" Tito, take care of yourself, please. Palagi po kayong tatawag sa amin."
Nakayakap ako kay Tito habang naglalakad kami papasok ng airport kung saan sasakay si Tito pabalik sa trabaho niya.
" I will, Iha. Balitaan niyo ako kung kailan ang kasal, ha? I have to go. Mag-iingat kayong lahat." Hinalikan niya ang pisngi at noo ko bago niya pinisil ang pisngi ko kagaya dati. Tinapik niya lang ang mga balikat ng anak niya at saka na siya naglakad papunta sa gate kung saan siya sasakay.
Sana gabayan siya ni Tita sa flight niya. And I know she is naman.
" Bye Tito. I love you." Sambit ko.
" Bye! I love you too, Driya!" Sigaw niya pabalik.
Nasa sasakyan na kami ni North pagkalipas ng ilang minuto. Sila Kuya South at Ate Chinah naman ay babalik na sa trabaho nila kaya nauna na sila sa amin na umuwi. Kami naman ni North ay babalik na rin sa trabaho ngayon, kailangan na talaga.
" Tell me if you need help about our project, ha? I'll go to your office." Bilin sa akin ni North habang nasa daan.
" Of course. Kasama ka sa project kaya dapat ay naroon ka rin mamaya. I'll wait for you."
*
" Thank you, Mr. Gaspar. We'll work hard for this."
Nakipagkamayan ako kay Mr. Gaspar. CEO din siya ng isang warehouse na kailangan namin para sa project namin and now, nakapag-deal na kami at pirma na rin ng kontrata.
" Thank you so much for this opportunity, Ms. Carbonel." Aniya. Ngumiti naman ako sa sinabi niya. Kinuha ko ang regalo at bulaklak na dala niya kanina at saka ko ito inabot kay Steph at sinenyasan na ilagay nalang sa opisina ko.
Sabay kaming naglakad ni Mr. Gaspar palabas ng opisina ko at ihahatid ko na siya sa main door ng building para makaalis na siya.
" My secretary will set the schedule for our press conference. Babalitaan nalang kita kung kailan at saan." Tumango ako sa sinabi niya. Nakikita ko na ang mga bantay niya sa labas ng building kaya nagpaalam na rin ako sa kaniya.
" Ingat ka pabalik sa building mo, Mr. Gaspar. Salamat sa personal na pagpunta dito sa akin."
*
" What are those?"
Tanong ni North nang makapasok siya sa opisina ko. Tinitignan niya ang bulaklak at regalo na ibinigay ni Mr. Gaspar kanina sa akin.
" Nag-sign kami ng kontrata kanina kaya may ganyan." Paliwanag ko. Nag-thumbs up naman si Steph kaya nakumbinsi kaagad si North sa sinabi ko. At saka tama naman ang sinabi ko at hindi ako nagsisinungaling e. Kaya wala dapat siyang ikabahala.
" Wow. Congratulations Mr. Valiente!" Nakipag-beso beso ako sa girlfriend niya na ngayon ay fiancee niya na pala. Masyadong maraming nangyari sa amin ngayon kaya hindi na namin namalayan na nakapag-propose na siya sa girlfriend niya.
" Thank you! Nabalitaan kong kayo na rin daw ni North? Kayo na ata ang pinaka-powerful na couple ngayon. Balitang balita sa dyaryo at TV ang relasyon niyong dalawa." Sabi ni Mr. Valiente na ikinagulat ko. Ngayon ko lang din nalaman na nasa TV na pala ang relationship status naming dalawa ni North ngayon, bakit ang bilis kumalat ng balita?
Nakipag-kwentuhan kami sa kanila habang hawak hawak ang invitation para sa isang salo salo para sa success ng proposal ni Eidzel para sa girlfriend niya. Sino ba naman din kami para tumanggi.
" Ang ganda ng invitation. Lalo na siguro ang party niyo sa susunod na araw. Excited na kaming pumunta." Nakangiting sambit ko sa fiancee ni Eidzel–si Zoe.
Hinawakan ni Zoe ang kamay ko, at saka siya ngumiti sa akin.
" Thank you so much, Ms. Carbonel. I'm a fan of yours too. I'm so happy na makakapunta ka sa party namin." Ani Zoe na ikinangiti ko. Yumuko naman ako para magpasalamat sa kaniya.
" Nako, it's not a big deal naman. And besides, inimbitahan kami ni Eidzel kaya pupunta talaga kami."
*
" I'm so happy for them."
Masaya akong nakasakay sa sasakyan pauwi ng bahay. Nakatingin pa rin ako sa invitation card na ibinigay nila sa amin kanina. Ang ganda kasi at ang elegante tignan kaya nai-excite ako sa magiging party nila.
" Sa susunod tayo naman ang magi-imbita sa kanila para sa kasal natin." Namula ang pisngi ko sa sinabi niya. Nahinto ako sa pagngiti dahil doon.
" Really? Tayo na susunod?" Pang-aasar ko sa kaniya.
Tumango siya.
" Yes. Pero it's a surprise kung kailan." Ngumiti ako.
Nakauwi kami kaagad dahil wala masyadong traffic at sasakyan sa daan. Binati ni North si Mama at may dala pa pala itong bulaklak para sa kaniya. May regalo din siyang dala na iniabot niya kay Mama kanina. Tuwang tuwa naman si Mama habang nakatingin sa bulaklak na bigay ni North sa kaniya.
" Yes, Tita. I would love too po but I really need to go. May pinapaasikaso po kasi saakin si Papa ngayon e." Dinig kong pagpapaalam ni North kay Mom, lumapit naman ako sa kanilang dalawa.
" Oh, really? Ingat ka sa pag-uwi ha? Bumalik ka rito bukas para makasama ka naming kumain dito. Ingat ka, anak." Humalik si North sa pisngi ni Mom bago siya nagmano.
Humarap naman siya sa akin pagkatapos.
" I have to go. May ipapagawa pa saakin si Papa. Hinatid lang kita pauwi." Paalam niya. Tumango naman ako sa sinabi niya, at saka kami naglakad palabas ng bahay.
Hawak hawak niya ang kamay ko.
" Sure. Take care, okay? Tumawag ka sa akin kapag nakauwi ka na agad. Para alam ko. See you tomorrow at the meeting." Humalik ako sa labi niya, at saka ko siya niyakap.
Ngumiti siya sa akin at saka niya ginulo ang buhok ko bago tumawa.
" Yeah. I'll call you when I get home. Aalis na ako. Change your clothes. See you tomorrow. I love you." Paalam niya.
" I love you too, North."
Naramdaman kong nasa likod si Mom kaya humarap ako sa kaniya. Nakangiti siya sa akin habang nakasandal sa pintuan at nakatingin sa akin at kay North kanina.
" Anak, you look so so good together. Masaya kami ni Akinah para sa inyong dalawa ni North."
YOU ARE READING
I Ruined His Own Promise
RomanceAlexandrine Resendriya Carbonel is an only child. Wala siyang kapatid, walang kalaro, walang kasama. In short, she's lonely. Suki siya ng bullies noon dahil nga sa pagiging only child at pagiging suplada niya. Isa lang naman ang gusto niya, ang magk...