" Hindi ko naman sinasadya."
Alexandrine is crying infront of North and South. Yes, they are siblings. The Adlers ang tawag sa kanila, sila na ang naging Kuya ni Alexandrine kaya naman todo sila mag ingat sa kaniya.
" Hindi mo sinasadya pero the maids told me that you are smirking while sweeping and wiping the floor, Alexandrine." Pagalit na ang tono ng boses ni North, hindi niya na kaya pang pigilan ang galit na nararamdaman niya pero hindi niya magawang bulyawan si Alexandrine dahil mabilis itong maiyak at saka magwawala ito.
" Kuya North, come on. Hindi ko naman siya binigyan ng ganoong reaction, sinasabi niya lang iyan, I don't even know how to smirk! Look!" Pilit na inginingiwi ni Alexandrine ang gilid ng labi niya para maipakita na hindi niya kayang gawin ang pag-ngisi. Agad namang napahawak si South sa kaniyang sentido dahil hindi niya alam kung matatawa siya sa itsura ni Alexandrine o maaawa ba ito sa kaniya.
Kumusilap naman si North sa harapan ng babae.
" I'll let this pass, Alexandrine. But next time, if you really did it, don't do it again. Are we clear?" Tanong ni North sa kaniya. Tumango tango naman ito at saka niya nginitian ang magkapatid para hindi na sila magalit pa sa kaniya.
Hindi niya naman kasi talaga ginawa iyon. Siguro ay pinagti-tripan nanaman siya ng dalawang lalaki na iyon o kaya naman ay nagsisinungaling ang Yaya nila. Nasa bahay nina North si Alexandrine. Simula noong nagkakilala silang dalawa ay palagi na silang magkalaro, kaya naman kung minsan ay hinahatid at sinusundo siya ng Mommy at Daddy niya para mamasyal sa bahay ng dalawang magkapatid na lalaki para makipag laro sa kanila.
" Tomorrow is Monday, right? Nagawa mo na ba ang homeworks mo, Alexandrine?" Napalingon si Alexandrine kay North na hawak hawak ang notebook niya. Yumuko lang si Alexandrine at saka siya umiling bilang sagot.
" Bakit mo hindi pa sinasagutan?" Tanong ulit ni North sa kaniya.
" I'll ask Mom to help me out later when I get home." Sagot niya habang malawak na nakangiti sa North.
Palangiti at masayahing bata naman si Alexandrine.
Alexandrine Resendriya Carbonel is 17 years old now. Pero baby parin ang turing sa kaniya ng The Adlers. Siya na kasi ang naging baby sister nila, kaya naman iniingatan at inaalagaan nila si Alexandrine bilang kapatid at hindi lang bilang kalaro. Kaya masayang masaya si Alexandrine dahil may Kuya na siya. Kuya na tanging hinahangad niya lang na magkaroon siya.
" Kuya South, can I go inside your room? I wanna play your toys." Ani Alexandrine habang hawak hawak na ang doorknob ng kwarto ni South. Wala namang magawa si South kung hindi ang payagan siya.
Iyan naman ang gawain nila kay Alexandrine tuwing kasama nila ito. Papayag sila sa lahat ng gusto ng babae, at magiging alipin sila ni Alexandrine. Masayang masaya si Alexandrine sa tuwing pinapayagan at nakukuha niya ang gusto niya sa pamamagitan ng dalawang magkapatid na iyon.
Nang makapasok si Alexandrine sa kwarto ni South ay kinuha niya ang laptop nito at saka nahiga sa kama ni South, doon siya naglaro sa laptop ni Kuya South niya. Pare pareho sila ng school na pinapasukan, kaya naman nagsasabay sila kung minsan na pumasok, o kaya naman ay magkikita kita nalang sila doon sa school. Iyan din ang dahilan kung bakit hindi na natatakot na pumasok si Alexandrine sa school nila ay dahil may tagapag tanggol na siya mula sa mga bullies.
" Kuya, you know that I can't. I just.." Naririnig niya ang pinaguusapan ng magkapatid sa labas ng kwarto ni South, pero mas nakatuon ang atensiyon niya sa laptop kung saan siya naglalaro.
" North, you have to stop that. She's like that, a minor. How old are you? Mas matanda ka sa kaniya." Kahit na ang paghinga nang malalim ni North ay naririnig ni Alexandrine mula sa loob ng kwarto.

YOU ARE READING
I Ruined His Own Promise
RomansaAlexandrine Resendriya Carbonel is an only child. Wala siyang kapatid, walang kalaro, walang kasama. In short, she's lonely. Suki siya ng bullies noon dahil nga sa pagiging only child at pagiging suplada niya. Isa lang naman ang gusto niya, ang magk...