Chapter 17

18 0 0
                                    

" Oh fuck!"

Mura ko nang magising ako sa pagkakatulog.

Panaginip lang 'yon?

Panaginip lang, Driya.

Panaginip.

" I'm late, damn it."

Gumalaw ako nang mabilis dahil late na ako sa opisina ko. May gagawin pa ako at marami akong meeting ngayong araw. Hindi ako makapaniwala na sa lahat ba naman ng pwedeng makasama sa panaginip–si Kuya North pa.

" Aalis na po ako! Paki-hatid nalang po sa opisina ang pagkain ko!" Nagmaneho na ako papunta sa building. Hindi ko maiwasang isipin ang panaginip ko, argh!

Bakit sa opisina ko pa. Bakit si North pa. Bakit may ibang babae don? Anong ibig sabihin 'non? 

Sumakit ang ulo ko bigla.

" Good morning, Ma'am."

" Good morning, Miss Driya."

" Good morning po, Ma'am."

Yumuyuko lang ako sa kanila habang naglalakad ako papunta sa opisina ko. Malamang ay hinihintay na ako ng sekretarya ko at siya na ang stress na nakikipag-usap sa ka-meeting ko ngayon. Baka mamaya ay sermonan na ako ng sekretarya ko.

" I'm sorry I'm late. Let's start the meeting."

*

" Ma'am naman. Kanina pa ako doon, mabuti nalang ay pumayag ang ka-meeting mo na hintayin ka pa ng 10 minutes. Akala ko talaga hindi maiko-close ang deal kanina."

Mahabang litanya ng sekretarya ko. Maging ako ay kinabahan kanina. Pero mabuti nalang ay naayos at natapos namin 'yon.

" Hindi basta basta tatanggihan 'non ang offer ko. He insisted na gawin ang project na 'to." Kinindatan ko si Steph at saka ako naunang pumasok sa opisina ko. Pagpasok ko ay naalala ko nanaman ang panaginip ko, and the kiss, panaginip lang pala 'yon.

Argh!

" Mr. Lodivico came here a while ago. Baka mamaya babalik 'yon dito kapag nalaman niyang nasa opisina ka na." Ani Steph bago umalis ng opisina.

Isinandal ko ang uluhan ko sa swivel chair ko at saka ko binasa ang kontrata na pinirmahan kanina ng business partner ko. Napangiti ako. Tiyak na matutuwa sina Mom at Dad dahil na-close ko ang project kanina. Kahit na late ako. 

Umayos ako ng upo ko nang may kumatok mula sa labas.

" Come in." Ani ko sa tamad na boses. Pagpasok niya ay nakita ko si North na may dalang pagkain at bulaklak. Tinaasan ko siya ng kilay.

" What's this?" Takang tanong ko.

" Your food. And flowers. Ipinaabot sa akin 'yang pagkain mo sa labas kanina." Tumango ako, kinuha ko ang bulaklak na dala niya at saka ko siya nginitian.

Totoo bang nahuhulog ako kay Kuya North? Impossible.

Hindi pwede.

" Thank you, Kuya North. How's Kuya South?" Tanong ko sa kaniya.

" He's busy. Sinabi ko na nagtatampo ka sa kaniya dahil hindi ka na niya napupuntahan. Hindi ko alam kung natauhan siya at bibisita siya dito mamaya." Namilog ang bibig ko sa sinabi niya. It's been a while since Kuya South visited me. Kaya miss na miss ko na siya.

" Wow. Really? I understand naman if he's still busy. But I'm expecting he'll call me once pero wala e. Nagtatampo na talaga ako sa kaniya ngayon." Tumawa siya nang makitang sumimangot ako sa harapan niya. He pinched my cheeks, and then he laughed.

Mapang-asar.

" He'll visit you this days, I promise. Pagsasabihan ko siya mamaya. Hindi ka naman 'non nakakalimutan. Busy lang talaga siya." Ngumiti ako sa sinabi niya.

Sabay kaming lumabas ng opisina nang matapos kaming magkwentuhan doon. May meeting kasi kaming dalawa kasama si Mr. Valiente kaya naman nagpag-isipan naming magsabay na sa meeting room.

" Hi, Miss Carbonel. Good to see you again." Bati ni Mr. Valiente. Hinawakan niya ang beywang ko at saka siya nakipag-beso beso sa akin, ngumiti naman ako sa ginawa niya.

" It's good to see you too, Mr. Valiente. Hopefully, kapag magustuhan namin ni Kuya North ang presentation niyo mamaya ay mag-contract signing na tayo afterwards." Nagtawanan kaming lahat sa sinabi ko. Sana nga ay mai-close din namin ang deal na ito.

" I'll make sure of that, Ms. Carbonel. And besides, may dala na akong signing pen dito." Mas lalong lumakas ang tawanan naming dalawa.

Naupo na kami at nagsimula ng magpresent ang sekretarya ni Mr. Valiente. Nakikinig naman ako nang mabuti at nagtatanong ako kapag may hindi ako naiintindihan sa sinasabi ng nasa harapan. Nasasagot naman 'yon kaagad ni Mr. Valiente kaya nagiging malinaw sakin ang lahat. Nakita kong tahimik lang na nakikinig si Kuya North sa gilid ko, at kinakausap niya sa gilid niya ang sekretarya niya kapagkuwan.

" What do you think, Ms. Carbonel?" Tanong ni Mr. Valiente sa akin.

" Well, I think both of us can get the same benefits and revenues na nasabi kanina and I think it's good." Pagsisimula ko. Ibinulong ko kay Steph na kumuha siya ng sign pen para makapag-pirma na ako.

" Are we going to have a contract signing?" Tanong niya.

Tumango ako.

" Yes, Mr. Valiente. Let's sign the papers now." Ani ko na ikinangiti niya. Walang nagawa si Kuya North kundi maglabas din ng sign pen niya at sumama sa contract signing naming tatlo.

Hindi ko alam kung bakit tahimik siya sa meeting ngayon. Dati rati naman ay panay tanong siya at binabara niya pa minsan ang nagsasalita sa harapan. Minsan nga ay ipinapahiya niya pa which is kinda rude for me though.

" Thank you, Mr. Lodivico."

" My pleasure, Mr. Valiente. Looking forward for our project." Nagkamayan silang dalawa. Ngumiti naman ako sa kanila.

Mabuti naman at nagkakasundo kami para sa project na 'to. Kaya masaya ako.

" This is for you, Ms. Carbonel. Thank you so much." Kinuha ko ang bulaklak na iniabot niya sa akin.

" I booked a restaurant for the three of us. I'll call you later para makapag-dinner tayo sa labas. Is that okay, Ms. Carbonel?" Tumango ako. Ngumiti ako.

" Sure, Sir. I'll wait for you call. I'm sorry I have to leave early today because I have some important errands to do at my office." Ngumiti at tumango siya sa sinabi ko.

Nakipag-shake hands siya sa akin bago niya binuksan ang pintuan ng meeting room ko at ihatid ako sa labas.

" See you later, Ms. Carbonel."

I Ruined His Own PromiseWhere stories live. Discover now