Chapter 25: SMG

13.9K 535 110
                                    

Sky's POV

Their shoot started but I'm still occupied for what Carol did. She kissed me infront of her friends, and Aena, my former classmate. We just bumped into each other earlier kaya sabay na kaming pumunta rito.

Pinapanood ko lang silang ayusin at sabihin kung anong mga gagawin nila. Pinasuot silang tatlo ng iba't-ibang klase ng damit na iisa lang ang definition-sexy. Carol's wearing a tube top and a short shorts.

Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil ako ang unang nakakita sa kanya habang ginagawa 'to o maiinis kasi hindi lang ako ang makakakita sa kanya na ganyan s'ya ka-sexy.

No, Sky. What she's doing is for her own good and also for Thea. She needs this job kaya hindi mo dapat isipin ang mga 'yan. After all, she called you babe and she kissed you na parang pinagdadamot ka sa iba. Isn't that an achievement already?

"Okay, let's have a break!" Sigaw ng isa sa nagdidirect sa kanila. "May foods dito, kumain kayo." He added.

Lumapit agad ako kay Carol bitbit yung pagkain na binili ko kanina sa kanya.

"Bibili lang ako ng pagkain ko." Wika ko habang naka-extend sa kanya ang pagkain.

"May foods naman dito ah?" She said and glanced the way where the foods are.

"Hindi naman ako kasama ryan." I said.

"Sige, you eat that and I'll just get a food there." Pinal na wika n'ya. Iniwan na niya ako at kumuha ng pagkain n'ya.

Naupo nalang ako sa isang bench at hinintay s'yang makabalik. Sila Free at Miss Avi ay sa loob yata ng reception kumain. Mas pinili naman namin dito dahil sa magandang tanawin.

Pagbalik ni Carol ay mya two plates itong dala. Nilapit n'ya sa'kin ang isa.

"Eat." She said firmly saka nagsimulang kumain.

"Arf arf." Sagot ko naman. Grabe naman kasi makautos akala mo ginawa akong aso.

"Umayos ka," masungit na utos nanaman s'ya.

"Maayos naman ako." Dipensa ko naman.

"Sabi ko lumayo ka sa linta, dikit ka naman nang dikit." Pabulong-bulong nito na rinig ko naman.

"Si Aena ba?" Tanong ko agad. Sinimulan ko ring kumain sa mga foods na kinuha n'ya.

She took a glance at me and proceed to eat her foods again. Hindi ito kumibo. Silence means yes. So kaya n'ya ako hinalikan kanina to show Aena na hindi na ako available?

"Aena is just a former classmate. We just bumped into each other at the restaurant. Tapos pareho lang kami ng pupuntahan kaya nagsabay na kami. Yung pinag-uusapan namin kanina, just a memory when we're at school." Dire-diretsong paliwanag ko na ikinahinto n'ya.

"Sa presinto ka na magpaliwanag." Pambabara n'ya lang sa mahabang paliwanag ko.

"Kung ikaw ang aaresto sa'kin, bakit naman hindi?" Pang-lalandi ko naman.

"Ang landi mo." Pambabara nanaman n'ya na tinawanan ko lang. Ang cute talaga n'ya. Nakakunot pa kasi ang noo habang nakatingin sa'kin ng masama.

"Arrest me, mommy. Posas mo 'ko sa kama." Nilahad ko pa ang magkadikit kong kamay sa harapan n'ya.

"Don't try me," she warned me and I find it hot. Bakit? Gagawin n'ya ba? Hindi naman ako aangal, basta 'wag n'ya lang ako iwang nakaposas sa kama.

Tinukod ko ang dalawang siko sa mesa para ilapit sa kanya ang mukha ko.

"Oh, it's making me excited, mommy Carol." Malanding bulong ko. Umatras naman s'ya sabay tulak sa mukha ko palayo.

"May makakita sa ginagawa mo." Wika n'ya.

𝐒𝐞𝐫𝐞𝐧𝐝𝐢𝐩𝐢𝐭𝐲 [TSS #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon