Carol's POV
I just got home from Miss Harm's birthday. Late na rin. Thea must be sleeping by now.
I used my key to open our double door. Dahan-dahan ko ring sinara ito and locked it again.
Bumungad si mama sa harapan ko, katabi si Thea na pupungay-pungay na ang mata, halatang antok na antok na.
"Ma.." tawag ko rito.
"This late, Carol? You know may anak kang naghihintay sayo." Iyon agad ang bungad sa'kin ni mama. Naglakad naman ako palapit sa kanila, kinarga ko si Thea.
"Akala ko po tulog na s'ya ngayon." Nahihiyang sagot ko naman. "Why you didn't sleep yet, hmm?" Masuyong tanong ko sa anak ko.
"Ayusin mo 'yang buhay mo, Carol. Tinanggap ka namin kahit nagpabuntis ka nang maaga." Pangaral pa ni mama bago naglakad papasok.
Masakit 'yong mga sinabi n'ya pero wala naman akong magagawa dahil tama s'ya.
"Mommy, is mama angry?" Medyo bulol na tanong ni Thea. Umiling naman agad ako.
"No, baby, she's just concerned to mommy." Paliwanag ko naman sa anak ko. Naglakad ako paakyat sa kwarto namin habang bitbit ko s'ya.
May yaya naman si Thea pero sa gabi ay ako na ang nag-aalaga rito para makapagpahinga si ate. Nagkataon lang na hinintay yata ako nitong dumating tapos nandito pa si mama.
Until now, ang pagkakaalam n'ya ay kapatid n'ya parin ako. Sadyang mommy lang ang tawag n'ya sa'kin dahil ako naman ang nag-aalaga sa kanya.
Sa totoo lang, pagod na ako sa ganitong set-up. Pagod na akong itago at ideny s'ya sa mga tao. I just want to tell the world that I have a cute and smart babygirl but I can't. Hindi ko parin pwedeng dungisan ang pangalan namin because I owe my parents a lot. Kung hindi naman dahil sa kanila, hindi ko mapapalaki nang maayos si Thea.
Nilapag ko si Thea sa kama at kinumutan ito.
"Sleep na, baby." Masuyong turan ko. I sat on the bed.
"Goodnight, mommy." She said as she close her eyes to sleep.
"Goodnight, baby." I kissed her forehead saka hinaplos ang buhok nito.
Bigla naman nagvibrate ang cellphone ko. Matt's calling me.
"Hello, Matt?" Bungad ko sa kanya.
[Nakauwi ka na?] Kalmanteng tanong nito mula sa kabilang linya.
"Yup," tipid na sagot ko naman.
[Are you okay?] Tanong n'ya ulit. I can feel the concern in his voice.
"Oo naman," I assured him. Ngumiti pa ako kahit hindi naman n'ya nakikita. Pilit na ngiti nga lang.
[Hmm. Si Thea?]
"Tulog na e." Usal ko. Alam ko namang gusto n'ya sanang kausapin ito. Naging routine na namin.
[Pwede ako dumalaw bukas?]
"Plano ko sanang ilabas si Thea bukas, you can join us." Alok ko instead.
[Sure!] Masiglang wika nito. [Don't bring your car, sunduin ko nalang kayo.]
"Sige, ibaba ko na, Matt. Matulog ka na rin." I said tiredly. Gusto ko na rin talagang magpahinga.
[Okay, see you tomorrow. Goodnight.]
"Goodnight." I said the hang up the phone.
Pinagmasdan ko muna sandali ang anak ko before I took a shower.
BINABASA MO ANG
𝐒𝐞𝐫𝐞𝐧𝐝𝐢𝐩𝐢𝐭𝐲 [TSS #1]
NouvellesAnne Caroline Tessano - Flight attendant student, she was supposed to be in her 3rd year when she got pregnant. Naniniwala siyang hindi na niya kailangan pang makilala kung sino ang nakabuntis sa kanya until SHE came. Skyler Marie Guancho - Archite...