Chapter 31: Begged

15.6K 586 86
                                    

[A/N: This is the last chapter. Epilogue is next.]

Sky's POV

I'm watching Carol who's peacefully sleeping at my bed. Madaling araw na but I still can't sleep. Iniisip ko parin yung sinabi n'ya. After she said those words, nag pass out na s'ya kaya hindi na ako nakapagtanong ulit.

Is she saying the truth? Yun ba yung rason kung bakit naging busy s'ya these past few days. But why she didn't tell me? Alam na ba ng mama n'ya yung tungkol sa'min? Ayaw ba sa'kin ng mama niya? Kailan yung date ng kasal nila?

Tangina. Imagine that. Asking yourself kung kailan ikakasal yung girlfriend mo sa iba. Ang shit gago. Para naman akong pinaglalaruan dito.

Lumapit ako kay Carol and caressed her cheeks. "I hope you're just joking, babe." Please, tell me you're just joking kasi kung hindi, I'll do everything to stop that wedding.

Humahawak ako sa katiting na pag-asa na sana hindi 'yon totoo kasi lasing s'ya. Umaasa ako na sana epekto lang 'yon ng alak. Palalampasin ko kahit hindi ko gusto ang mga ganoong biro.

Naupo lang ako sa sofa habang nakatingin sa kanya. Hindi yata ako makakatulog kaiisip.

After hours of wasting my time on anything. Naglinis ng condo, nagligpit, lahat ng pwede kong pagkaabalahan sa condo ko ay ginawa ko muna para magpalipas ng oras.

Carol is finally awake. It's 7 in the morning. Wala akong tulog.

Pagkagising n'ya ay luminga-linga muna s'ya sa paligid. Mukhang pinafamiliarize yung lugar. Nahinto s'ya nang tumama ang tingin sa'kin.

I gave her a light smile. "Good morning, babe." Kalmadong bati ko.

"Why are you there?" She asked cutely. "Saan ka natulog?" Dagdag na tanong pa niya.

"I didn't sleep." I answered plainly. Doon na kumunot ang noo n'ya.

Unti-unti s'yang bumangon. Umupo agad ako sa kama para alalayan s'ya. Nakahawak ito sa ulo n'ya.

"Bakit hindi ka natulog?" Nag-aalalang tanong n'ya. She placed her both hands on my cheeks at inusisa ang mukha ko. "Are you okay?"

"I am." Hinawakan ko ang kamay n'ya. "Bumangon ka na, I cooked our breakfast."

"Stop acting like that." Bawal niya sa'kin.

"Stop acting like what?" Kwestyon ko naman.

"Like.. like you're not my Sky." Tumingin s'ya ng diretso sa mata ko. I felt the thug in my chest. "May nagawa ba ako?" Malambing na tanong n'ya.

"Wala, babe." Unti-unti ring lumambot ang tono ko. Hindi ko naman siguro kailangang magsungit sa kanya. Pero pag-uusapan parin naman 'yon ngayong araw.

Hinawakan ko ang dalawang kamay n'ya at ipinatong 'yon sa balikat ko. Lumapit ako sa kanya at isinampa s'ya sa kandungan ko.

"Let's just stay like this." Bulong ko while I envelop my arms on her waist. Niyakap ko s'ya nang mahigpit. "'Wag mo akong iiwan ah?" My voice almost cracks.

Niyakap niya rin naman ako ng mahigpit.

"Hindi kita iiwan." She assured me with her firm voice. Nararamdaman ko ang pagtutubig ng mata ko.

Sobrang sakit nung iniwan kami ni papa para sa ibang pamilya. Hindi ko kayang maulit pa 'yon, lalo kay Carol at Thea.

Hindi ko na napigilan ang pag-agos ng luha ko. Batid kong naramdaman n'ya 'yong tumulo sa balikat n'ya.

"Are you crying?" Nag-aalalang tanong n'ya. Balak n'yang humiwalay sa yakap pero pinigilan ko s'ya. I hugged her even tighter. "Babe, are you really okay?"

𝐒𝐞𝐫𝐞𝐧𝐝𝐢𝐩𝐢𝐭𝐲 [TSS #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon