Prologue

58 0 0
                                    

" Suplada ka! Wala namang magtatanggol sayo! Suplada! Blee!"

Umiiyak si Alexandrine habang itinutulak tulak siya ng mga bata sa sahig. Nakaupo na si Alexandrine sa sahig, madumi na ang uniform niya at magulo na din ang pagkakatali ng buhok niya.

" Tumigil na kayo! Isusumbong ko kayo kay Mommy at Daddy!" Sigaw ni Alexandrine habang itinutulak niya ang mga batang umaaway sa kaniya, pero dahil iisa lang niya ay hindi niya kayang ipagtulakan lahat ng batang pinagtutulungan siyang saktan at pagtawanan.

Hindi magawang gumanti ni Alexandrine. Palagi niyang itinatatak sa isipan niya ang sinabi ng kaniyang mga magulang. Na huwag gaganti at mananakit sa mga kaklase at lalong lalo na sa mga taong hindi niya kakilala.

" Walang kuya! Walang ate! Suplada! Blee! Loser!" Sigaw parin ng mga bata sa harapan niya. Wala siyang nagawa kundi ang umiyak nalang at pakinggan ang sinasabi ng mga bata sa kaniya.

Nagtatawanan ang mga bata sa harapan niya.

" Loser! The brat Carbonel is a loser! Kahit na magsumbong ka pa sa Mommy at Daddy mo, loser ka parin!" Itinulak siya ng isang batang babae na maraming hair clip sa buhok nito, doon na siya tuluyang napahiga sa sahig.

" Stop-"

" Ouch! Mommy!" Nagtaka si Alexandrine nang umiyak ang mga batang nang aaway sa kaniya. Lahat sila ay nagsisiiyakan na sa harapan ni Alexandrine habang hawak hawak ang kanilang mga noo. Nagtaka si Alexandrine kaya naman umayos siya ng upo sa sahig at pinagmasdan silang umiyak sa harapan niya.

Agad na napangiti si Alexandrine sa nakikita niya.

" Loser pala kayo e." Ani Alexandrine sa mga bata.

" Don't bully her again, or else, I'll break your arms!" Tumakbo ang mga batang bully palayo kay Alexandrine habang hawak parin nila ang kanilang noo at umiiyak habang paalis. Tumawa si Alexandrine.

Maya maya pa ay may tumayo sa harapan niya. Isang batang lalaki na matangkad, maputi, at may hawak na ilang piraso ng maliliit na bato. Nagtaka si Alexandrine.

" Are you okay?" Tanong sa kaniya ng lalaki. Tumango naman siya at saka siya ngumiti, itinuro niya ang batong hawak ng lalaki.

Ngumiti ang lalaki sa kaniya at saka nito inilahad ang kamay niya sa harapan ni Alexandrine para tulungan itong tumayo. Kinuha naman iyon ni Alexandrine at saka siya tuluyang nakatayo mula sa pagkakaupo sa sahig.

" This is a stone. Ginamit ko at ibinato ko sa mga foreheads nila para tigilan ka na nila." Tinignan ni Alexandrine ang mga batong hawak ng lalaki, tumawa siya at saka ito kinuha mula sa kamay nito.

Malugod naman itong ibinigay ng lalaki.

" I'll take this. Para ako na ang babato sa kanila kapag bumalik pa sila sa akin." Tumango ang lalaki at saka niya ibinigay kay Alexandrine ang kaniyang mga bato sa kamay.

Natigilan si Alexandrine nang lumapit sa kaniya ang lalaki at saka nito inayos ang kaniyang nagulong buhok. Siya mismo ang nagtali nito. Inayos niya ang tali ni Alexandrine. At saka ipinagpag nang maingat ang kaniyang uniporme para mawala ang mga dumi mula rito.

" Why are you here? Why are you saving me?" Inosenteng tanong ni Alexandrine sa lalaki.

" I just accidentally saw you. I want us to meet tomorrow. Is that fine?" Tanong ng lalaki. Tumango tango naman si Alexandrine at saka siya ngumiti.

Ngumiti naman pabalik ang lalaki sa kaniya.

" Okay. Let's meet tomorrow. What's your name?" Tanong ni Alexandrine sa kaniya.

Inilahad ng lalaki ang kamay niya kay Alexandrine at saka nagpakilala.

" North Adler Lodivico, how about you?"

Ngumiti si Alexandrine.

" Alexandrine Resendriya Carbonel."

I Ruined His Own PromiseWhere stories live. Discover now