" Alexandrine, let's talk."
Ani Kuya North habang naglalakad ako paalis ng building ko. Hinawakan niya pa ang kamay ko, para tumigil talaga ako sa paglalakad.
" What?" Tanong ko.
" I–uhm, I dreamt about you." Aniya na ikinatigil ko. Napanaginipan ko rin siya.
" What about your dream? Namatay ako? Don't worry, I'll be fine." Pagbibiro ko sa kaniya na ikina-igting ng panga niya.
" It's a wet dream. Fuck–"
" Same here." Pag-amin ko.
Tinaasan niya ako ng kilay sa sinabi ko.
" Nanaginip ka rin ng ganoon?" Tanong niya na ikinatango ko.
" Yes. Last night." Ani ko.
May kinuha siya sa bulsa niya, papel 'yon at saka niya ito ibinigay sa akin. Hindi ko alam kung ano 'yon. Hindi ko naman mabuksan dahil hawak hawak niya ang kamay ko. Tinignan ko nalang iyon.
" Pumunta ka sa restaurant na 'yan mamaya."
" Pero may dinner mamaya kasama si Mr. Valiente, right?" Ngumisi siya.
" Tina-trap ka niya, Driya. Alam kong may iba siyang pakay kaya diyan ka sa restaurant na 'yan pumunta mamayang gabi. Mauuna ako sa venue mamaya kaya hihintayin kita para masiguro ko na ligtas ka. I'm going."
Umalis na siya sa harapan ko pagkatapos niyang sabihin iyon. Iniwan niya ako na para bang walang nangyari at wala siyang ginawa na biglaang paghawak sa kamay ko. Napakurap kurap ako habang binubuksan ang envelope at tinignan ang lugar kung saan niya daw ako hihintayin mamaya. He's weird.
Nagpahatid ako pauwi sa bahay para makahanap ako ng damit na susuotin mamaya. Wala naman na akong gagawin sa opisina ngayon, kaya umuwi na rin ako. Mamayang gabi pa naman iyon kaya makakatulog pa ako.
" Ate, can you call my designers po? Kailangan ko sila ngayon na." Utos ko sa kasambahay ko nang makarating ako sa bahay.
Hindi basta basta ang mga kasama ko mamaya kaya kailangan ay maganda ang susuotin ko at ayos ko.
" Sige po, Ma'am."
Isa isa na akong kumuha ng mga accessories na gagamitin ko mamaya. Binilinan ko naman si Steph kanina na siya na muna ang tumanggap ng mga papeles na pipirmahan ko, baka pagkatapos ng dinner namin ay babalik ako saglit sa opisina para mapirmahan ang mga papeles na kailangang ipasa sa ibang kompanya kinabukasan.
" Ma'am! Long time no see! Ano pong ipapagawa niyo sa amin today?" Ani ng fashion designer ko.
" May dinner date kasi ako mamaya, kailangan ko ng magandang night dress. May mga dala ba kayo?" Tanong ko sa kanila habang nakatingin sa mga dresses na ipinapasok dito sa sala ng bahay.
Ngumiti sila sa akin at saka sila tumango.
" Yes, Ma'am. Of course. Sino po ba ang mga kasama niyo mamaya sa dinner? Ibagay nalang po natin sa kung sino ang kasama niyo." Anila.
" Business man ang kasama ko mamaya." Natigilan sila sa sinabi ko, parang may idea na sila kung sino ang makakasama ko sa dinner na iyon.
" Sinong business man po ba iyan? Kilala po ba namin?" Tila ba nang-aasar sila sa pagtatanong nila sa akin.
Napalunok ako.
" Si Kuya North." Sagot ko na ikinatili nila. Alam naman nila na magkapatid ang turing namin sa isa't isa pero matagal na nila kaming pinag-papares ng mga tao.
" Wow. Si Mr. Lodivico naman pala ang makakasama niyo, Ma'am. May naisip na po kaming night dress sa inyo."
Nakailang palit at suot ako ng dresses na babagay sa akin sabi nila. Sinusunod ko lang naman ang gusto nila, at nang makapili na sila ng damit na bagay sa akin ay nagbayad na rin ako at saka ko na ito ipinalagay sa kwarto ko para maayos. Pati ang heels at bag na babagay doon ay nakahanap na rin ako. Kailangan ko nalang mag-ayos ng mukha ko mamaya kapag aalis na ako.
" Thank you so much, Ma'am. Sabi na nga ba at si Mr. Lodivico ang makakasama niyo mamaya e. Goodluck!" Pang-aasar nila sa akin. Tinawanan ko nalang sila sa pang-aasar nila.
" Sige na. Sinabi na kasing magkapatid kami e–"
" Pero hindi naman maipagkakaila na bagay kayo, Ma'am. Kapag na-develop ang feelings niyo sa isa't isa kayo na ata ang pinaka-powerful na couple sa business industry. Carbonel at Lodivico ba naman! Ay!" Nagpalakpakan pa sila sa sinabi nila. Hindi na ako nakasagot sa sinabi nila.
Hindi ko rin naman alam na gatungan ang sinasabi nila. Wala akong plano na maging kami ni Kuya North dahil Kuya at kapatid lang naman ang turing namin sa isa't isa.
" Ingat kayo sa pagbalik sa shop niyo ha. Sorry sa urgent na pagtawag. Hindi ko talaga alam anong susuotin kaya nagpatulong na ako sa inyo."
Umakyat ako sa kwarto ko nang makaalis na sila. Naka-ayos na ang mga gagamitin ko. Bakit naman kaya biglang nag-aya si Kuya North ng dinner sa labas? Ano nanamang pakulo ang gagawin niya?
*
Hours passed, hindi ko namalayan na nakatulog ako. Paggising ko ay anong oras na at madilim na rin sa labas. Agad akong kinabahan dahil ang dami ng missed calls ng phone ko kay Mr. Valiente at kay Kuya North. Hindi ko alam kung kanino ako unang pupunta dahil anong oras na rin.
Sinagot ko na ang tawag ni Kuya North nang tumunog ang telepono ko.
" Kuya.."
" Where are you?" Medyo galit ang boses niya.
" House. Kakagising ko lang, I'm sorry." Sambit ko. Nag-iba pa ang boses ko dahil doon. Kanina pa kasi e.
Inayos ko na ang mga gagamitin ko at saka na ako mabilisang gumalaw.
" I'll fetch you nalang." Aniya.
" Are you sure?" Tanong ko.
" Yeah. I'm so sure, baby. Wait for me. Huwag ka na magpahatid dito. I'm on my way."
Baby?
" Hello, Mr. Valiente." Sagot ko sa tawag ni Mr. Valiente sa akin.
" Where are you? Papunta na ba kayo ni Mr. Lodivico?" Tanong niya sa akin.
Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko. I'm sorry, Mr. Valiente.
" May emergency na nangyari, Mr. Valiente. We can't go tonight. We're so sorry. Very urgent." Na-guilty ako sa pagsisinungaling ko sa kaniya.
" Oh, I'm sorry to hear that. Kasama mo na ba si Mr. Lodivico?" Tanong niya.
" Y-yes. He's on his way here."

YOU ARE READING
I Ruined His Own Promise
RomanceAlexandrine Resendriya Carbonel is an only child. Wala siyang kapatid, walang kalaro, walang kasama. In short, she's lonely. Suki siya ng bullies noon dahil nga sa pagiging only child at pagiging suplada niya. Isa lang naman ang gusto niya, ang magk...