5 years later...
" Dalian mo! Pabagal bagal ka!"
Natatawang sigaw ko sa Sexytary ko, iyan daw ang itawag ko sa kaniya, kaya naman pinanindigan ko na. Tutal, mabait naman akong amo sa kaniya.
Totoo iyan.
" Ma'am, may meeting po kayo mamaya, pero may naghahanap po sa inyo sa labas." Napataas ang kilay ko sa sinabi niya sa akin, sino nanaman iyon? Baka nanaman si Red iyon, sinabi ko naman na sa kaniya na wala akong oras makipag usap sa kaniya at makisama.
Red is my stalker, by the way.
" Pupunta ako, pakisabi saglit lang." Utos ko sa sekretarya ko.
Dumiretso ako sa opisina ko, iba ang opisina ko kina Mom at Dad. Ako mismo ang nag suggest na mag iba ako ng opisina, kaya naman pumayag sila sa sinabi ko. Nag ayos ako ng sarili ko. I am now a lady. I am now 22 years old. While Kuya South is 34 and Kuya North is 30, matatanda na sila.
" Alexandrine-"
" Red, wala akong time. Hindi kita makakasama ngayon dahil may sasamahan akong iba. Punuan din ang schedule ko, kaya pasensiya na. Sinabi ko naman na saiyo na tigilan mo na ako, hindi ba?" Umiwas siya ng tingin sa akin, hindi ko ba alam kung bakit pinag aaksayahan ko siya ng oras, at nakikipagkita pa ako sa kaniya, e wala naman siyang ambag sa schedule ko.
" Please, just this time. Ang tagal mo na akong hindi pinapayagan na ilabas ka." Ngumisi ako.
" Ano ba tayo? Hindi ba wala? Stalker lang kita at hanggang doon lang iyon, Red. Tigilan mo na ako-"
" Don't you dare." Muntik na akong mahawakan ni Red pero nagsalita si Kuya North sa likuran naming dalawa. Napangiti ako.
Lumapit saamin si Kuya North, at saka niya hinawakan ang kamay ko at inilayo sa Red na iyon.
" Kuya.." Bulong ko sa kaniya. Si Kuya South, may girlfriend na. Ito, wala pa. Hindi ko nga alam kung bakit wala pa, e kasi naman, 30 na niya, wala pa siyang babae. Excited nga akong makita na may nilalabas siyang babae, pero hanggang ngayon, wala parin.
" Umalis ka na, Red. Malinaw saakin ang sinabi niya, ikaw na kaharap niya, hindi maintindihan?" Masungit na tanong ni Kuya North kay Red, mayabang akong tumingin kay Red, at saka ko siya tinaasan ng kilay.
" 3 points for my favorite Kuya North!" Sigaw ko nang umalis sa harapan namin si Red nang walang pasabi. Inayos ko ang kaniyang necktie, naka office suit kasi siya. Kaya naman inayos ko ito.
" Sinabi ko naman kasi na ipa blotter mo na ang lalaki na iyon, baka iba pa ang magawa niyan." Ngumiti ako sa sinabi ni Kuya. Kahit kailan talaga, napaka maaalalahanin talaga niya, kaya siya ang pinaka favorite ko.
" Hindi na. Kaya ko naman, at saka may mga bantay naman ako, at nandiyan ka, kaya ayos lang ako." Hinawakan niya ang beywang ko, at sabay kaming naglakad pabalik sa opisina ko.
May project kaming dalawa ni Kuya North at kaming dalawa ang gumawa at nag isip niyon, kaya naman dalawa kaming magmi-meeting tungkol sa iba pang kailangang gawin sa proyektong balak naming tapusin ng dalawang taon. Carbonel and Lodivico collaboration.
" Kuya, may babaeng nagpunta dito sa opisina kanina at tinatanong saakin kung narito ka daw ba, sino ba iyon? Babae mo? Fuck buddy? Ka one night stand, ano?" Tanong ko sa kaniya. Nag igting naman ang panga niya sa tanong ko, at saka niya hinapit ang beywang ko palapit sa kaniya.
Alam kong nagbibiro lang siya sa panghihila saakin, pero kakaiba ang nararamdaman ko sa paghawak niya sa akin.
" Kuya, stop it-"

YOU ARE READING
I Ruined His Own Promise
RomanceAlexandrine Resendriya Carbonel is an only child. Wala siyang kapatid, walang kalaro, walang kasama. In short, she's lonely. Suki siya ng bullies noon dahil nga sa pagiging only child at pagiging suplada niya. Isa lang naman ang gusto niya, ang magk...