Chapter 21

18 0 0
                                    

" Matigas kasi talaga ang ulo niya."

Naririnig kong pakikipag-usap ni North sa telepono niya habang nasa byahe na kami pabalik ng opisina ko. May mga kailangan akong pirmahan ngayon kaya kailangan kong bumalik sa opisina ngayon.

" Hey. Are you okay?" Tanong niya sa akin habang nakatingin sa dinadaanan.

Umiling ako.

" No. I'm terrified." Pag-amin ko sa kaniya. Ikaw ba naman na lapitan ng lasing. Ganito pa ang suot ko, mabuti nalang at hindi niya ako nahawakan.

Narinig ko ang mahihina niyang buntong hininga habang nagmamaneho. Nagi-guilty naman ako dahil sa nangyari. Binastos ko sila sa restaurant kanina tapos siya rin lang pala ang magliligtas sa akin doon sa lasing na lalaki kanina.

" North, I'm sorry." Sabi ko. Napalingon siya sa akin dahil doon.

" Why?" Tanong niya.

" Nagmaldita ako kanina sa restaurant before leaving. Tapos ikaw ang nag-alis sa akin doon sa lalaki kanina. Kaya, I'm sorry." Pag-hingi ko ng tawad sa kaniya. Ngumiti lang siya sa akin at saka siya nag-focus na magmaneho.

Nang makarating kami sa building ay hindi na kami nag-abala pang makipag-usap sa mga staff dahil kailangan ko na ring umuwi pagkatapos ng pipirmahan ko. Naghihintay si Steph sa akin kaya kailangan kong madaliin ang bagay na iyon.

" Wow, magpipirma ka lang, Ma'am. Bakit kailangan naka night dress ka?" Pang-aasar sa akin ni Steph nang makapasok ako sa opisina ko.

" Galing akong dinner with Mr. Valiente at North." Sabi ko.

" North? Wala ng Kuya?" Mas lalong naging awkward ang paligid sa sinabi niya. Nasa sofa kasi si North at naririnig ang usapan naming dalawa.

Pinanlakihan ko ng mata si Steph sa sinabi niya. At saka ako nag-focus sa mga pipirmahan kong papeles.

" Pakipasa ito ng maaga sa mga clients ha. Ayaw kong may ma-delay dito. Importante itong mga ito." Bilin ko kay Steph habang nagpipirma ng mga papeles. Tumango lang siya habang itinuturo sa akin kung saan ako pipirma.

Ibinigay ko sa kaniya lahat nang matapos na ako sa gawain ko. Umalis siya sa opisina kaya kaming dalawa nalang ni North ang nandito.

" Are you done?" Tanong niya sa akin. Tumango ako.

" Y-yeah. It is okay if you drive me home bago ka umuwi sa inyo?" Nahihiyang tanong ko sa kaniya. Tumayo siya sa sofa at saka siya naglakad palapit sa akin. Inatras ko ang mga paa ko at baka kung anong gawin niya sa akin pero hinubad niya lang ang coat na suot niya at isinuot ito sa akin.

Umiwas ako ng tingin dahil sa ginawa niya.

" Thanks." Sambit ko.

Sabay kaming naglakad palabas ng building. Bumati na ako kay Steph at iniwan namin siya doon sa opisina. Sumakay na ulit ako sa sasakyan niya at saka na kami umuwi.

" Where's Mom?" Tanong ko sa kasambahay namin.

" She's not here yet, Ma'am. Sinabi niya po kanina na may lakad sila ng Mommy ni North pero hanggang ngayon hindi pa rin sila nakakabalik." Agad akong kinabahan sa sinabi ng kasambahay namin. Kanina pa sila umaga magkasama, hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nakakauwi.

" Sinubukan niyo po ba silang tawagan?" Tanong ko sa kaniya.

Tumango ito.

" Yes, Ma'am. Hindi po matawagan e. Line busy po–" Agad akong tumakbo sa labas para makita kung naroon pa si North at hindi pa nakaka-alis.

" North!" Kinatok ko ang sasakyan niya. Good thing ay lumabas siya kaagad.

" Why?" He asked.

" Nako-contact mo ba si Tita? Magkasama daw sila ni Mom kanina pang umaga pero hindi sila ma-contact kanina pa. Anong oras na." Kabado kong sambit sa kaniya. Kinuha niya naman ang telepono niya at saka niya sinubukang tawagan si Tita pero line busy rin ang lumalabas.

" Maybe they're having fun until now? Kaya wala pa sila?" Umiling ako.

" No. Mom hates shopping and going home late. Kaya nagtataka ako bakit hanggang ngayon ay wala pa siya dito. I can't contact her too." Lumabas siya sa sasakyan niya at saka niya ako hinila papasok ng bahay.

" Change your clothes first. I'll wait for you." Aniya.

Sumunod naman ako at umakyat muna ako para magpalit ng kumportableng damit na maisusuot ko dito sa bahay. Pagkatapos ay bumaba na rin ako para mapag-usapan namin ang gagawin. Wala pa rin sila nang makababa ako sa sala.

" I'm scared. Hindi umuuwi si Mom ng ganitong oras. It's already 12am." Halos mangiyak ngiyak na ako kaka-ikot at tawag kay Mom pero hindi siya sumasagot sa tawag. Pati si Tita ay ganoon rin.

" Let's just wait–"

" No, we can't just wait, North. It's already 12am and they're still not here. Please, I'm nervous." Kabadong sambit ko.

Saan naman kaya pupunta sina Mom at Tita para abutin sila ng ganitong oras? And isa pa, kaninang umaga pa sila magkasama and until now magkasama pa rin? That's impossible. Hindi nga ako makatagal sa friends ko ng ilang oras because I'm busy and so my Mom.

" Let's wait until 3am? I guess. Kapag wala pa sila ay mag-report na tayo sa Pulis." Aniya na ikina-wala ng kaba ko ng kaunti. Tumango ako.

" Y-yeah, that's the best thing to do." Sabi ko nalang.

Naupo ako sa sofa. Hinihintay ang oras at hinihintay ang pagdating ni Mom. Not until nakaramdam ako ng antok.

" You can sleep at your room. Hindi muna ako uuwi hangga't wala kang kasama rito." Ani North na ikinapula ng pisngi ko. Umiling ako sa sinabi niya.

" No, I'll wait for my Mom." Tumawa siya ng mahina nang makita niyang papikit pikit na ang mata ko.

Hinawakan niya ang uluhan ko, at saka niya ako ipinahiga sa sofa kung nasaan kami.

" Okay then. Dito ka muna matulog while waiting. I'll wake you up kapag nandito na sila." Umiling ako sa sinabi niya.

" No. Hihiga lang ako dito but hindi ako matutulog, North. I'll wait for my Mom." Tumawa nanaman siya ng mahina dahil sa sinabi ko. I'm really tired and I'm sleepy but I have to wait for my Mom, I'm worried.

" You can sleep, baby. Babantayan kita. Bubuhatin nalang kita mamaya."

I Ruined His Own PromiseWhere stories live. Discover now