Chapter 27

19 0 0
                                    

" Hey.."

Tumabi ako kay North nang makita ko siyang nakaupo sa buhanginan sa labas. Nagising ako na wala siya sa tabi ko kaya lumabas ako para hanapin siya. At nandito lang pala siya.

" The moon looks so pretty today. Sinadya ni Mama na pagandahin ang panahon ngayon para hindi natin siya alalahanin." Ngumiti ako sa sinabi niyang iyon.

Tumingin din ako sa buwan. Ang liwanag at ang bilog niya nga ngayon. Ang ganda niya.

" I know. Pinapahiwatig niya sa atin na all is well and she is now happy. We don't need to worry about Tita anymore." Sumandal ako sa balikat niya habang nakatingin sa kabuuan ng beach. Malalakas ang alon nito at malamig na rin ang simoy ng hangin kaya naman ang nakaka-antok.

" Thank you for helping us noong nakalamay palang si Mama. Masaya si Papa na nandito ka pa rin hanggang ngayon kahit na wala na ang bestfriend mo. Kahit wala na si Mama–"

" Shh. Paano ako aalis e nandito pa ang best best bestfriends ko? At ikaw iyon tsaka si Kuya South. And also, bestfriends kami ni Tito kaya hindi ko kayo pwedeng iwan. At isa pa, nangako ako kay Tita before na hindi ko kayo iiwan at aalagaan ko kayo." Tumawa siya sa sinabi niya sa akin. Hinawakan ko ang braso niya at saka ako tumingin sa kaniya.

I know he is happy. Nakikita ko na sa mga mata niya iyon. Noon kasi ay matamlay at pagod ang mga mata niya. Ngayon naman ay kita na ang saya niya ulit. Sumisingkit ang mata niya kapag ngumingiti siya.

" Are you happy?" Tanong ko sa kaniya.

" I am. Now that I know that you love me and we're now together. Masayang masaya ako." Aniya.

" I am too. Hindi ko alam pero naging way ata si Tita para masabi ko sayo iyong nararamdaman ko. Natatakot kasi ako noon na umamin, kasi alam ko naman na hanggang magkapatid at magkaibigan lang dapat tayo kasi doon tayo nasanay at alam kong mahihirapan akong mag-adjust. But now, I realize na we grow. Nagiging mature tayo at may karapatan tayong magmahal, kahit na sino. And now, medyo nakakapag-adjust na ako." Tumango siya sa sinabi ko. I really love deep talks while looking at the moon or kapag nasa beach.

Ngumiti ako sa kaniya at saka ko hinalikan ang labi niya. Smack lang.

" Yeah. Gumawa na si Mama ng paraan para umamin ka sa akin. Pero hayaan na natin iyon, ang mahalaga ay kasama kita at saakin ka na mula ngayon."

Hindi pa tapos ang paguusap namin nang may naglagay ng picnic mat sa harapan namin at dumating ang mga tauhan namin. May dala silang mga alak at pagkain at inilatag nila iyon sa buhanginan. Si Tito naman ay nakita kong may mga hawak pang pagkain at may mga kasama siyang guwardiya habang naglalakad at nakikipag-tawanan pa siya. Si Kuya South at Ate Chinah naman ay naglalakad na rin palapit sa kung nasaan kami.

" Hindi kami pwedeng mawala sa usapan niyo. Ano ba ang chismis, Ma'am Driya?" Asar na tanong sa akin ni Steph, tumawa naman ako sa sinabi niya at tinanggap ang beer na iniaabot niya sa akin.

" Balak kasi namin ni North na bawasan ang sahod ng mga empleyadong chismosa ngayon–"

" Sabi ko nga tatahimik ako. Sino bang nagtatanong kung anong pinaguusapan niyo." Lumakas ang tawanan namin dahil sa sinabi niya. Dahil hindi naman ako umiinom ng alak masyado ay nakikiinom na rin si North sa beer na iniinom ko.

" Masaya ako na may mga babae ng makakasama ang mga anak ko na alam kong makakasama na nila habang buhay. Sayang lang at hindi na nakikita ng Mama niyo si North at Driya ngayon, gustong gusto pa naman niya si Driya para kay North." Nag-cheers kami sa sinabi ni Tito, I know. Noon palang ay sinasabi saakin ni Tita na what if i-try ko raw si North.

Pero look at us now, Tita. Masaya na kaming magkasama ngayon.

" Tito, what are you plans po? What if you bring your business nalang here in the Philippines?" Umiling siya.

" I can't, anak. Mas in-demand ang business ko doon kaysa dito kaya mas malaki ang kita doon. And besides, malakas rin naman ang business dito kaya magko-kontra silang lahat. Mas maganda ng nakakalat ang business para mas makilala." Ngumiti ako sa sinabi ni Tito.

" Well, yeah. Pero Tito nag aalala po ako. Wala pong mag-aalaga sa inyo doon kapag nagkasakit kayo or kung may mangyari po sa inyo. Kapag nandito po kayo, I can take care of you po." Niyakap ako ni Tito dahil sa sinabi ko.

Ngumiti ako.

" Hindi ka pa rin nagbabago, Iha. Hanggang ngayon, palagi mo pa rin sinasabi sa akin iyan. Magaling ang mga Carbonel dahil napalaki ka nilang ganyan, anak. Mas napapanatag ako na magtatagal kayo ni North at aalagaan mo rin ang mga anak niyo balang araw." Aniya. Kinuha naman ako ni North mula sa pagkakayakap sa akin ni Tito.

" Papa, masyado nanamang advance ang isip mo sa mga bagay na ganyan. Let's just enjoy this night. Wala munang drama!"

Nagtatawanan lang at nagbibiruan lang kami habang umiinom. Inabot na kami ng umaga dahil sa sarap ng usapan namin. Bumalik na rin kami sa mga kwarto namin nang matapos kaming uminom at mailigpit namin ang mga kalat namin doon.

" Baby.." Tawag sa akin ni North nang makahiga siya sa kama namin. Naupo naman ako sa gilid niya at saka ko siya pinakatitigan.

" Hmm? Nalasing ka? It's fine. Matulog ka na diyan. Ako na bahala dito." Hinila niya ako palapit sa kaniya at saka niya kinumutan ang mga katawan namin.

Hinayaan ko lang siya na gawin iyon at niyakap ko siya.

" I love you, Driya. Huwag kang aalis dito, please." Natawa ako sa sinabi niya. Napaka-cute naman pala niya kapag lasing siya.

Hinalikan ko ang noo niya habang nilalaro ang buhok niya.

" I love you too, North. Hinding hindi ako aalis sa tabi mo, okay? Dito lang ako. Palagi, North."

I Ruined His Own PromiseWhere stories live. Discover now