Chapter 11

19 0 0
                                    

" Bakit hindi mo sinabi saakin habang nandoon ka sa opisina?"

Alalang tanong ni Mommy saakin nang makauwi ako sa bahay. Inuwi ako ni Kuya North, hindi na ako nakapag pasalamat dahil hindi ko siya gustong kausapin muna.

" Ayos lang naman po ako. At saka masakit lang ang ulo ko, pero si Kuya North kasi at Grey, nagkasagutan, kaya pinatigil ko muna ang meeting namin." Tumango si Mom sa akin, at saka niya ako inabutan ng gamot ko, kumain na ako kanina sa ibaba, nagpalit lang muna ako sa kwarto ko, nandito naman na si Mom, kaya ininom ko na muna ang gamot na ibinigay ni Mom saakin.

" Huwag ka na muna kayang pumasok bukas?" Umiling ako sa sinabi ni Mom sa akin.

" No, Mom. Kaya ko naman. Kayang kaya ko po. Magpapahinga nalang muna po ako."

Nahiga ako sa kama ko nang maisara ni Mom ang pintuan ng kwarto ko. Kinumutan ko ang sarili ko, at saka ako tumingin sa mga picture frames na narito sa pader ng kwarto ko. Mga pictures namin nina Kuya North at Kuya South ang nakadisplay dito sa pader ko.

Napangiti ako sa mga pictures namin, mula pagkabata hanggang ngayon, may yearly photoshoot kaming tatlo, para may memories kami sa aming paglaki.

" Tita, is she awake?" Nakarinig ako ng boses lalaki sa labas ng pintuan ko. Kaya agad akong umayos ng higa at saka ako nagpanggap na tulog.

" Hindi ko alam. Pero kaka alis ko lang sa loob, baka gising pa siya." Bumukas ang pintuan ko, mas lalo akong pumikit. Alam kong si Kuya North iyon, naamoy ko na ang pabango niya.  Hindi ako pwedeng magkamali.

Nakaramdam ako ng naupo sa gilid ng kama ko.

" Baby.." Tawag niya sa akin.

" I know you're awake. Talk to me." Inayos ko ang aking kumot. At saka ko kinumutan ang aking sarili nang maayos.

" Kuya, I'm scared.." Sambit ko sa harapan niya. Ngumiti siya sa akin. Idinilat ko ang mga mata ko, at saka ko siya nakitang nakangiti saakin.

" You don't have to, baby. I'm here." Hinawakan niya ang aking mga kamay, at saka niya hinagod hagod ang aking buhok.

" Kuya.."

" Can I stay here? Can I lay beside you?" Napalunok ako. Ang tahimik ng paligid. Tanging boses lang namin ang naririnig naming dalawa. At saka ang tunog ng mga kumot at unan kung gumagalaw ako sa higaan ko.

Umusog ako, at saka siya umayos at nahiga siya sa tabi ko. Hindi ako makalapit sa kaniya at hindi ko siya mahawakan, nahihiya ako, dati rati ay hindi ako nahihiya, ngayon, ewan ko nalang talaga.

" Kuya, can you stop?" Nahinto siya sa sinabi ko.

" What do you mean?"

" Can you stop loving me? I mean, to the another level? Gusto kitang maging Kuya. Hanggang doon lang iyon." Ngumiti siya saakin, hinalikan niya ang noo ko, at saka niya ako niyakap, hindi naman ako kaagad naka angal sa ginawa niya.

Yakap yakap niya ako, habang ako naman ay pinagpapawisan na dahil sa sitwasyon namin ngayon at dahil narin nakabalot ako ng kumot mula leeg hanggang paa.

" Hindi, Driya. Ako ang bahala sayo. Hindi mo kailangang makaramdam ng takot o kahit anong pangamba. I will guide you, every single day, Driya. I will help you fall inlove with me too, and I will wait." Bulong niya sa akin. Niyakap ko siya pabalik, at saka ko ibinaon ang aking uluhan sa dibdib niya. I miss hugging him.

" Kuya-"

" It's North, from now on, Alexandrine. North Adler Lodivico. Drop the Kuya." Utos niya. Gagawin ko ba ang sinabi niya? Tatanggalin ko na ang Kuya sa pagtawag sa kaniya? Mukha akong bastos naman kung gagawin ko iyon, baka magalit din sina Mom at Dad kapag nalaman nila na North na ang tawag ko sa kaniya at wala na ang Kuya North na dati ko nang tawag sa kaniya.

" Hindi ako sanay. Baka magalit sina Mom." Bumusangot ako sa sinabi ko.

" North will do, masasanay ka rin." Tumawa ako sa sinabi niya.

" Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong niya saakin. Umiling ako.

" Hindi pa. Kakainom ko lang ng gamot. Balak ko na sana pag aralan ang tungkol sa projects natin, kaya lang, hindi ko talaga kaya." Tumango siya sa sinabi ko. Hinawakan niya ang aking leeg at noo, kinapa kapa niya ito at tinignan niya kung may lagnat ba ako o wala.

" Huwag ko munang pumasok bukas kung ganoon, ako na muna ang makikipag meeting sa kanila para hindi ka mapagod."

" Hindi na. Kaya ko naman, at saka mawawala din ito maya maya kapag tumalab na ang gamot." Tumayo siya mula sa pagkakahiga, at saka niya inayos ang kumot na nakabalot saakin, mukha naman akong lumpia dahil sa pagkakabalot ko ng kumot sa katawan ko.

Nagkatitigan kami, ilang segundo iyon, pero siya ang unang nagiwas ng tingin, at saka niya kinagat ang labi niya. Napangiti ako sa kaniya.

" Gusto mo bang dito muna ako? O uuwi na ako?" Malumanay na tanong niya sa akin.

" Hindi ko din alam. Bahala ka kung gusto mo pa dito, o ayaw mo na."

Hindi pa naman tumalab ang gamot kaya hindi pa ako nakakaramdam ng antok kahit ilang beses ko nang sinubukang matulog. Halos si Kuya North na nga ang antukin kakahintay na makatulog ako.

Should I call him North already?

North na ba talaga ang itatawag ko sa kaniya?

" Yes, please. Paki ayos. I need the reports later." Dinig kong pakikipag usap niya sa kung sino sa telepono. At saka ko siya tinitigan habang nakaharap siya sa bintana ng kwarto ko.

Nakaharap siya sa bintana habang may kausap sa telepono, baka iyong mga board members na kasama namin sa project iyon. Inaasikaso niya na, dahil ano? Akala niya siguro hindi ko talaga kayang makipag meeting bukas? Aba!

Ang sama!

" I can do it, North. Huwag mo na nga silang tawag tawagan pa." Sigaw ko sa kaniya. Dahan dahan siyang humarap sa akin. Nakataas ang kilay niya sa sinabi ko.

May mali ba? 

" What? Did you just call me North?" Tumango ako.

" Why?"

" Say it again." Utos niya.

" North.."

I Ruined His Own PromiseWhere stories live. Discover now