A/N: This will be a long chapter XD ... bahala na si batman...
Please leave your thoughts in the comment section :* LOVE YA ALL!
-Jaquelyn-
Days passed at hindi pa rin maalis sa isipan ko ang tungkol sa mysterious wolf na parati kong nakikita. Even this passed few days nakikita ko pa rin siya minsan. Kahit anong gawin ko, naaalala ko pa rin kung paano ako pagmasdan ng mga mata niya. Minsan nga nanaginip ako tungkol sa mysterious wolf. Sa panaginip ko, may humabol sa akin sa kadiliman ng Abyss Forest, para bang natrap ako sa kadiliman at kahit anong takbo at tago ko nahahanap ako ng humahabol sa akin. Dumating sa puntong natisod ako at may kung anong dumagan sa akin kaya hindi na ako nakatakas at sigaw na lang ang nagawa ko. Tapos nung sa puntong hindi na ako makahinga, may kung anong lumipad sa taas ko at inalis ang dumagan sa akin. And it's no other than the pitch black wolf with crystal blue eyes.
"Hoy Jaq!"
"Ay palaka!"
"Kanina ka pa nakatulala dyan!"
"Aatakihin ako sa puso sa'yo" tinapunan ko ng masamang tingin si Ces at napahilamos ng palad sa mukha ko. Argh! Naligaw na naman ang isip ko sa black wolf na yun! Tignan niyo na ang pagkabaliw ko sa pag-iisip tungkol doon?! Teka, baliw ako sa lobo na yun? Stop thinking!
"Sorry, di lang nakatulog maayos," dahilan ko at pinatong ang ulo ko sa table. Nasa library kami ngayon at gumagawa ng assignment para sa Humanity subject namin. And yes, we do have that kind of subject para maintindihan namin ang mga ordinaryong tao dahil darating ang panahon, sa ayaw at sa gusto namin, may makikilala kaming ordinaryong tao. It can be your mate or your mate's friend or family. Pinag-aaralan rin namin ang laws between human and us.
"Pansin ko lang ha, ilang araw ka nang ganyan" puna ni Ces. Umiling lang ako sa kanya at hindi siya pinansin. Dumungaw na lang ako sa bintana. Kahapon ko pa hindi nakikita si Blue. Yes, I decided to call that black wolf Blue dahil sa mga mata niya. Weird ko, diba?
"Sus, for sure hindi yan nakatulog kakabasa ng romance book. Girls and their romance book" kumento pa ni Aeron kaya naman nasapak siya ng red hair and blue eyes Mate niya. Heart Gonzaga, daughter ng third in command ng Black Paw Pack.
"Hoy! Reading books are good! Ang tamad mo kasing magbasa!" bulyaw naman ni Heart kaya ayun nilambing agad ni Aeron.
Napailing na lang kami ni Ces sa kabaliwan ng dalawa. Out of place kami dahil sa kanila. Nagtataka talaga ako bakit hindi pa nakikilala ni Ces ang Mate niya. Ang dami na niyang napuntahang mga socialization party simula bata pa kami at hindi pa rin niya nakikilala. Maybe her mate is a Human.
Sinubukan ko ulit na magconcentrate sa sinasagutan ko pero ang gulo ng couples sa right side ko. Out of place na nga kami, nang-iinggit pa talaga. Makaalis na nga lang.
"Aalis na lang ako," tumayo na ako at pinasok ang mga gamit ko sa bag ko "Sensya na, pero naa-out of place lang talaga ako sa inyo" natatawang sabi ko at nilingon si Ces "Dito ka lang?"
"Hindi noh" tumayo na rin siya at inayos ang kanyang gamit "hindi lang ikaw ang out of place"
Nagtawanan naman ang magcouples. Napailing na lang kami at nagpaalam na. Nagpaiwan naman silang dalawa. Ayaw kasing umalis ni Heart dahil may babasahin pa siyang libro at ayaw namang iwan ni Aeron ang Mate niya.
Pagkalabas naming sa library agad na napatigil si Ces at napapout.
"Anong meron?" pinagmasdan ko naman siya at mukhang may kausap siya sa mind-link niya.
BINABASA MO ANG
Moon Academy | FIN
WerewolfATTN: Hi everyone who clicked on my story! I'm happy to share with you guys that this story is now on webtoon! YES! That's right, me and my sister decided to create a webtoon of my wattpad story and the Prologue is already up :D So, sa mga readers n...