtoon! YES! That's right, me and my sister decided to create a webtoon of my wattpad story and the Prologue is already up :D So, sa mga readers n...