Chapter 2

23 0 0
                                    

" Kuya North!"

Humalik si Alexandrine sa gilid ng labi ni North. Hindi alam ni North kung bakit doon siya humahalik pero unti unting nagugustuhan ni North ang paghalik ng babae sa kaniya.

" How's your school?" Tanong nito kay Alexandrine.

" It's fine. I was just waiting for you to come here and see me." Ani Alexandrine sa harapan ni North. Agad na namula ang pisngi ni North at saka siya umiwas ng tingin kay Alexandrine.

Kinuha ni North ang bag na hawak ni Alexandrine at saka niya ito binuhat, para hindi na mahirapan pa si Alexandrine.

" Naroon na ang sundo mo, pinuntahan lang kita para kunin ang bag mo at hindi ka mahirapan." Bumusangot sa harapan ni North si Alexandrine.

Agad namang nangunot ang noo ni North nang makita ang suot suot ni Alexandrine. Dahil nasa Senior High School na siya ay pwede na sa kanila ang magsuot ng kung anong gusto nilang suotin.

" What are you wearing?" Tanong ni North kay Alexandrine na nakakunot ang mga noo.

" I am wearing a branded clothes from my Mom, why?" Pang aasar ni Alexandrine kay North, napahawak naman si North sa batok nito.

Hinubad ni North ang suot suot niyang  jacket at saka niya ito iniabot kay Alexandrine at isinuot iyon sa kaniya. Napakusilap si Alexandrine sa  ginawa ni North pero hindi naman siya tumutol dito at hinayaan nalang ang ginawa ni North sa kaniya.

" Pauwi na nga lang e, tatakpan mo pa-"

" Hi! North Adler, right?" Natigilan si Alexandrine nang may isang babaeng lumapit kay North at hinawakan pa ito sa balikat niya. Nagulat naman si Alexandrine sa ginawa ng babae, kaya naman napaatras ng kusa ang mga paa niya.

Kinusilapan siya ng babae, kaya naman agad siyang napayuko.

" Bitch." Ani Alexandrine na ipinagtaka ni  North, hindi kasi masyadong narinig ni North ang sinabi ni Alexandrine, kaya naman hinawi ni North ang kamay ng babaeng lumapit sa kaniya kanina.

" Could you please don't go near me, Fortuna?" Masungit na tanong ni North kay Fortuna at saka niya hinawi ang kamay ng babae at lumapit kay Alexandrine.

Hinawakan ni North ang braso ni Alexandrine at saka niya ito tinignan.

" Alexandrine, what happen? Bakit ka lumayo?" Tanong ni North kay Alexandrine.

" She rolled her eyes on me before holding your arms." Ngiting sambit ni Alexandrine at nang aasar na tumingin kay Fortuna. Inis naman na itinaas ng babae ang kamay at siya umalis sa harapan nilang dalawa.

Umiwas ng tingin si Alexandrine kay North at saka siya naunang maglakad papunta sa sasakyan nilang naghihintay na sa kaniya.

" Alexandrine!" Tawag sa kaniya ni North pero hindi niya ito pinapansin. Pilya namang napapangiti si Alexandrine sa tuwing tatawagin siya ni North na tumatakbo na palapit sa kaniya.

Alam din naman ni Alexandrine na asarin ang mga Kuya niya, at palagi niyang natatalo ang mga Kuya niya kapag inaasar niya ang mga ito.

" Mom, I'm tired. I wanna go home." Walang buhay na saad ni Alexandrine sa Mommy niya, pero pakitang emosyon niya lang naman iyon, gusto niya lang ipakita kay North na galit siya dito.

Ibinigay ni North sa Mommy ni Alexandrine ang bag niya at saka niya hinintay na halikan siya nito sa gilid ng labi niya. Pero wala atang balak si Alexandrine na gawin iyon.

" Alexandrine.." Tawag ni North kay Alexandrine. Lumingon lang ang babae at saka niya isinara ang pintuan ng kotse nila.

Hindi pa sila nakaka alis ay nilingon siya ng Mommy niya mula sa harapang bahagi ng sasakyan, at saka nito kinausap si Alexandrine.

I Ruined His Own PromiseWhere stories live. Discover now