" You may now kiss the bride."
Nagtayuan at nagpalakpakan kaming lahat nang mag-announce na ang pari sa harapan. As usual ay na harapan kaming dalawa ni North, kaya kitang kita namin ang dalawa sa harapan.
" Congratulations!" Bati ko kay Zoe na umiiyak nanaman nang makita ako. Natutuwa naman ako sa kaniya kasi simula noong una ko siyang nakita hanggang ngayon, naiiyak pa rin siya.
" Thank you so much, Driya." Aniya.
Nakipag-usap kami sa mga ibang business tycoons na nasa church bago kami umalis at nagpunta sa reception. Syempre nagpicture picture pa kami bago kami umalis doon.
*
" Thank you again, Driya. Oh see? Dati noong party ay Ms. Carbonel ngayon ay Driya na ang tawag ko sa kaniya. Bestfriends na po kami ngayon pero hindi pa rin nawawala sa akin ang pagka-amaze ko sa tuwing nagkikita at nagkakausap kami. Sana sa susunod ay ikaw naman ang narito sa harapan at kasal na sa isang Lodivico!" Nagkantyawan ang mga tao dahil sa sinabi niya. Napatingin naman ako kay North na pinagtutulakan ni Eidzel sa akin, napatawa at nakaramdam ako agad ng hiya.
" You don't have to say that but thank you. We– I am looking forward for that too." Biro ko sa kanila habang ipinapakita ang kamay kong walang singsing. Nakatingin naman sa akin si North habang nakangiti.
We had fun sa reception. May mga games na sinalihan din namin ni North, at minsan naman ay nakikipag-usap kami sa mga ibang bisita na lumalapit sa amin sa lamesa kung nasaan kami. Nakausap ko na rin kanina ang mga magulang nilang dalawa at masaya din sila na nakita daw nila kami at nakausap pa. And I am happy too kasi nagkausap kami kahit na paano at kahit na ang dami nilang bisita ay kami pa ang inuna nilang lapitan at kausapin.
May dala din kaming gifts para sa kanila at sigurado akong matutuwa sila sa ibinigay namin. We gave them a 6 million in cash. Exclusive iyon kaya sa mismong venue kung saan sila magha-honeymoon na namin ipinadala ang regalo namin and makikita nila iyon mamaya after ng party dito sa reception.
" Okay! Ito na ang pinakahihintay! To all the ladies here. Please proceed po tayo dito sa gitna dahil ihahagis na ni Bride ang bulaklak niya at malalaman na natin kung sino ang susunod at kanino tayo susunod na maiimbitahang mag-attend ng wedding!" Tinawag kaming lahat at ayaw ko rin naman na maging KJ kaya naman sumama ako sa harapan na makiki-agaw para sa bulaklak na iyon. Hindi ko alam kung paano ang mechanics dito pero kung saakin at sa direksyon ko pupunta ang bulaklak ay sasaluhin ko talaga iyon.
" Okay! One! Two! Three!" Bilang ng MC.
Hinintay namin na ihagis ni Zoe ang bulaklak dahil bume-bwelo na siya pero agad siyang huminto at humarap sa amin. Naglakad siya papunta sa direksyon ko at saka niya kusang inabot sa akin ang bouquet na hawak hawak niya kanina. Napatawa ako sa ginawa niya. Tinakpan ko ang aking mukha sa hiya nang makuha ko ang bouquet mula sa kaniya.
" Oh my god. Alam ko na gagawin mo ito!" Nagtawanan kami ni Zoe sa sinabi ko.
" Soon to be Mrs. Lodivico is in the house! Ang tanong ng lahat–when ba kasi ang kasal?!"
*
" North, please.."
Pumikit ako nang bumaba ang halik ni North sa leeg ko. Nasa hotel pa kami at dito na muna kami magpapalipas ng gabi bago kami umuwi sa susunod na dalawa pang araw.
" Please too, baby. I want you." Bulong niya sa tainga ko na ikinatayo ng balahibo ko. Napalunok ako sa lalim ng boses niya.
Pilit kong kinakagat ang labi ko para hindi ako makagawa ng ingay dito sa kwarto. Katabi namin ang ibang VVIP na bisita kanina sa kasal, kaya nakakahiya naman kung marinig kami dito.
" North, baka marinig tayo sa kabilang mga kwarto–ahh..." Hindi siya tumigil sa ginagawa niya. At saka niya ako hinila sa kwarto.
" This is sound proof, baby. And guess what? This is the only sound proof room in this hotel. So we're safe." Sambit niya. Laglag ang panga ko sa sinabi niya. Talagang ginawan niya ng paraan na ganito ang kwarto namin para dito?
I can't with this man anymore.
" North.." Daing ko.
" You can't get away from me. I'll own you tonight, Mrs. Lodivico."
*
" Hi! Aalis na kayo?"
Tanong ni Zoe sa amin nang magkita kami sa restaurant.
" Yeah, we have to. Kasi may mga kailangan na kaming gawin. I know na magiging busy ka na rin as Mrs. Valiente kaya mag-focus ka muna doon." Niyakap niya ako. Inaayos na ni North ang gamit na dala namin sa sasakyan niya.
Kausap niya naman doon si Eidzel.
" Maraming salamat talaga ha? Labas tayo if wala akong masyadong gagawin at hindi ka rin busy. Thank you rin pala sa binigay niyong gift. Napag-planuhan namin na isave iyon para sa mga anak namin kaya magaasikaso kami ng bagong bank account for that." Naglakad na kami papunta sa sasakyan namin. Dala dala ko ang souvenir na ibinigay nila sa amin, para ito sa mga VVIP na bisita kahapon.
" Walang anuman. Basta feel free to call me and text me if you want to go outside and eat. Papayag naman kaagad ako." Sambit ko.
Nakangisi si Eidzel saakin nang makalapit kami sa sasakyan. Nagtaka ako sa ekpresyon ng mukha niya. Iniabot sa akin ni North ang bouquet na nakuha ko kagabi sa kasal. At saka siya tumingin sa akin.
" Goodluck, man. Ingat kayo pauwi." Ani Eidzel at saka siya nakipag-beso sa akin. Ngumiti ako.
" Thank you too, Eidzel and congratulations." Bati ko.
" Congratulations in advance, Mrs. Lodivico."
Sumakay na kami sa sasakyan. Inayos ko ang bulaklak na nakuha ko kay Zoe, nagtaka naman ako nang may kumislap doon nang maitama ko sa ilaw ng sasakyan ang bulaklak.
" W-what's this?" Takang tanong ko kay North na nakangisi sa akin ngayon.
" Hmm?" Tanong niya sakin.
" North, what's this?" Tanong kong muli habang hawak hawak ang sing sing.
" Are you willing to be my Mrs. Lodivico, Driya?"

YOU ARE READING
I Ruined His Own Promise
RomanceAlexandrine Resendriya Carbonel is an only child. Wala siyang kapatid, walang kalaro, walang kasama. In short, she's lonely. Suki siya ng bullies noon dahil nga sa pagiging only child at pagiging suplada niya. Isa lang naman ang gusto niya, ang magk...