Chapter 12: Beer

12.3K 565 59
                                    

Carol's POV

Kaka-out ko lang from my OJT and it's hella tiring. I'm completing my on the job training at one of the known travel agencies in the city. I still need to do it for the next maybe 2 weeks para makumpleto ko yung required hours of OJT.

Usually, umuuwi na ako pagka-out ko but I now, I decided to go to Sky's condo unit. Isang linggo na kasi s'yang walang paramdam. Ayoko namang tanungin pa kay Mica kahit same school sila. Baka ma-issue nanaman.

Personal na akong pumunta para malaman kung anong nangyayari sa kanya. She's Thea's mother, hindi naman siguro masamang mapaisip ako. Yeah, I'm just concerned. We have a parent-to-parent relationship.

Nagmaneho lang ako papunta sa condo n'ya and I saw her BMW on her parking spot. She's here. Sumakay ako ng elevator. Pasara na sana ito nang may isang babaeng humabol.

Isang babae. A pretty girl, actually. Nakasuot ito ng tube cropped top at short shorts. May mga bitbit itong kung anu-ano. Seems like she have something to celebrate base sa mga bitbit niya. Tumingin s'ya sa mga elevator button and she didn't push anything. So.. we're going to the same floor?

"You live here?" The girl suddenly asked. Bumaling ako sa kanya. She seems friendly but I can feel the bitchyness.

"No, I just came to visit a friend." I answered in monotone.

"Oh, same here," nakangiting wika pa niya kaya napilitan na rin akong ngumiti.  After seconds, the elevator opened. Sabay na rumehistro ang gulat sa mukha namin ni Sky nang makita ang isa't-isa. "Sky!" The girl exclaimed and walked towards Sky's direction and hugged her.

I was right. Si Sky nga ang pakay nito. Yumakap din si Sky sa kanya pero agad din silang nagbitaw. I want to close the elevator now pero nakaharang yung babae kaya hindi ito magsasara kahit anong pindot ko.

"Vianca, what are you doing here?" Tanong ni Sky pero sa akin naman nakatingin.

"I brought you something. Masyado ka raw kasing busy ngayon sabi ni Vera." The girl replied in a sweet tone. Why do I feel disgusted just by looking at them? Vianca and Vera? Mahilig siya sa V?

"Uhm, thank you." Sky said. "Carol," she calls for my name kaya napatingin sa'kin ang babae.

"You know her?" The girl named Vianca asked.

"Y-yeah," nauutal pang sagot ni Sky. "What brought you here? Do you need something for her?" She asked with concern. The girl gave us a puzzled expression pero naputol ito nang tumunog ang cellphone n'ya.

"Sky, I need to go! Emergency. See you later!" The girl said. Humalik pa ito sa pisngi ni Sky saka pumasok na. "Girl, won't you go out?" Tumingin pa muna ako kay Sky. Tutuloy ba ako?

Lumabas na ako ng elevator. Pinanood namin ang pagsara non. Silence. Nakakabinging katahimikan ang dumaan nang makaalis ang babae.

"Uhm, gusto mong tumuloy sa unit ko?" Sky asked awkwardly. Bitbit n'ya parin ang mga dala ng babae para sa kanya.

"Sige," sagot ko. Tumango s'ya at naunang maglakad. She opened the door, pinauna niya pa akong pumasok. Nilapag n'ya ang mga dala sa maliit na mesa sa sala.

"Upo ka. Maghahanda ako ng meryenda. O gusto mo rito magdinner? Pagabi na rin kasi.." parang natatarantang tanong pa nito. "Sorry, medyo magulo ngayon dito. Gumagawa kasi ako ng plates tulogy nagrereview na rin." Napakamot pa ito sa batok.

Nilibot ko ang tingin sa paligid. Marami ngang gamit. Mayroon yung mataas na table na may ilaw sa ilalim, kalimitan kong nakikitang gamit ng mga architecture student. May mga libro, notebooks, at papel din sa isang single sofa.

𝐒𝐞𝐫𝐞𝐧𝐝𝐢𝐩𝐢𝐭𝐲 [TSS #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon