Chapter 17: Valentine's Day

12.4K 519 169
                                    

Sky's POV

Tuesday, February 14, Valentine's Day.

Half day lang ang pasok sa Amherst ngayon kaya after ng classes ko ay plano kong bumili ng flowers for mommy saka ko pupuntahan si Carol to talk to her.

I was minding my own business when someone called my name.

"Sky, hoy," isang pamilyar na boses. Napalingon agad ako doon. Si Khey na nakangiti ang bumungad sa'kin.

"Khey?!" I exclaimed in excitement. Tumayo ako para yakapin ito. "Gago, magaling na ba 'yang sira mo sa ulo?" Nag-aalalang tanong ko pa.

"Oo, gago. Isang buwan na rin naman." Nakangiting sagot nito. Naupo kami sa silya namin. Naghihintay ng professor.

"Magtuturo parin ba sa'tin si Miss Harm?" Tanong ko kapagkuwan.

"Yeah," Khey answered while smiling devilishly.

"Putangina mo talaga." Naibulalas ko nalang dahil hindi na mawala ang ngiti sa mukha nito nang banggitin ko ang pangalan ni Miss Harm. Inlove na talaga 'tong loko.

"Wala ka lang ka-mwa mwa eh." Pang-aasar naman nito sa'kin. Aambahan ko sana ng kaltok pero hindi ko tinuloy dahil naalala kong kakaopera lang nito sa ulo, baka maalog. "Pahiram notes mo."

Nilabas ko naman ang mga notes ko. "Goodluck kung maintindihan mo." Wika ko pa. Pangit sulat ko e, dipende kasi sa mood at sa pagmamadali. Madalas pangit kasi ang bilis magdiscuss ng ibang prof.

Pinicture-an ni Khey lahat ng notes ko sa 2nd sem saka binalik sa'kin pagkatapos.

"Khey, anong feeling na muntik ka ng mamatay?" Curious na tanong ko habang nagkikwentuhan kami. Hindi na yata papasok first subject namin, tatlong oras pa naman class n'ya, tapos yun lang class ko sa morning.

"Cool, isipin mo 'yon ikikwento ko sa anak kong nakita ko si San Pedro pero pinabalik ako kasi inaya ko s'ya ng sabong." Mayabang na wika nito saka tumawa.

"Alam ko namang di ka mamamatay, masamang damo ka e." Saad ko naman saka rin tumawa.

"Hindi na raw magkaklase si ma'am!" Biglang sigaw ng isang kaklase namin habang nakatingin sa phone n'ya. "Kasasabi lang sa GC," dugtong pa nito.

"Nice!"

"Tara, gala? Mambato tayo ng couple sa labas!"

"Dami talagang bitter sa mundo," bulong bulong ni Khey sa tabi ko. Porque may jowa 'to e.

"Tara bigyan ng flowers si Miss Harm?" Agad napatingin si Khey sa grupo ng kaklase naming mga lalake.

"Gago, 'di ba nakakahiya?" Alanganing tanong ng isa.

"Hindi 'yan, wala naman jowa si ma'am eh." Sagot naman ng isa pa. Napatingin ako kay Khey, salubong na ang kilay nito.

"Sabagay, kahit naman may jowa magbibigay parin ako." Wikang muli ng lalaki saka humalakhak. Biglang tumayo si Kheyos pero hindi naman ito umalis sa kinatatayuan n'ya kaya humarang muna ako sa daraanan n'ya.

"Khey, kumalma ka nga. Professor si Miss Harm, normal lang 'yan." Bulong ko kay Khey. Aba'y kababalik lang nito tapos ang init agad ng ulo.

"Nakakabwisit kasi, ang dami na n'yang nareceive kanina." Padabog na wika nito. Sinuot n'ya ang bag n'ya, naghahanda ng umalis.

"Magdusa ka, ang ganda ng girlfriend mo e." Natatawang saad ko nalang.

"Let's see kung makakatawa ka kapag ikaw nasa posisyon ko." Masungit na wika nito.

I chuckled. Me? Mate-threatened sa kung sinong magbibigay ng bulaklak o tsokolate sa girlfriend ko? Never!

"Labas na nga tayo. May pupuntahan ka ba?" Tanong ko sa kanya habang naghahanda na ring umalis.

𝐒𝐞𝐫𝐞𝐧𝐝𝐢𝐩𝐢𝐭𝐲 [TSS #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon