Chapter 4

21 0 0
                                    

" Ano nanaman ang gagawin ko ngayon?"

Nakatulala si Driya habang nakatingala sa kaniyang kuwarto. Kailangan niya ngayong magsukat ng mga susuotin niya sa nalalapit niyang birthday party, kaya naman simpleng damit din lang ang suot niya ngayon.

" Anak, Alexandrine! Come on!" Tawag na sa kaniya ng Mommy niya. Napakamot siya sa uluhan niya bago siya umalis sa kwarto niya.

Isinarado niya ang pintuan ng kwarto niya, at saka siya bumaba sa sala nila kung nasaan ang Mommy niya.

" Mom, do I have to wear and test them all? Ibibigay ko nalang ang sizes ko, at bahala na kayong tignan." Umiling ang Mommy niya sa sinabi niya.

" Anak, titignan nila kung ano ang babagay sayo, kaya kailangan naroon ka. Tara na."

Wala sa mood si Driya kaya hindi siya humahawak ng kaniyang telepono, kaya hindi niya din matawagan ang mga Kuya niya. Nagpaalam naman siya sa mga ito, pero mas maganda parin kung kausap niya ito habang nasa lakad sila ng Mommy niya.

" Beige is so nice to Alexandrine. Champagne colors din ang bagay sa kaniya. Iyan nalang din ang theme sa party niya para mas makita ang feminity sa theme ng party niya. At ang kulay naman ng damit ng mga guests ay white and black." Nakikinig si Driya habang naguusap ang Mommy niya at ang organizer ng kaniyang party. May isang babae naman na may hawak ng dress at nasa harapan ito ni Driya, at saka nila tinignan kung babagay ba ito sa kaniya.

" Alright then. Iyan ang gusto ko. Kayo ang gumawa at umayos ang wedding party ko, kaya sana maayos at maganda din ang kalabasan ng party ng anak ko."

" Sure, Ma'am. But first, suotan muna natin si Alexandrine ng mga damit. Mahaba haba ang program, kaya marami tayong isusukat sa kaniya para every program, magpapalit siya ng damit niya." Paliwanag ng organizer sa kanilang dalawa.

Nagsimula na siyang bihisan. Paulit ulit at nakakapagod. Gusto niya na ngang magreklamo at magdabog, pero ayaw niya naman dahil may ibang tao at ayaw niyang magalit ang Mommy niya sa kaniya. Nakatayo lang siya at tinitignan kung babagay ba sa kaniya ang damit niya, at saka siya tumatango at sumasang-ayon kapag nagustuhan niya ang damit na iyon.

" Sexy naman ni Alexandrine, Madam. Nagwo work out ba siya?" Tanong ng stylist sa Mommy niya.

" Yes. May gym kami sa bahay. Ayaw kong pinababayaan niya ang katawan niya, kaya naman pinagwo-workout ko siya." Napapalakpak naman sa kaniya ang stylist na nasa harapan niya.

Naupo siya nang matapos siyang magsukat, nakapili na siya ng limang dresses at iyon ang isusuot niya sa buong party niya. Excited siya para doon dahil maganda ang mga dress na napili niya. Nagkukwentuhan nalang ang Mommy niya at ang mga stylists at organizers na kasama nila sa shop. Nabaling ang atensiyon niya sa tunog ng pintuan, may chains kasi ito, kaya naman tutunog iyon kapag may nagbukas ng pintuan. Nanlaki ang mata niya nang makita si North na naglalakad at tila may hinahanap sa loob ng shop.

" Kuya North!" Sabay sabay na napabaling ang mga kausap ng Mommy niya at si North sa sigaw niya. Yumakap kaagad si Driya sa Kuya North niya.

Napangiti naman si North dahil doon.

" Tapos ka na bang magsukat? Hindi ako naka abot?" Nagtatakang tumingin si Driya sa lalaki.

" Pupunta ka dapat dito?"

" Yeah. Binilin ko kay Tita na huwag niyang sabihin sayo, kaya lang, nahuli ata ako, tapos ka na." Tumawa si Driya sa sinabi ni North, at saka niya ito niyakap, at inakbayan.

" It's fine, Kuya. Makikita mo din naman ako iyon sa party ko."

Masaya si Driya na naroon si North, kanina ay mag isa niya lang na nakaupo at inaantok na sa upuan niya, pero ngayon na naroon na din si North ay umingay at kumulit na siya. Kaya naman nakangiti ang Mommy niya habang nakikita nila ang dalawa na nag uusap.

I Ruined His Own PromiseWhere stories live. Discover now