" Bakit hindi ka makasalita?"
Takang tanong ko kay Kuya North nang magkita kami sa labas ng bahay. Nakatitig lang siya sa suot ko at umiiwas siya ng ting kung minsan.
" You're so pretty tonight." Puri niya na ikinapula at init ng aking pisngi. Napangiti ako.
" Tonight lang?" Pang-aasar ko sa kaniya. He smirked and he pulled me closer to him.
" Every single day." Aniya at saka kami sumakay sa sasakyan niya.
It's funny how I declined the dinner date offered by Mr. Valiente and I actually lied to him. Tapos ngayon, kay Kuya North ako sumama at sa kaniya ako sasabay kakain ng dinner tonight.
" Driya, from now on stop calling me Kuya. Call me North." Aniya na ikinatigil ko. Lumingon ako sa kaniya habang nagmamaneho siya.
" Why?" Tanong ko.
" Let's drop the Kuya, Driya. Malalaman mo din lang mamaya kung bakit. Basta, ayaw ko na marinig na tinatawag mo akong Kuya, maliwanag?" Tinaasan ko siya ng kilay sa sinabi niya at saka ako tumango.
" Alright. Whatever."
Binati kami ng mga staff ng restaurant nang makarating kami sa venue. May nag-abot kay North, gaya ng sabi niya ng bulaklak at saka niya naman ito ibinigay sa akin pagkatapos. Naguguluhan ako sa ikinikilos niya pero sumusunod lang ako sa gusto niyang gawin.
" Bakit may bulaklak?" Tanong ko.
Hinawakan niya ang kamay ko, at saka siya tumingin sa mga mata ko.
" Naalala mo ba nung 18th birthday mo? Nangako ako that day na ayaw kong ma-inlove o mahulog sayo habang magkasama tayo pero hindi ko magawa. I made a promise to myself not to fall inlove with you kasi I should treat you as my little sister lang but I ruined my own promise." Mahabang litanya niya. Laglag ang panga ko sa sinabi niya.
" I ruined your own promise?" Pag-uulit ko sa sinabi niya.
" Yes, baby."
" North–"
" I'm falling for you. At alam kong mali ito, but I can't help it. Palagi kitang kasama at nasanay na ako doon kaya hinahanap hanap kita tuwing hindi tayo magkasamang dalawa. Hindi ko na alam kung kailan at paano ko ito naramdaman pero isang araw nagising nalang ako na gusto na kita at gusto kong maging sayo." Binitawan ko ang kamay niya na nakahawak sa akin, I think this is so gross? Like, we treat each other as siblings tapos bigla siyang aamin sa akin na he is inlove with me?
How come?
" North, I think nagkakamali ka. Baka kasi nararamdaman mo 'yan kasi lagi tayong magkasama? What if we part ways? Para malaman mo ang totoong sagot kung bakit ka nagkakaganyan." Umiling iling siya sa sinabi ko, at saka siya tumingin sa bulaklak na hawak hawak ko.
" No. Paano ako lalayo sayo e tuwing malayo ka nga sa akin ay hinahanap hanap kita? Paano ako lalayo sayo kung hindi nga ako pumapayag na hindi kita makita at hindi kita kasama?" Napakurap kurap ako sa sinabi.
Yes. Noong nag-18 din ako before ay nangako din ako sa sarili ko na hindi ako mahuhulog kay Kuya North kasi magkapatid nga ang turing namin sa isa't isa. How come na ganoon din ang pangako niya sa sarili niya before? I know that North is a good boy, simula palang noon, alam ko na iyan at nakikita ko na iyan sa kaniya. Kaya alam kong darating ang araw na I will admire him. Kaya nangako ako noon na hindi ako mahuhulog sa kaniya and he will still be my kuya North forever.
" North, please. Hindi pwede. Paano kapag nalaman nila Mom at Dad? Pati sina Tito at Tita about this? Ano sa tingin mo ang sasabihin nila? Isipin mo 'yung sasabihin nila bago sa sasabihin ko sayo, North. Please. Think about it again." Ngumiti siya sa akin.
" Nakausap ko na sila Tita. Even my parents agreed that I can love you the way I wanted to. Hindi naman tayo magkapatid at pwedeng madevelop ang feelings ko para sayo. Ikaw lang ang inaalala ko, iyan ang sagot na ayaw kong marinig galing sayo. Alam kong mahihirapan kang mag-adjust sa mga galaw ko towards you, kaya hindi ka papayag sa sinasabi ko sayo ngayon." Aniya nanaman. Tumango ako.
" Talagang hindi ako papayag, North. I only treat you as my Kuya. Hanggang doon lang iyon. Pero kung ayaw mong hanggang doon lang then mas maganda na huwag na tayong magkita pa at mag-usap pa kahit kailan." Aalis na sana ako nang hawakan niya ang kamay ko, at saka niya ako hinila palapit sa kaniya. Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi siya natinag sa mga titig ko.
" Please, hayaan mo akong sabihin pa iyong mga gusto ko pang sabihin–"
" Could you please stop? I don't want to hear it anymore. At wala akong pakialam sa sasabihin mo. Hindi ko pinuntahan si Mr. Valiente para sayo–tapos ito lang ang sasabihin mo? Nonsense!" Sigaw ko sa harapan niya.
North knows kung gaano ako kamaldita noon palang, at alam niyang kapag sumigaw na ako sa isang argument ay galit na ako at kailangan kong kumalma. Isa rin siguro iyon sa dahilan kung bakit hinayaan niya akong umalis at hindi niya na ako sinundan pa. So paano pala ako uuwi kung wala akong dalang sasakyan?
Kailangan kong mag-taxi.
Hindi pa ako nakakarating sa gilid ng kalsada ay hinawakan na ako ng mga guwardiya na kasama ni North. At nakita ko siya sa likod ko habang nakatingin sa akin.
" Iuuwi kita, kaya sumakay ka sa kotse ko." Malumanay ang pagkakasabi niya 'non. Sumunod ako sa kanila, at imbes na sa passenger seat ako naupo ay doon ako naupo sa likod ng sasakyan niya.
Kumusilap ako sa kaniya nang tignan niya akong nakaupo dito.
" Pakibilisan ang pagda-drive. Hahabulin ko pa ang dinner namin ni Mr. Valiente." Napamura siya.
" Sinabi kong huwag kang pupunta doon–"
" Mas may sense pa siyang kausap kaysa sayo, North. Sa mga sinabi mo palang ngayon sa akin! Naiinis ako sayo!" Sigaw ko sa kaniya. Maging ako ay narindi sa sarili kong sigaw.
" He invited me too. So I'm coming with you."

YOU ARE READING
I Ruined His Own Promise
RomanceAlexandrine Resendriya Carbonel is an only child. Wala siyang kapatid, walang kalaro, walang kasama. In short, she's lonely. Suki siya ng bullies noon dahil nga sa pagiging only child at pagiging suplada niya. Isa lang naman ang gusto niya, ang magk...