Chapter 15: Her Secret

17K 665 97
                                        

Carol's POV

"Pustahan bente?" Hamon ni Niks kay Mica.

"Bente mil?" Tanong naman ni Mica rito.

"Bente pesos lang, laki mo naman pumusta." Saad ni Niks habang inaayos ang mga bola pang billiard.

Nandito kami sa billiard room nila Mica. Kami-kami lang magkakaibigan. Ganito lang talaga mag celebrate si Mica, ayaw rin kasi sa maraming tao.

"Magpapagod tayo para sa bente pesos?" Sarkastikong tanong ni Mica.

"Sali ako," lumapit si Saji sa direksyon nila. Binigyan naman ito ni Mica ng isang billiard stick. "May bet kayo?"

"20k daw," nakangising sagot ni Mica kay Saji.

"Cool," Saji said. Nagpustahan pa nga ang mga baliw. Si Mica ang bumasag ng mga bolang nakapormang tringle. May dalawang bola agad ang pumasok. "Woah." Napa-wow pa si Saji. 'Yan pa talaga hinamon nila e magaling 'yan magbilliard. Maraming alam 'yan in terms of sports.

"Carol, may gagawin ka ba sa sunday?" Tanong ni Free sa'kin. Nakaupo kami sa bar stool, katabi n'ya si Miss Avi. Nakiki-third wheel nanaman ako sa kanila.

"Wala naman, why?" Tanong ko. Si Miss Avi ay nanonood din sa mga nagbibilliard. Kumuha naman ako ng finger foods saka isinubo 'yon.

"May commercial kasi tapos naghahanap pa sila ng dalawang makakasama ko. Baka gusto mo mag audition." She said saka uminom sa glass n'ya.

"Sige!" Masiglang wika ko. "Sunday?" Kumpirma ko pa and she nodded her head. Free's job is really beneficial to me. First time kong lalabas sa TV commercial if ever na matanggap ako.

"Ma'am Mica, may bisita po kayo, Sky daw po ang pangalan." Sabay-sabay naman kaming napalingon ng magsalita ang isa sa kasambahay nila Mica. Tumingin agad sa'kin si Niks saka ako nginisian. I just rolled my eyes.

"Sige po, patuluyin n'yo." Magalang na wika naman ni Mica. Iniwan din muna nito sila Saji at Niks saka sumunod sa kasambahay.

Agad lumapit sa'kin si Niks habang hawak parin ang billiard stick n'ya. Naupo s'ya sa tabi kong stool. I didn't mind her. Kinuha ko ang pocket mirror ko and checked myself. I'm still pretty so no need to worry.

"Mga sign na nagugustuhan mo na ang isang tao. Number 1, nagiging conscious ka kapag nand'yan s'ya." Wika ni Niks saka tumawa. Kumuha s'ya ng isang glass at nagsalin ng inumin n'ya.

"Ang epal mo Niks." Masungit na wika ko saka binalik sa purse ang pocket mirror.

Halakhak lang ang naging sagot n'ya. "Obvious ka na kasi, dinideny mo pa." Malaman na wika nito. She drank her shot.

"Wala akong dinideny kasi wala naman talaga, okay?" Humarap pa ako sa kanya at pinandilatan s'ya ng mata.

"Ganyan din ako no'n kay Avi." Biglang singit ni Free saka tumawa nang mahinhin. Ah, talagang nagtulungan pa ang dalawang 'to?

"'Di ba?" Tanong pa ni Niks kay Free na parang nanghihingi ng simpatya, tumango naman ang isa. "Lahat ng bading dumaan sa in-denial stage. Malalagpasan mo rin 'yan," tinapik pa nito ang balikat ko na tinabig ko lang.

Sakto namang dumating na si Mica, nakasunod sa kanya si Sky. Mica is holding something, regalo siguro sa kanya ni Sky. Nang dumako sa'kin ang tingin ni Sky ay agad ako nitong nginitian kaya sinuklian ko rin 'yon.

"Naihatid mo na si tita?" Tanong ko agad nang makalapit ito sa amin.

"Yup, nung naihatid kita, dinaanan ko lang s'ya sa bahay tsaka hinatid ko na agad si mommy." Sagot naman nito sa amin.

𝐒𝐞𝐫𝐞𝐧𝐝𝐢𝐩𝐢𝐭𝐲 [TSS #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon