Chapter 7

20 0 0
                                    

" As in, ngayon na?"

Hindi makapaniwalang tanong ko kay Kuya North nang tawagan niya ako at sabihing kailangan na naming magpunta sa site na pagtatayuan ng project naming dalawa.

" Yes. Faster." Utos nito sa akin sa kabilang linya.

" Hindi ako gagalaw. Bahala ka diyan. Bakit ngayon? Nakapantulog pa ako." Reklamo ko sa kaniya. Narinig kong tumawa siya mula sa kaniyang linya, kaya naman napakusilap ako nang mas lalo.

" Bumangon ka na. May ipapakilala ako sayo doon sa site."

" Ayaw ko. Sunduin mo ako."

Binabaan ko ng tawag si Kuya North, at saka na ako naligo. Alam ko naman na susunod siya sa akin, kaya naman kailangan ko nang maghanda dahil susunduin niya talaga ako. Kumuha ako ng damit na isusuot ko, at saka na ako naligo. Nang matapos ako ay inayos ko naman ang aking buhok, at mukha, naglagay lang ako ng light make up.

Maya maya pa ay narinig ko na ang katok ng kasambahay namin sa pintuan ng kwarto ko.

" Pababa na po!" Sigaw ko sa kaniya. Kinuha ko na ang bag ko, at saka na ako umalis sa kwarto ko. Naroon palang ako sa hagdan ay sumigaw na ako kay Kuya North.

" Kuya-" Hindi ko naituloy ang pagsigaw ko nang makakita ako ng babaeng nakaupo sa sofa namin at kausap niya si Kuya North. Tumingin sila sa akin, poker face ang mukhha ni Kuya habang nakangiti naman sa akin ang babae, hindi ko siya kilala. Napaatras ako ng aking paglalakad. Bumalik ako sa itaas ng bahay namin, at hindi ako tumuloy na bumaba doon kina Kuya North.

" Alexandrine!" Sigaw saakin ni Kuya North. Hindi ko siya pinansin, at saka ako humarap sa kaniya na nakasimangot.

" You lied to me." Matigas na sambit ko sa harapan niya. Nagtaas naman siya ng kilay sa sinabi ko, at saka siya tumingin sa babaeng nakaupo doon sa sofa namin sa ibaba.

Kumusilap ako.

" Why? I didn't lie, Driya. What's wrong with you?" Masungit na tanong niya sa akin.

" Is she your girlfriend? You didn't tell it to me. You lied." Umalis ako sa harapan niya at saka ako sumakay sa sasakyan niya, pero naroon ako sa likurang bahagi ng sasakyan, hindi ako doon sa unahan, alam ko naman na doon uupo ang babae mamaya kaya hindi na ako umupo doon.

Nagtatawanan silang dalawa nang makapasok sila sa sasakyan, nilingon ako ni Kuya North pero hindi ako tumingin sa kaniya.

" Grey, pwede bang makisabay ako sayo mamaya?" Text ko kay Grey, magkikita naman kami doon sa site mamaya, kaya sa kaniya nalang ako sasakay, para siya nalang ang maguuwi sa akin mamaya.

' Sure. Nasa site na kami, hintayin namin kayo.' Napangiti ako sa sinabi niya. Hindi naman ako nakisabat sa pinag uusapan nila. May tampo ako kay Kuya North, kaya wala akong balak kausapin siya hanggang mamaya.

" Kaya nga. Maayos iyon, tsaka mas maganda nga ang ganiyang ideas e." Ani ng babae sa harapan ko, napakusilap ako.

" Yeah. That's nice. Ikaw din naman ang nakaisip, kaya maganda siya."

Nakita ko na ang sasakyan ni Grey nang makarating kami sa site. Pati na rin ang mga ibang kasama namin ay narito na rin, kanina pa ata kami hinihintay. Naka skirt ako at naka heels, kahit alam kong mabato ang pupuntahan namin.

Hindi ako inalalayan ni Kuya North pababa, na dati niyang ginagawa saakin. Kaya mas lalo akong nagalit sa kaniya. Si Grey ang umalalay saakin, hinawakan niya pa ang skirt ko para hindi makita ang hita ko habang pababa ako. Ngumiti ako sa kaniya.

I Ruined His Own PromiseWhere stories live. Discover now