Carol's POV
Mabuti nalang sa malayo nagpark si Sky, mukhang hindi nila napansin. Naglakad na ako palapit sa kanila.
"Yeah, sa summer. I'll ask the squad." Rinig kong wika ni Mica kay Niks.
"Hey, guys," tawag ko sa kanila. Sabay silang napalingon sa'kin. Hindi yata nila ako nakilala sa suot ko.
"Carol?" Tanong ni Niks. "Anong porma 'yan?" Tanong ulit nito saka tumawa.
"Malamig kaya." Palusot ko nalang. Nakasuot pa kasi sa'kin ang hood ng jacket.
"Saan ka galing?" Tanong ni Mica habang inuusisa ang itsura ko. "Your mom called me so I said you're with me and naiwan mo phone mo sa inyo. Carol, your actions, hmm?" Parang nanay na sermon nito sa malambing na tono.
"Ano ka ba, ate Mica. Hayaan mo na si Carol mag-enjoy." Lumapit si Niks sa'kin at inakbayan ako.
"Si Niks maghahatid sa'yo," wika nito saka hinagis kay Niks ang susi ng kotse n'ya. "Mauna na 'ko, I have class pa." She said.
"Thank you, Mics!" Pasalamat ko pa. Tumango lang s'ya habang naglalakad na papasok sa Amherst.
"Ang lagkit, ano 'yon?" Tanong ni Niks nang dumampi ang kamay n'ya sa leeg ko. Nagpanic naman agad ako at tinanggal ang kamay n'ya sa pagkakaakbay sa'kin. "Naligo ka ba ng concealer.. oh wait, wait,"
"Wala, wala!" I said saka naglakad na papunta sa kotse ni Mica. "Tara na nga, Niks!"
"Kaya ka pala inumaga. Si Sky ba?" Nakangising tanong nito.
"Pinagsasabi mo?" Pag-iiba ko ng usapan. "Unlock the door, Niks." I said na ginawa n'ya naman. Nauna na rin akong pumasok sa loob, sumunod naman s'ya.
"Kwento ka naman, anong feeling?" Excited na tanong n'ya. Parang wala pa itong balak na magdrive at mas gusto pang makipagchismisan.
"Wala, Niks. Magdrive ka nalang," wika ko. Kahit anong gawin n'ya, hindi ako magkikwento.
She started the engine, "Daks ba si Sky?" Mapang-asar na tanong nanaman n'ya na tingin ko'y ikinapula ng mukha ko. "Oy, namumula!"
Hindi ko naman kasi maideny 'yon. Sky's thing is massive. And until now mahapdi parin ang down there ko. Just like what happened three years ago.
Nagsimula itong magmaneho pero hindi parin tumitigil sa pangungulit sa'kin na magkwento.
"Niks, susupalpalin na kita." Banta ko sa kanya sa sobrang kakulitan. "Oo na, si Sky nga. Oo daks s'ya, 12 inches. Happy?" Sarkastikong tanong ko.
"Walangyang 12 inches 'yan!" Wika ni Niks saka humagalpak ng tawa. "Kaya pala balot na balot ka! Inumaga kayo?"
Bwisit ka talaga Nixen. Pasalamat ka wala akong hawak ngayon at nagmamaneho ka kundi kanina pa kita nabato.
Gusto ko sana s'yang tanungin about sa nangyari kagabi. Yung bigla akong nawalan ng paningin kaso 'wag nalang. Paniguradong mang-aasar lang ito.
"Niks," seryosong tawag ko sa kanya.
"Oh?" She respond.
"Anong kaibahan ng I like you sa I want you?" I asked unconsciously. Sumulyap sa'kin si Niks sa tumingin ulit sa daan.
"Hm, for me 'pag sinabing I like you e gusto ka n'ya. Tapos kapag sinabi namang I want you she just wants something from you, parang gano'n?" Hindi rin siguradong sagot nito.
Just want something from you? I asked to myself. Is it my body that she want? Nakuha na n'ya, at gusto ko pang ulitin 'yon, ulitin nang ulitin.
Napasandal nalang ako sa backrest ng upuan. "Did she say that to you?" Tanong ni Niks nang mapansing natahimik ako. "Anong label n'yo n'yan? Fuck buddy?"
BINABASA MO ANG
𝐒𝐞𝐫𝐞𝐧𝐝𝐢𝐩𝐢𝐭𝐲 [TSS #1]
Historia CortaAnne Caroline Tessano - Flight attendant student, she was supposed to be in her 3rd year when she got pregnant. Naniniwala siyang hindi na niya kailangan pang makilala kung sino ang nakabuntis sa kanya until SHE came. Skyler Marie Guancho - Archite...