Chapter 20: Risk

13.8K 592 151
                                    

Sky's POV

Dumugo yata utak ko sa exam, first day palang. Pero mabuti ay nakaya ko naman. Just two more subjects later. Si Khey pa-easy easy lang kanina dahil nireview daw ito ni Miss Harm kagabi. Edi sanaol nalang.

Nandito kami sa cafeteria para maglunch. Kasama ko si Vera, Khey, at Jordan. Himala nga na sumama sa amin si Khey, madalas kasi ay sa office na ito ni Miss Harm naglulunch.

Kasalukuyan kaming kumakain nang mapag-usapan ang biglang pag-migrate ng pamilya ni Caleb na mukhang hindi nagustuhan ni Khey.

"'Wag na nga nating pag-usapan." Mariing wika nito, bakas ang inis sa tono.

"Bakit? 'Di ba, kayo nga yung pinakaclose?" Inosenteng tanong ni Jordan habang kumakain.

"Nah, basta. Let's just say may napag-usapan kami before sila umalis." Walang ganang sagot ni Khey.

Nagtinginan naman si Jordan at Vera, mukhang hindi naniniwala sa alibi ni Khey pero pinili nalang manahimik. Napaisip din ako. Bigla nalang talaga silang nawala, buong pamilya. May kinalaman kaya ito sa pagsulsol n'ya sa'king paghiwalayin si Miss Harm at Khey? May ginawa kaya s'yang mas malala pa do'n?

"Sky," sabay-sabay kaming napaangat ng tingin. Si Mica na may bitbit na bulaklak ay nakatayo sa side ng table namin.

"Hm, Mica? Bakit?" Naguguluhang tanong ko naman. Ngayon lang s'ya nakatanggap ng bulaklak tapos na ang valentines. Late naman yang manliligaw n'ya.

"Para sa'yo," inabot nito sa'kin ang bulaklak.

"Wow! Si Sky binigyan ng bulaklak? Bago yata 'yan ah!" Jordan exclaimed saka tumawa.

"Kanino galing?" Osyoso naman ni Vera habang nakatingin sa bulaklak. Bouquet of flowers na hindi ko alam ang pangalan. I'm not into flowers, alam ko namang hindi ito rose.

"From Carol." Mica answered while looking at me. Ngumiti pa ito and signaled me to take the bouquet from her kaya dahan-dahan kong kinuha.

"Ang haba naman ng hair mo, Sky!" Wika ni Khey habang nakangiting nakatingin sa'kin.

"Sa kanya talaga galing 'to?" Hindi parin makapaniwalang tanong ko kay Mica.

"Yep. I have to go, pinaabot n'ya lang talaga 'yan." Paalam ni Mica.

"Hm, sige. Salamat sa pag-abot." Wika ko bago s'ya tuluyang makaalis. Tumango nalang s'ya at naglakad na paalis.

"Sino si Carol, Sky?" Tanong ni Vera. Nagtinginan kami ni Khey. Hindi ko pa kasi sinasabi sa mga kaibigan ko kung anong mayro'n sa amin ni Carol.

"Friend ni Khey." Sagot ko nalang. Tumango-tango naman si Khey.

"E ikaw, kaano ano mo? May pa-flowers pa," tanong naman nitong si Jordan.

"Manliligaw ko," pabirong sagot ko na tinawanan lang nila. Bakit, hindi ba ako mukhang kaligaw-ligaw?

Nagtuloy naman sa pagkain ang mga kaibigan ko. Tiningnan ko ang bulaklak at doon ko lang narealize na may nakaipit palang note.

Miss ka ni Thea. : )
- Carol

Si Thea lang nakakamiss sa'kin? Unfair naman 'yon kasi ako pareho ko silang namimiss.

But nevertheless, I'm touched. It's my first time receiving flowers. And it's from someone so dear to me which made it more special. Baka ipa-laminate ko pa 'to.

Bago bumalik sa classroom ay pumunta muna ako sa ladies room. Bitbit ko parin ang bulaklak na galing kay Carol. I stared at it. I tried to smell it. Napangiti ako nang maamoy ang pabango n'ya. Did she spray her perfume here?

𝐒𝐞𝐫𝐞𝐧𝐝𝐢𝐩𝐢𝐭𝐲 [TSS #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon