" Dito talaga kami? North, please.."
Bulong ko kay Kuya North nang pababain niya ako sa van na sasakyan namin at saka kami bumaba sa walang silong na parte ng site.
" Why?" Inosenteng tanong niya.
" Dito ako? Totoo ba ito? Am I a joke to you, Mr. Lodivico?" Masungit na tanong ko sa kaniya. Tumawa naman siya sa sinabi ko, at saka siya tumingin sa mainit na panahon, nakaupo parin siya sa upuan sa van, habang bukas ang pintuan niyon, habang ako naman ay nandito sa labas ng sasakyan, at saka ramdam na nasusunog na ang aking balat.
" Yes, Driya. Diyan ka. Para masanay ka. Hindi ka pwedeng parelax-relax-"
" North, this is ridiculous. Hindi ko ito matatanggap." Dabog ko sa harapan niya. Nakabusangot ako, halos isiksik ko na ang sarili ko sa maliit na silong na galing sa anino ng sasakyan namin. Tumatawa naman si Steph tsaka si North, sige North na ang tawag ko sa kaniya, gusto niyang ganoon ang itawag ko sa kaniya.
" Fuck." Mura ko nang hindi talaga sila tumigil na tawanan ako. Ibinigay ko kay Steph ang bag ko, at saka ko sinuot ang sunglasses ko, at saka ako naglakad papunta doon sa site, walang kasilong silong, ang init init. Baka himatayin ako dito! Argh!
" Ma'am, bakit po kayo nandito?" Takang tanong ng mga tauhan namin, tumingin ako kina North na nakangiti saakin habang naka thumbs up pa, kumusilap ako sa kanila at saka ko pinanuod na magtrabaho ang mga tauhan namin dito.
Nagtatanong din ako sa kanila kung ano ang gagawin, at ano ang ginagawa nila. Inaabutan ako ni Steph ng tubig pero hindi ko siya pinapansin at hindi ako umiinom ng tubig. Kapag hinamatay ako, kasalanan niya ito. Bahala silang mag alaga saakin.
" And this one? Paki ayos, Kuya ha? Ayaw kong magkaproblema, dapat ay walang magiging problema diyan sa parteng iyan, lalo na sa flooring." Tumango sila sa akin.
" Yes, Ma'am."
Lumiwanag ang mga mata ko nang makita ko ang sasakyan ni Grey. Nang lumabas siya mula roon ay agad siyang tumakbo palapit saakin habang may hawak hawak na payong. Napangiti ako.
" Bakit nandito ka sa initan? Baka mapano ka. Ito, tubig." Abot niya sa tubigan niya na dala dala niya rin pala palapit sa akin, uminom ako mula doon, ang lamig ng tubig, at saka lasang lemon. Pinayungan niya ako, at saka kami sabay na binantayan ang mga tauhan namin dito sa site.
" Alexandrine, tara na." Utos sa akin ni North na inirapan ko lang. Bahala siya diyan!
" Siya ba ang nag utos sayo na magpunta dito?" Tanong saakin ni Grey.
" Oo."
Inalalayan niya ang beywang ko palapit sa kaniya. At saka kami naglakad papunta sa sasakyan ni North, kumusilap ako sa kaniya.
" Driya, come on." Utos saakin ni North. Umiling ako.
" Magbibilad pa ako doon, hindi ba gusto mong ginagawa ko iyon? Magpapahinga lang muna ako." Pilyang sabi ko kay North habang nakangiti sa kaniya para hindi mainis siya sa akin.
Umiwas siya ng tingin sa akin, at saka niya kinagat ang kaniyang labi. Napangiti ako sa naging reaksiyon niya sa pang aasar ko.
" Umuwi na tayo." Utos niya at saka niya isinarado nang padabog ang pintuan ng van, inilayo pa ako doon ni Grey dahil malakas ang pwersa niyon.
Nagalit ko ata.
Patay na.
" Grey, doon muna tayo, may silong naman na. Balikan muna natin sila bago ako sasama sa kaniya." Aya ko kay Grey. Sabay kaming naglakad papunta sa may silong. Tinupi niya ang payong, at saka kami doon naupo at pinanuod ang mga nagta-trabaho. Napakasipag nila, kahit mainit ay nagta trabaho sila para may makain at magkapera sila, samantalang ako, nandito, masarap ang buhay at hindi iniisip ang kinabukasan, dahil mayaman ako, at nakukuha ko ang gusto ko.
Iba iba talaga tayo.
" Ms. Carbonel, let's go. We have to go, your office." Tumayo ako kaagad sa sinabi ni Steph. Nakaramdam ako ng kaba.
" What happen to my office?" Galit na tanong ko sa kaniya. Napalunok ako.
" May problema. Tara na." Agad akong sumama sa kaniya. Tumango lang ako kay Grey para magpaalam, at saka na ako sumakay sa van na sinasakyan namin, kasama ko parin si North, at nakapikit ang mga mata niya. Tulog ba ito? O tulug-tulugan lang?
Lumapit ako sa kaniya, at saka ko hinawakan ang laylayan ng damit niya para gisingin siya, kaya lang ay hindi siya nagigising. Baka tulog nga talaga?
" North, may problema ako, gising ka na." Bulong ko sa kaniya, kaya lang ay hindi talaga ito nagigising.
Nang makarating kami sa opisina ay agad akong lumingon kay Steph nang makitang wala namang problema doon. Nakabukas ang pintuan, maya maya ay pumasok doon sa North, at saka dahan dahan namang naglalakad paatras si Steph paalis sa loob ng opisina ko.
" Steph! You're fired! Damn it!" Sigaw ko nang tuluyan siyang makalabas ng opisina at dalawa nalang kami ni North sa loob.
Hindi parin talaga ako sanay na North lang ang itatawag ko sa kaniya. Nakakainis.
" Baby.." Umatras ako nang marinig ang boses niya.
" Huwag mo nga akong lalapitan. Binilad mo ako sa init kanina, tignan mo ang balat ko! Kasalanan mo ito!" Sigaw ko sa harapan niya. Ikinulong niya ako sa likuran ng pintuan, at saka siya ngumisi sa akin.
" I'm sorry, okay? I'm just teaching you, and observing you, Driya. Alam ko naman na hindi ka mapapahamak, pinayungan ka naman ng mokong na iyon kanina kaya kaunting minuto kalang nabilad kanina." Hinampas ko ang kaniyang dibdib sa pang aasar niya sa akin. Hinawakan niya ang labi ko, at saka niya ito hinagod, mula kaliwang gilid, papunta sa kanang gilid.
Napalunok ako.
" North.."
" Say it again, Driya. Call me North, again." Malambing na utos niya sa akin. Lumunok ako nang makitang dahan dahan siyang lumapit sa akin, at saka nakatingin siya sa mga labi ko.
" North, baka may makakita saatin-"
" Naka-lock ang pintuan, Driya. Walang makakakita saatin."
" North.." Lumunok ako.
" Hmm?"
" Stop.." Umiling siya.
" I've been waiting for this for almost 6 years, Ms. Carbonel. Can I taste you? One time."
YOU ARE READING
I Ruined His Own Promise
Любовные романыAlexandrine Resendriya Carbonel is an only child. Wala siyang kapatid, walang kalaro, walang kasama. In short, she's lonely. Suki siya ng bullies noon dahil nga sa pagiging only child at pagiging suplada niya. Isa lang naman ang gusto niya, ang magk...