Chapter 24

21 0 0
                                    

" Ayos ka lang ba?"

Tanong ko kay North nang makapasok siya sa kwarto kung nasaan ako. Wala ang ibang kasama ko dito dahil tumutulong sila sa labas.

" I need you." Aniya na ikinataka ko.

" Anong kailangan mo?" Hindi niya na sinagot ang tanong ko. Hinila niya ako kaagad palapit sa kaniya at saka niya hinalikan ang labi ko. Hindi ako kaagad nakagalaw sa ginawa niya pero agad din akong nakabawi nang may kumatok sa pintuan kung nasaan kami.

" North.." Daing ko nang hindi pa siya tumitigil na humalik sa akin.

" Please.."

Biglang bumukas ang pintuan at naabutan niya kaming magkayakap ni North. Mabuti nalang at itinigil niya ang kakahalik sa akin. Napalunok ako.

" Ma'am, Sir hinahanap po kayo ni South sa labas kanina pa." Ani ng kasambahay na pumasok dito sa kwarto. Hinawakan ni North ang kamay ko at saka kami sabay na lumabas ng kwarto para pumunta kay  Kuya South.

" Kuya..." Nang makalabas kami ay agad ko siyang sinalubong ng yakap. Niyakap niya naman ako pabalik dahil doon. Hindi na siya umiiyak pero bakas pa rin sa mga mata niya na naiiyak pa rin siya pero pinipigilan niya lang dahil may media at marami na ang tao sa labas. Maging ang mga tauhan nila sa trabaho at maging mga tauhan ko ay narito mamaya kaya mas maraming tao ang narito mamaya maya lang.

" This is Chinah, my girlfriend." Pagpapakilala niya sa akin sa girlfriend niya.

" I know, Kuya na she's your girlfriend. We talked earlier. Nice to talk to you, Ate Chinah. I'm Alexandrine Resendriya Carbonel." Pagpapakilala ko pa rin ng formal sa kaniya sa harapan ni Kuya South. Ngumiti siya sa akin at saka niya ako niyakap. Tinapik tapik niya pa ang likuran ko.

" Nice to talk to you too. Condolences for you also." Ngumiti ako.

" Kuya South, I missed you so much." Sambit ko Kuya nang matapos kaming mag-usap ng girlfriend niya.

" I misses you too. Akala mo ba hindi kita kinakamusta kay North?" Bumusangot ako at saka ako yumakap muli sa kaniya.

Nang makarating na ang ibang bibisita kay Tita ay na-busy ang magkapatid na makipag-usap sa kanila. Naiwan naman kami ni Ate Chinah sa harapan na upuan at nakabantay lang kay Tita dito. Marami ngang tao sa likod at hanggang sa labas ay mayroon din.

" Alam mo? Me and South knows that North likes you. Kahit ba minsan hindi ka nakakaramdam ng kakaiba sa kaniya kapag kasama mo siya?" Tanong sa akin ni Ate. Tumingin ako sa kaniya dahil sa tanong niya.

" Sometimes, yes. I do feel like I like him and I miss him sometimes. I don't know ate, maybe because masyado akong attached kay North kaya hinahanap hanap ko siya minsan." Pag-amin ko.

" That's it. Na-attach ka na sa kaniya kaya hinahanap hanap mo siya. Take your time to realize na you love him pala. Ganiyan din kami ni South noon, nangangapa sa isa't isa. But now, look at us. Masaya na kaming dalawa ngayon na magkasama na kami." Aniya. Napatingin ako kay Kuya South na sakto at kakadaan lang sa harapan namin at may kasamang ibang bisita. Sinasamahan ata na tignan si Tita sa harapan.

" I'm happy for Kuya South. I know he's been busy with work lately and he is really working hard for his future. And now, kasama niya na iyong makakasama niya in the future kaya alam kong mas lalong magsisipag iyan si Kuya." Ngumiti siya sa sinabi ko sa kaniya.

" Yeah. He is really a hardworking man. And I hope, iyang nararamdaman mo kay North, huwag mo na itago at aminin mo na soon. Alam kong naghihintayan din lang kayo kung sino ang aamin at alam kong hinihintay mo lang siyang mauna bago ka magsabi. I can feel it, bagay kayong dalawa." Aniya at saka umalis sa tabi ko at tumulong na mag-entertain ng mga tao na pumapasok pa rin dito sa venue kung saan namin ibinurol si Tita.

I think she's right. Pero hindi pa ito ang panahon para umamin sa kaniya. Kasi, kailangan muna naming mag-focus kay Tita ngayon.

My Mom is on her way here. Ganoon din si Tito na nasa flight na pauwi ng Pilipinas. Ganoon din si Dad na nag-book din ng flight para makapunta rito at matulungan kami.

" Baby.." Tawag sa akin ni North nang papasok ako sa kwarto.

" Why?" Tanong ko sa kaniya. Humarap ako sa kaniya. Kulay pula ang mga mata nito at ang tamlay tignan. Pinunasan ko ang takas na luha sa mata niya at saka ko siya niyakap. Wala akong pakialam kung nakikita kami ng media ngayon.

" Shh, you can sleep. Sabihin mo saakin kung inaantok at pagod ka na, sasamahan kitang matulog." Bulong ko sa kaniya. Tumango siya sa sinabi ko, at saka siya bumalik sa mga tao para kausapin sila.

Ako naman ay nagtimpla ng kape para hindi ako antukin dahil kailangan ko ring tumulong sa kanila dito kahit na papaano. Hindi man ako pinapayagan ni Kuya South at North na makihalubilo sa mga tao o kahit tumulong ay tumutulong at sumasama pa rin ako para mabawasan ang mga gawain nila kahit na papaano.

" Tita, hello po. I know na this is too random but do you think I should tell North na I like him na or I'm falling na?" Kinausap ko si Tita sa harapan nang wala namang taong nagpupunta sa harap para sumilip sa kaniya.

" I know na this is my first time na kausapin ko po kayo about lovelife. Mas masaya po sana kung nakikita ko ang reaksiyon niyo ngayon at marinig ko po mismo sa inyo ang mga sasabihin niyong advices para sa akin." Ngumiti ako sa kaniya. She looks so pretty as always. Kaya nga love na love ni Tito si Tita e, kasi she's pretty inside and out. And she is hands on sa business at sa pamilya nila. Kaya maraming nagmamahal sa kaniya. Lalo na ako.

" Tita, I like Kuya North. Hindi ko lang po maamin sa kaniya this days kasi dapat nakafocus kami sa inyo muna–"

" My love.."

I Ruined His Own PromiseWhere stories live. Discover now