" Kakaiba e. Hindi ko alam pero ganoon naman ang napapansin ko. Ikaw ba?"
Umiling ako sa tanong ng sekretarya ko. Para lang kaming magkaibigan habang nag uusap kaming dalawa. Pero kapag walang ibang tao, kapag may tao na kaming mga kasama, formal na kaming mag usap.
" Mayroon. Napapansin ko iyon, pero hinahayaan ko nalang muna. Baka kasi talagang ganoon siya saakin? Hindi ko alam, hindi naman siya ganoon noon e." Paliwanag ko sa sekretarya ko, naikwento ko kasi sa kaniya ang mga gawain ni Kuya North saakin, at napapansin kong nag iiba na din kasi ang ginagawa niya saakin, kaya naman naguguluhan ako, para may karamay akong mag isip ay kinu-kwento ko sa sekretarya ko kapag magkasama kami ni Kuya.
Sabay pa kaming umiinom ng iced coffee dito sa loob ng opisina ko.
" Hay nako, basta Ma'am, may something sayo si Sir. Alam mo naman na pala na may iba siyang ginagawa sayo. Alam mo, kung pagkakapatid lang ang turing niya sayo, hindi magbabago ang gawain niya mula noon hanggang ngayon, at kapag naman may something siya sayo, nag iiba ang mga gawain niya when it comes to you, at sa palagay ko, may something siya sayo." Hinawakan ko ang sentido ko habang nakikinig sa sinasabi niya sa akin, pumapasok naman iyan sa kokote ko, kaya alam kong mamaya ay iikot iyan sa utak ko, at magiging dahilan para hindi ako makatulog.
Wow.
" Excuse me, Ms. Carbonel, nasa meeting room po si Mr. Real." Ngumiti ako, at saka na ako tumayo sa upuan ko.
" I'm going. Pakisabi pasunod na ako."
" Copy, Ma'am."
Nag ayos ako ng aking itsura at damit, at saka ako naglakad katabi si Steph, ang aking sekretarya. Pinagbuksan niya ako ng pintuan nang makarating kami sa meeting room. Tumayo sila nang makita ako.
" Good Day, Ms. Carbonel." Tinignan ko sila isa isa. At saka ako ngumiti.
" Good Day also. Nice to see you all." Ngumiti sila sa akin at saka sila naupo, may magpi-present kasi ng project nila sa akin, kapag naman nagustuhan ko, aaprubahan ko iyon, at saka nila uumpisahan ang project na iprinisinta nila sa akin.
" Looking good. As always." Bati saakin ni Grey nang lumapit siya sa akin at halikan ang pisngi ko. Tumawa naman ako.
" I have to be presentable, especially when you're here." Biro ko sa kaniya. Sabay kaming tumawa sa sinabi ko. Naupo ako nang maayos at pinakinggan ang magpapaliwanag sa harapan namin, nagsabi kasi ako sa kanila na gusto kong tumulong sa iba't ibang lugar na nangangailangan ng tulong at sila na mismo ang bahalang mag isip ng lugar na tutulungan at anong tulong ang gagawin namin. Kaya naman narito ako at pakikinggan ang gusto nilang gawin.
" This is from Visayas area, Ma'am. Sa mga bata po kami nagfocus, nakahanap kami ng isang school na karamihan sa mga bata ay walang gamit, at kulang sila ng mga classroom at gamit sa loob ng classrooms nila. Iniisip po namin na magkaroon ng feeding program, magbibigay din po tayo ng gamit sa kanila at saka kung kaya pa naman po ay tutulong tayo sa pagpapatayo ng mga classrooms na magagamit ng mga estudyante doon." Unang presentation palang, mukhang mapapa oo na kaagad ako, gustong gusto ko talagang makatulong, lalo na sa mga bata, dahil gusto ko, makapag aral silang lahat.
Tumango ako.
" Paki estimate kung anong kailangan nila doon. Anong mga gamit, at ilan ang students na naroon. At saka pakitanong kung ano ang kulang na gamit ng mga Teachers doon, at saka paki estimate kung ilan ang magagastos sa pagpapatayo ng classrooms doon. I'll approve your proposal." Nagpalakpakan sila sa sinabi ko. Nakita ko si Kuya North na papasok sa meeting room, naupo siya katabi ko. Tinignan naman ako ni Steph.
Nakakaamoy nanaman iyan kaya ganyan.
" Thank you so much, Ma'am! Alam namin ang interest niyo at mga bata talaga, kaya nagfocus po kami sa kanila. Thank you po!"
Lumapit saakin si Grey at saka niya ako binulungan.
" You're so good. I'm so proud." Ngumiti ako sa sinabi niya.
" Kailangan na ba nating mag-celebrate?"
" Let's eat dinner together later." Tumango ako sa sinabi niya. Grey is a suitor, kaya pumapayag naman ako na lumabas kaming dalawa, para mas madevelop pa ang aming feelings para sa isa't isa.
May isa pang nagpresinta at para naman iyon sa mga matatanda na naabanduna na ng mga kamag anak at anak nila. Napaluha pa nga ako sa kwento nila, kaya naman napapapayag nila ako sa gusto nilang mangyari. Nawalan kasi ako noon ng Lola, at gusto kong alagaan ang iba pang Lola at Lolo na hindi na naalagaan at naasikaso ng mga pamilya nila.
" Are you-"
" Ayos ka lang?" Sabay na tanong nina Kuya North at Grey, tumango ako sa kanilang dalawa at saka ako kumuha ng tissue at pinunasan ang luha na muntik nang tumakas sa aking mga mata.
Hinawakan ni Grey ang kamay ko, ang isa naman ay hinawakan ni Kuya North ang aking braso, hindi ko alam kung saan ako lilingon at titingin, dahil dalawa silang nasa gilid ko at kinakausap at hinahawakan pa ako. What's happening?
" You're too close, Grey. Isa ka lang sa board, masyado kang malapit." Sambit ni Kuya North, lumingon ako kay Grey.
" You're too close also, Mr. Lodivico-"
" Dapat lang, dalawa kaming magkasama sa project na ito, kaya dapat ay kasama ako dito, ikaw ang lumayo, bawal ang feelings attached kapag nasa trabaho."
" Ehem..." Nagpanggap na umuubo si Steph para sa kaniya mabaling ang atensiyon ng lahat, ngumiti ako sa ginawa niya. Kumindat naman siya.
Hinila ni Kuya North ang upuan ko palapit sa kaniya, at saka niya hinubad ang coat niya at inilagay sa hita ko, inakbayan niya naman ako. Nagkakatitigan si Kuya North at si Grey, may tensiyon sa pagitan nila, alam ko, dahil mainit ang tinginan nila sa isa't isa.
" Too close, baby. Hindi pwede iyon." Ani Kuya North.
" Stop acting like this, Kuya North. Bakit mo ba ako tinatawag niyan? Kapatid lang tayo, hindi ba?" Bumulong siya sa akin na nakapagpatayo ng balahibo ko.
" Kapatid lang nga ba?"
YOU ARE READING
I Ruined His Own Promise
RomanceAlexandrine Resendriya Carbonel is an only child. Wala siyang kapatid, walang kalaro, walang kasama. In short, she's lonely. Suki siya ng bullies noon dahil nga sa pagiging only child at pagiging suplada niya. Isa lang naman ang gusto niya, ang magk...