Chapter 20

18 0 0
                                    

" Anong emergency ba ang pinuntahan niyo?"

Curious na tanong ni Mr. Valiente nang makahabol kami sa kaniya sa restaurant. Paalis na sana siya nang maabutan namin siya.

" Something urgent, Mr. Valiente. Private kaya hindi pwedeng sabihin sa iba." Sagot naman ni North sa kaniya.

Napansin ata ni Mr. Valiente na nakatulala lang ako at hindi ako umiimik kaya tinanong niya ako para mabaling ang atensiyon ko sa kanila.

" Are you okay, Ms. Carbonel?" Tanong niya sa akin habang nakangiti.

Tumango ako.

" Y-yeah, I'm fine."

Nag-order kami ng pagkain. Sa pinakagitna akong upuan naupo at nakaharap sa kanilang dalawa kaya hindi ko katabi ang kahit na sino sa kanila. Silang dalawa ngayon ang magka-harap sa mesa.

" I heard, may nali-link daw na model sayo, Mr. Lodivico? Okay lang ba iyon kay Alexandrine since kayo palagi ang magkasama noon?" Nagtaas ako ng kilay sa tanong ni Mr. Valiente. Kailan pa may babaeng nali-link kay North maliban sa akin? At model pa?

Bakit curious ako?

" Yes. Pero hindi ko iyon pinapansin. Mas focus ako sa trabaho at kay Driya nowadays, kaya it's not a big deal for me. How about you? You have your girlfriend, right?" Mas lalo akong naging interesado sa usapan nila dahil sa mga nalalaman ko. Mabuti naman at hindi tungkol sa trabaho ang pinag-uusapan namin dito.

Tumango si Mr. Valiente.

" Yes. At pina-plano ko na rin na pakasalan siya soon after ng project natin. Ito na kasi ata ang pinaka-malaking project ko kasama ang isang Carbonel at Lodivico kaya after this, magpo-propose na ako sa kaniya." Napangiti ako sa sinabi niyang iyon. May prinsipyo at isang salita naman pala ang isang Valiente kung ganoon. Masaya ako para sa kaniya.

Kailan kaya ako magkakaroon ng ganoon?

" Wow. That's nice. Invite mo nalang kami ni Driya sa kasal at binyag ng mga anak niyo. Congratulations in advance." Ani North.

Napakusilap ako.

" How about you? Kailan ka? Hindi ka na bumabata and I guess, may mga babae ka na ring nakikilala this days. I heard nali-link ka kay Alexandrine, kaya bakit hindi niyo i-try na dalawa?" Napaubo ako sa tanong ni Valiente sa amin. Parang kanina lang ay iyan ang bagay na pinag-aawayan namin ni North.

Tumingin sa akin si North dahil sa naging reaksyon ko.

" I really want to. Pero since hindi pa sanay si Driya sa mga ganoon, unti-unti ko muna siyang sasanayin para hindi siya manibago sa mga ikikilos ko sa kaniya." Nag-fist bump pa ang dalawa sa harapan ko. Sila nalang kaya ang mag-dinner at huwag na akong isama? Sila lang din naman ang nag-uusap e.

Mas lalong nag-iinit ang ulo ko.

" Driya, how about you? May mga nali-link ba sayo na mga business man? Alam kong ikaw ang pinaka-top sa listahan ng mga babaeng business tycoon dito sa Pilipinas, kaya impossibleng walang pumopormang iba sayo?" Doon na ako nabuhayan na makipag-usap sa kanilang dalawa dahil sa wakas ay napansin na nila ako.

" No. I mean, yes mayroon pero naka-focus ako sa business ko at I think wala akong time para sa mga ganyang bagay ngayon kaya hindi ko nalang sila pinapansin." Sagot ko. Napangiti naman si North sa sinabi ko, sinamaan ko siya ng tingin sa naging reaksiyon niya.

" That's nice. Kaya siguro ikaw pa rin ang pinaka-top sa listahan dahil hindi ka nadi-distract ng kahit na sino, maging mga lalaki. But I guess, si Mr. Lodivico lang ang nagagawa 'non sayo–"

" No–" Sagot ko.

" Yes." Sagot naman ni North na ikinalingon naming dalawa ni Mr. Valiente. Nagtawanan silang dalawa sa sinabi niya at saka sila nag-fist bump ulit. Naiwan nanaman ako sa bonding nilang dalawa.

Sila nalang kayang dalawa ang magsama? Bagay naman sila.

" Alam ko na ang mga galawan ng business mans sa mga babaeng katulad ni Driya, North. Kaya alam kong ikaw lang ang makakapagpa-busy diyan kay Driya. Isa pang advantage niyan ay kabisado niyo na ang isa't isa." Aniya.

Natigil lang ang lahat nang dumating na ang pagkain namin. Hindi muna kami nagsalita at kumain nalang muna bago nila tinuloy ang pinag-uusapan nila kanina. Dalawa lang silang nag-uusap nang matapos kaming kumain. Nakikitawa at sumasagot lang ako sa tuwing sinasama nila ang pangalan ko sa usapan nila.

" Kung ako sayo, si North nalang. Hindi kayo mahihirapan na kilalanin ang isa't isa dahil kabisado niyo na ang bawat isa. Kaya–"

" Can we please change the topic? Or if we cannot, can I go home already? I'm not feeling well." Inayos ko ang bag na dala dala ko mula pa kanina. Naiinis na ako at wala akong gana sa pinag-uusapan nila dahil iyan ang pinag-awayan naming dalawa ni North kanina bago kami nagpunta dito.

Tumayo na ako.

" Driya." Ani North na ikinasama ng timpla ng mukha ko.

" I texted my driver. He's on his way here. You don't have to worry about me and I don't want you to bring me home. Thank you for tonight, Mr. Valiente. I'll talk to you tomorrow at the office. I'm going. Have a goodnight."

Umalis ako sa table kung nasaan kami at saka ko hinintay sa parking lot ang driver ko. Maya maya pa ay may isang lalaking pa-gewang gewang ang lumapit sa akin.

" Hi, Miss. Do you want me to take you home?" Aniya. Naamoy ko kaagad ang amoy niya at nakainom ito. Baka pag-tripan ako nito. Kaya hinampas ko siya ng bag na dala ko, pero nahawakan niya ang kamay ko at saka niya ako sinandal sa isang kotse na naka-park dito.

Thank God may alarm ang sasakyan kaya tumunog ito.

" Help! Help me!" Sigaw ko habang nakatingin sa lalaki at kinakalas ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

" Help! North!" Sigaw ko.

Maya maya pa ay bumulagta ang lalaki sa sahig at may humila sa akin palayo sa lalaking iyon.

" Driya, what happened?" Tanong niya sa akin.

" I-i don't know. Please, don't leave.."

I Ruined His Own PromiseWhere stories live. Discover now