" Is Tito okay na?"
Tanong ko kay North nang makapasok siya sa kwarto. Nakasilip ako sa bintana at kita kong nakaupo si Tito sa tabi ng kabaong ni Tita. Doon na siya sa harapan nakaupo ngayon.
" Yeah. He's now fine. Napakalma na rin namin sa wakas. Si Tita? Kailan siya pupunta?" Aniya.
" Malapit na raw siya dito." Sagot ko naman.
Ilang oras pa ang hinintay ko para malaman na kalmado na si Tito, at saka na ako lumabas para magpakita sa kaniya. Matagal na rin kasi kaming hindi nagkikita e. Pagkalabas ko ay naglakad ako kasama si North palapit kay Tito.
" Tito.." Tawag ko sa kaniya. Lumingon naman siya kaagad sa akin. At tulad ng ginagawa ko noon, magmamano muna ako bago ako hahalik sa kaniya at yayakapin siya. Hinagod ni Tito ang likuran ko at saka niya hinalikan ang noo ko nang kumalas siya sa yakap naming dalawa.
" Driya, miss na miss ka na ng Tito. Salamat sa pagsama mong magbantay dito kay Tita mo. Dapat ay nagpapahinga ka na ngayon." Ngumiti ako sa sinabi niya.
" Tito, I have to. Besides, Tita took care of me when I was little and now, ako naman na po ang magbabantay sa kaniya. For the last time." Hindi siya ngumiti sa sinabi ko na okay lang para sa akin, alam ko naman na hindi pa siya maayos ngayon, kaya ayos lang sa akin ang naging reaksyon niya.
Maya maya pa ay may pinagkakaguluhan sa labas. Pagdating ni Kuya South papasok sa kung nasaan kami ay kasama niya na si Mom, naka-glasses din siya at umiiyak na kahit na hindi pa siya nakakalapit sa kabaong ni Tita.
" Why?! Who the hell did this to you?!" Sigaw ni Mom habang nakayakap sa kabaong ni Tita. Hinagod ko ang likod ni Mom habang hinahayaan siyang umiyak at kausapin si Tita.
" Umuwi na muna tayo, Driya. Gusto kong magpahinga." Bulong sa akin ni North na sinang-ayunan ko.
" Tito, kayo na po muna bahala kay Mom. Sasamahan ko lang po si North." Paalam ko.
Bumulong naman ako kay Mom na aalis muna ako, kaya naman nakaalis kami kaagad doon. Hindi namin binurol si Tita sa bahay lang kasi marami daw ang dadalo na inaasahan kaya sa isang malaking venue nila inilagay si Tita. Mas marami ang tao na mao-occupy nito kaya kasya kaming lahat.
" Mabuti nag-aya ka ng umuwi, inaantok na rin kasi ako." Sambit ko habang nasa byahe kaming dalawa.
" Kaya lang naman ako nag-aya kasi alam kong pagod ka na rin. Si Kuya ay doon na raw matutulog. Hinatid niya lang saglit si Chinah bago siya babalik kay Mama. Si Dad, doon na rin daw." Tumango ako sa sinabi niya. Ako na ang kusang nagbukas ng ilaw ng bahay nila nang makadating kami.
Iba na ang aura ng bahay nila. Dati rati ay kapag papasok ako dito ay sasalubungin ako ni Tita with matching kisses pa, ngayon wala na. Ngumiti nalang ako nang maalala ang bagay na iyon, alam ko naman na nandito pa rin si Tita at binabantayan niya kaming lahat.
" Magpalit ka muna ng damit mo. Nakita kong pinagpawisan ka kanina." Bilin ko sa kaniya na ikinatigil niya. May dala na siyang tuwalya at naglalakad siya sa walk-in-closet niya.
" Yeah, I will. Thank you. May damit dito na pwede sayo, you can use them also." Aniya.
Naupo ako sa kama habang hinihintay siyang matapos na mag-ayos ng sarili niya. I know na he is tired, kaya binuksan ko ang air purifier niya para makatulong na makatulog siya nang maayos mamaya. Dito na rin siguro ako matutulog katabi niya.
" Do you think Tita is happy?" Tanong ko sa kaniya nang makalabas siya ng banyo.
" What do you think? It's a no for me. She's not happy. Pero I guess she's happy watching us together." Ngumiti ako sa sinabi ni North. Tumayo ako at saka ko siya niyakap.
" I'm here for you, North. Kahit kay Tito at Kuya South." Hinalikan niya ang noo ko sa sinabi ko.
Pagkatapos kong magpalit ay nahiga na ako sa kama niya. Ginagawa naman namin dati ito na sabay kaming matulog sa kwarto niya pero this one is awkward, kasi may feelings na kami para sa isa't isa. Well, hindi ko pa sinasabi iyong feelings ko tungkol sa kaniya pero alam kong mararamdaman niya naman iyon ng kusa e.
Humarap ako kay North, at saka ko hinawakan ang mukha niya. Nakatitig siya sa mga mata ko.
" Sleep na. Magpahinga ka na muna. I know Tita is okay there. And I know that she is watching us right now and guiding us. And I hope she's happy. Hindi kita iiwan dito." Hinawakan niya ang beywang ko, at saka niya ako mas nilapit sa kaniya bago niyakap. Yumakap naman ako pabalik sa kaniya.
Ipinikit niya na ang mga mata niya.
" Thank you.." Aniya.
" Sleep tight."
Pinagmamasdan ko lang ang mukha niya habang natutulog. Ang gwapo niya lalo na sa malapitan. Kita mo rin ang pagod sa mga mata niya kahit na nakapikit na siya. Alam kong masakit para sa kaniya ang biglaang pagkamatay ni Tita, at ganoon din sa akin. Maybe after mailibing si Tita ay saka na ako aamin sa kaniya para makapag-focus muna kami sa mga araw na nandito pa si Tita at kasama namin siya.
Hinding hindi ko pababayaan si North gaya ng ginawa saakin ni Tita noon, kung sakaling kami talaga sa huli. Aalagaan ko siya gaya ng ginawa sa akin ni Tita before. Sana mabigyan niya ako ng lakas ng loob na umamin sa anak niya tungkol sa nararamdaman ko sa kaniya. Sana tanggap niya rin ako para kay North.
Kung nasaan ka man, Tita. Please, rest well. Kami na po ang bahalang humanap at magpakulong sa taong gumawa niyon sayo. Hindi po namin hahayaan na hindi po nila pagbabayaran ang ginawa nila sa inyo. Sasamahan ko po sila Tito dito.
" Hindi kita iiwan, North. Nandito lang ako. Kasi mahal na kita. Mahal na mahal na kita. I-i like you."

YOU ARE READING
I Ruined His Own Promise
RomanceAlexandrine Resendriya Carbonel is an only child. Wala siyang kapatid, walang kalaro, walang kasama. In short, she's lonely. Suki siya ng bullies noon dahil nga sa pagiging only child at pagiging suplada niya. Isa lang naman ang gusto niya, ang magk...