" Yes, Kuya. Paki ayos nalang po, ha?"
Ngumiti sa akin ang mga trabahador namin. Nagbabantay lang ako sa kanila,maya maya ay pupunta na din ako sa opisina at building ko para ayusin ang ibang mga gawain ko. Marami akong gagawin ngayon.
" Ma'am, you have a meeting with Mr. Valiente later. A very important meeting." Tumango ako sa sinabi niya sa akin, handang handa akong makipag usap sa kaniya, siya lang naman ang pinaka magaling na business man kaya kailangan ay lagi akong handa sa pakikipag usap sa kaniya.
" Sure. Nandoon na ako mamaya bago mag umpisa ang meeting." Anunsiyo ko sa sekretarya ko.
" Hanggang anong oras po ba tayo dito, Ma'am?" Tanong ni Steph sa akin. Tinignan ko ang relo ko sa telepono.
" Maya maya aalis na ako. May meeting pa ako virtually sa iba ko pang ka-business meeting." Sinuot kong muli ang aking sunglasses at saka ako tumingin sa mga tauhan namin, maayos naman ang trabaho nila so far, kaya naman wala akong magiging problema, sana.
" Kasama ba si Grey sa meeting mamaya?"
Tanong ko kay Steph habang nasa byahe na kami pabalik sa opisina ko. Tumango siya sa akin.
" Yes, Ma'am. Kasama po siya. Sa meeting niyo with Mr. Lodivico." Tumango ako.
" Ganiyan ka na ba kaexcited sa makaka meeting mo?" Tanong saakin ni North. Hindi ko naman siya pinansin dahil busy akong ayusin ang damit na ipinabili ko pa para lang maisuot sa importanteng meeting ko with Mr. Valiente.
" Pakialam mo ba, North? Manahimik ka kaya diyan?" Ngumisi siya sa sinabi ko sa kaniya at saka siya naupo, nagtatama ang paningin naming dalawa sa salamin, nakaharap kasi siya saakin at tinitignan akong mag ayos. Naiilang man pero hindi ko ito ipinahalata at umarte akong walang pakialam sa kaniya.
Bakit ganoon siya makatingin sa akin? Nakakatakot na nakakailang.
" May meeting tayo mamaya, hindi ba?" Tanong niya nanaman sa akin. Lumingon na ako sa kaniya sa pagkakataong iyon. Naiirita akong tumango sa tanong niya.
" Yes. Kasama si Grey. Sana naman hindi na kayo magsagutan, nakakahiya sa ibang mga kasama natin, hindi lang tayong tatlo ang naroon." Pagpapaalala ko sa kaniya. Kinagat niya ang pang ibabang labi niya at saka siya nagpangalumbaba sa harapan ko.
" Hindi naman ako ang naguumpisa ng away-"
" Ikaw kaya. Anong hindi?"
" Bakit ako?"
" Noong nag uusap kami, late kang dumating noong araw na iyon, tapos saka ka naupo sa tabi ko, at nakipag usap, sinabihan mo nga si Grey na masyado siyang malapit saakin, hindi ba? E ikaw nga, mas malapit saakin noong araw na iyon." Kinuha ko ang make up ko at nag ayos na din ako ng aking sarili, I have to be very presentable kaya naman magpapaganda muna ako.
" Totoo naman. Ako, kahit malapit ako sayo, kilala mo ako. Siya, hindi. Kailan lang kayo nagkakilala? Hindi ba? Paano kung hawakan niya ang hita mo? Paano kung hipuan ka niya? Paano kung may gawin siyang masama sayo?" Umiling iling ako sa sinabi niya sa akin, sinisiraan niya lang si Grey para lumayo ako sa kaniya at sa kaniya ako lalapit.
" Edi sana noong panahon palang na iyon, hinawakan na niya ako, sana matagal na niya akong hinawakan at hinipuan if that's what you want, pero hindi naman e. I trust Grey, North. Bakit mo ba siya sinisiraan?" Tumayo si North, at saka niya itinukod ang mga kamay sa lamesa ko, napaatras pa ako habang nakaupo sa swivel chair dahil sa ginawa niya.
Takot ang namutawi sa buong katawan ko.
" Ayaw kong hinahawakan ka ng kahit na sino. I am possessive with what's mine, Driya. You are mine, sa ayaw at sa gusto mo, kaya huwag mo akong gagalitin."
Umalis ako sa opisina ko nang matapos akong mag ayos. Nakahanda na akong makinig at magsalita para sa proposal na gagawin ko kay Mr. Valiente mamaya, kinakabahan din ako pero mas namumutawi at nangingibabaw ang kasiyahan sa puso ko, walang mapaglagyan ng tuwang nararamdaman ko ngayong oras na ito.
" Hi, Sir. This is Ms. Carbonel. Ms. Carbonel this is Ms. Valiente." Pagpapakilala sa akin ni Steph kay Mr. Valiente. Tumayo lahat ng mga kasamahan namin dito sa loob at saka ako nakipag kamay kay Mr. Valiente. Magkasing edad ata kami dahil hindi pa naman siya mukhang matanda.
Kinuha niya ang kamay ko.
" It's nice to meet you, Ms. Carbonel. I think, Mr. Lodivico is your man?" Napangiti ako sa sinabi niya. Umiling ako.
" No, Sir. He's my older brother. Kuya- kuyahan in tagalog. Bakit niyo po naitanong?" Takang tanong ko sa kaniya, ngumiti siya sa akin, at saka siya tumingin sa mga mata ko, sinalubong ko naman iyon.
" Nag usap lang kami noong isang araw. Mukhang binabakudan ka niya saakin. I thought, you are together." Napangiwi ako sa sinabi niya, umiling ako.
" Hindi po. Hindi."
Nagdiscuss ako sa harapan niya kasama ang sekretarya ko. Nakangiti ako habang nakikipag usap kay Mr. Valiente. Tumatango tango din naman siya sa sinasabi ko, alam kong naiintindihan niya naman ang sinasabi ko.
" Hindi nakakapagtaka na binabakuran ka ni Mr. Lodivico saakin, Ms. Carbonel." Tinaasan ko siya ng kilay sa sinabi niya. Kanina niya pa sinasabi iyan sa akin, kaya naman mas lalong nagtataka ako kung bakit at ano ang pinag usapan nila tungkol sa akin.
May sinabi na si North kay Mr. Valiente?
" Mind if I ask kung anong pinag usapan ninyo, Sir?" Tanong ko sa kaniya.
" Well, he wants me to distance myself to you and never step on his line. Sigurado ka bang younger sister lang ang turing niya sayo o may alam ka sa mga ikinikilos niya towards you?" Dahil bukas ang pintuan ng meeting room ay nakikita ang nasa labas. Namataan ng mata ko doon si North na nakatingin sa akin, diretso lang ang tingin niya sa akin, at nakasalikop ang kaniyang mga braso.
" I am aware of his actions towards me, Sir. And I am starting to like his actions." Nanlaki ang mata ni Steph sa sinabi ko.
" How about Grey?"
" This is nothing to do with our business meeting, Mr. Valiente. Let's continue."

YOU ARE READING
I Ruined His Own Promise
DragosteAlexandrine Resendriya Carbonel is an only child. Wala siyang kapatid, walang kalaro, walang kasama. In short, she's lonely. Suki siya ng bullies noon dahil nga sa pagiging only child at pagiging suplada niya. Isa lang naman ang gusto niya, ang magk...