Sky's POV
"Hello? Sino 'to?" Bungad ko sa tumawag. Unregistered number kasi.
[Hoy, Sky] sagot ng pamilyar na boses.
"Khey?!" I exclaimed. Nakilala ko agad ang boses nito.
[Namiss mo naman ako?] Tumatawang tanong nito mula sa kabilang linya.
"Tangina mo, dumaan na ang pasko't lahat ngayon ka lang nagparamdam. Mamatay na si Caleb sa pag-aalala sa'yo." Narinig ko lang ang pagtawa nito.
[Hinanap ko pa kasi number mo, nasira phone ko. Forward mo nalang sa'kin number n'ya para matawagan ko s'ya.] Wika naman nito.
"Nasa'n ka ba? Cabin parin?"
[Hindi] tipid na sagot lang nito.
"Saan nga?" Pangungulit ko.
[Basta] sagot n'ya. Ayaw talagang sabihin.
"Kasama mo ba si Miss Harm?" Tanong ko.
[Girlfriend ko nanaman?] Makahulugang tanong nito.
"May itatanong lang ako. Importante."
[Sa'kin mo na itanong.]
"Hindi mo sasagutin." Madiing usal ko.
[Ayaw mo, edi wag-]
"Alam mo full name ni Carol? O kung pa'no ko s'ya macocontact?" Wika ko. Mabilis kausap itong si Khey e baka bigla akong babaan ng tawag.
[Alam ko FB account n'ya but I don't think I can tell it to you. Privacy 'yon e.]
"Sige na. 'Di ko naman sasabihin na ikaw nagsabi." Pamimilit ko pa.
[Hindi nga pwede-]
"Sige," I paused. "Si Miss Harm nalang tatawagan ko.. kukulitin ko s'ya maghapon at magdamag.. hindi ko patatahimikin cellphone n'ya-"
[Tangina mo talaga.] Naiinis na usal nito saka pinatay ang tawag.
You received a message from 0969*******.
Napangiti ako. Nice one.
I opened Khey's message.
From 0969*******
Anne Caroline Tessano
Her name is very feminine, bagay rin sa kanya. She looks really feminine too. Finorward ko rin muna ang number ni Caleb kay Khey.
Naisip kong gumawa muna ng dummy account. I remember noong nakaraang nakita ko s'ya sa mall. Bigla nalang s'yang nawala so I think there's a possibility na iniiwasan n'ya ako. E ako pa naman 'yong tipong kapag inaayawan ay mas nagiging eager.
Ano bang magandang pangalan? Alam kong maganda ang pangalan kong Sky pero gusto kong mag-isip ng iba para hindi mahalata.
Napangiti ako nang makaisip ng pangalan.
Name: Surname:
Jack CollinAyan, ayos na. HAHAHAHAHAHA. Nag-sign up lang ako then boom, okay na.
Una kong hinanap ang FB account ni Carol then press message. Message na agad wala ng friend request-friend request.
Sandali lang, ano bang sasabihin ko? Hi? Hello? Yo? Sup? Ang pangit naman. Dapat memorable kasi first convo namin 'to.
Hi, ako nga pala 'yong naka-sex mo.
Baka iblock ako agad.
Hi, gusto ko lang sana makipagkilala.

BINABASA MO ANG
𝐒𝐞𝐫𝐞𝐧𝐝𝐢𝐩𝐢𝐭𝐲 [TSS #1]
Short StoryAnne Caroline Tessano - Flight attendant student, she was supposed to be in her 3rd year when she got pregnant. Naniniwala siyang hindi na niya kailangan pang makilala kung sino ang nakabuntis sa kanya until SHE came. Skyler Marie Guancho - Archite...