Chapter 22

16 0 0
                                    

" Careful, North.."

Naalimpungatan ako sa narinig kong boses at sa gulo ng nasa paligid ko. Inihiga ako ni North sa kama ko dahil naramdaman ko iyon.

" Mom?" Tanong ko sa kung sino mang nasa harapan ko ngayon. Hindi ko pa rin minumulat ang mga mata ko.

Naramdaman kong may humawi ng buhok ko at sinuklay iyon. Si Mom lang ang gumagawa niyon kaya alam kong siya na iyon at nakauwi na siya.

" I-i'm here, Iha. I'm sorry napag-alala ka ni Mom." Narinig ko ang hikbi niya kaya naman napamulat ako sa kaniya. Nakita ko siyang umiiyak, at gulo na rin ang make up niya.

Napatayo ako kaagad.

" Mom, what happened? Bakit ka umiiyak?" Alalang tanong ko sa kaniya. Mas lalong lumakas ang hikbi niya dahil sa tanong ko.

" Y-your Tita is dead.." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Mom. Nakita kong tumatakbo na si North palabas ng kwarto at pababa na sa hagdan. Agad akong umalis ng kama at saka ako tumakbo at hinabol siya.

" North! North! Sandali lang!" Sigaw ko sa kaniya. Nahinto nalang siya nang pasakay na siya sa sasakyan niya.

" I have to go–"

" Sasama ako sayo." Binuksan ko ang pintuan ng sasakyan niya at saka ako sumakay. Nagmamadali siyang magmaneho habang nagiigting ang panga niya at nakakuyom ang isa niyang kamao.

Wala akong magawa kundi ang hawakan iyon at subukan siyang pakalmahin kahit na hindi iyon mangyayari sa ganitong eksena.

" N-north, please. Calm down, I know mahirap pero kumalma ka muna habang nagmamaneho. B-baka mapano tayong dalawa." Hawak ko ang isang kamay niya habang nagmamaneho naman ang isa. Hindi ko na natanong si Mom kung anong nangyari pero pagkasabi niya palang na Tita is dead ay agad na akong sumunod kay North para makasama at makita din si Tita.

May mga Pulis at Soco nang makarating kami sa lugar kung nasaan si Tita. May mga media rin at mga reporters na nagbabalita kaagad. Tinignan ko ang sasakyan ni Tita at panay nga iyon tama ng baril, hanggang likod at gilid ay mayroon. Ambush siguro ang ginawa kay Tita.

Napahawak ako sa damit ni North at napatago sa likod niya nang makita ko ang bangkay ni Tita sa gilid at wala na sa sasakyan. Nakalagay na siya sa stretcher at may takip na ang buong katawan niya ng kulay puting kumot.

Shit.

" N-north.." Nanginginig na tawag ko sa kaniya. Hindi siya umimik.

Nanatili siyang nakatulala kay Tita na ngayon ay wala na ngang buhay. Hindi siya umiiyak, pero ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso niya at nakakuyom pa rin ang mga kamao niya sa galit. Tumulo ang maliliit na butil ng luha sa aking mga mata, naaalala ko lahat ng ginawa niya sa aking kabutihan simula bata palang ako hanggang ngayon.

" Ma'am, hindi po namin makausap si Mr. Lodivico kaya kayo nalang po ang kakausapin namin tungkol dito." Humarap ako sa Pulis habang nagpupunas ng luha. Hawak hawak ko pa rin ang kamay ni North.

" May I know what happened?" Unang tanong ko.

" Ambush po ang nangyari, Ma'am. May nakuha po kaming 48 na bala ng baril sa paligid ng sasakyan, ilang kilometro din po sa hindi kalayuan ay nakahanap kami ng 5 pang bala ng baril, ang hula po namin ay kanina pa siya sinusundan at binabaril ang sasakyan niya hanggang sa ma-corner na po nila dito banda at saka nila tinuluyang patayin at pagbabarilin si Mrs. Lodivico." Napalunok ako sa sinabi ng Pulis sa akin, pauwi na si Tita siguro nang tambangan siya ng mga gumawa nito sa kaniya.

" May mga CCTV po ba sa lugar para makita kung sino ang gumawa nito sa kaniya?" Tanong kong muli.

" Luckily, may mga nakita kaming CCTV sa lugar, at may dash cam din ang sasakyan niya kaya uumpisahan namin bukas ang imbestigasyon dito. Sa ngayon, kailangan nalang dalhin ng ambulansiya ang bangkay sa morge at para maiayos na rin ang burol para sa kaniya." Tumango tango ako sa sinabi niya. Wala akong ideya kung paano ang gagawin pero susunod nalang ako sa gustong gawin ni North sa burol ni Tita.

Pagka-alis ng Pulis ay nakita ko ang sasakyan ni Kuya South na papalapit sa amin. Nagmamadali itong bumaba sa kotse niya at dumiretso siya sa akin.

Niyakap niya ako.

" Driya, hindi ka na dapat nagpunta dito." Aniya.

" Kuya South, si Tita.." Doon na bumuhos ang emosyon ko. Rinig ko rin ang iyak ni Kuya South pero si North ay nanatiling nakatulala kay Tita na inilalagay na ngayon sa loob ng ambulansiya.

Hinahagod niya ang likod ko, at saka niya hinalikan ang noo ko.

" I know, it hurts. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sana talaga ay sinundo ko na siya kanina noong tumawag siya sa akin." Ani Kuya South. Nabitawan ko na ang kamay ni North dahil sa paghigpit ng yakap saakin ni Kuya South, kasama niya ata ang girlfriend niya dahil may babae sa likod namin at pinakakalma si Kuya South.

I think, girlfriend niya nga iyon.

" Umuwi na kayo. Ako na ang bahalang sumunod doon sa hospital at ako na rin ang aayos ng burol ni Mama. Magpahinga ka na, Driya. Hindi ka na dapat pumunta dito."  Kumalas siya sa yakap, pinunasan niya ang luha sa aking mga mata, at saka niya tinapik ang balikat ko at hinalikan ulit ang noo ko.

" North, go home now. Si Driya, baka mahamugan. Ako na ang bahala kay Mama. Umuwi na kayo." Umalis na si Kuya South at saka niya sinundan ang sasakyan kung nasaan si Tita.

Humarap naman ako kay North at saka ko siya tinignan. Umiiyak siya.

" North, I can drive you home. Tara na. Uuwi naman si Tita bukas.." Sambit ko. Hindi siya umimik sa sinabi ko.

" Driya, I just lost my Mom.." Aniya. Napahinto ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya.

" I know. And I just lost my Tita. My second mother and my bestfriend too." Tumulo nanaman ang luha sa aking mga mata.

Hinawakan ko ang kamay niya.

" Umuwi na muna tayo. Doon na muna ako matutulog sa inyo."

I Ruined His Own PromiseWhere stories live. Discover now