Carol's POV
I breathed in while tears are rolling down my cheeks. Holding the flowers on my shaking hands, I take one step. Even my knees are trembling.
Lahat ng tao ay nasa akin ang atensyon. Malaki ang ngiti sa mga mukha nila. I tried to crack a smile. Tinuloy ko ang paglakad. Mabagal lang..
I'm overwhelmed. Halo-halo ang nararamdaman ko. I really don't know what to feel right now. Gusto ko nalang makalakad nang matiwasay.
"Smile, Miss Bride." The photographer said so I smiled for the camera. Matapos no'n ay nagtuloy ako sa paglalakad. There's also a guy holding a video camera.
I gulped hard nang makalapit ako sa altar. My parents are there. Mama is smiling at me while papa is just serious looking.
"You're so beautiful, baby." Mama whispered and gave me a short hug. Ngumiti lang ako ng tipid.
Tumingin naman ako kay papa. Lumapit s'ya sa'kin para yakapin ako. "Babawi ako sayo, 'nak." Bulong ni papa. Nginitian ko lang din s'ya. His presence is enough.
"Balae, ang ganda naman ng daughter in law ko."
"Mana sa'kin." Sagot ni mama.
"Sweetheart?" Tawag ng mommy n'ya.
Naglakad ang taong pakakasalan ko sa harapan ko. Naglahad ito ng kamay sa harapan ko.
"Shall we?" Tanong n'ya habang nakangiti.
Kinuha ko naman ang kamay n'ya. Naglakad kami paharap sa altar. Tinulungan n'ya rin akong makaupo sa silya na para sa amin.
"Thanks, Matt." I plainly said.
Gusto ko ng matapos ang seremonya na 'to saka magkulong sa kwarto. Wala akong planong mag-attend sa reception. Bahala na kung magalit si mama. Atleast I already did what she wants.
"Kung ang sinuman ang nais tumutol sa kasal na ito ay magsalita ngayon o habangbuhay na mananahimik." The priest announces. Naghintay ito ng response pero wala. He was about to continue the ceremony when a girl intrude.
"Itigil ang kasal!" Lahat ay napalingon sa kanya. Maging ako at si Matt. Nasa labas ito ng simbahan, naglakad ito papasok. "Hindi sila pwedeng ikasal dahil buntis ako at s'ya ang ama!" Wika nito sabay turo sa direksyon namin.
Nagkatinginan pa kami ni Matt. Pareho kaming nakakunot ang noo. Tinitigan kong mabuti ang babae. She seems familiar..
Sandali.. kaibigan ito ni Sky. It's the girl named Vera. Sky.. shit. Luminga-linga ako sa paligid and there I saw them. Si Sky ay tumatakbo palapit sa direksyon namin.
"What's happening?!" Sigaw ni mama. Nagkaroon ng ingay sa loob ng simbahan. Ang lahat ay naguguluhan sa nangyayari. "What are you doing here?!"
"Kukunin ko na po ang anak n'yo." Sagot ni Sky. Tumingin pa ito kay papa at tumango lang si papa? Saka hinawakan si mama para pigilan ito sa ano mang balak gawin niya.
"Sky, anong ginagawa mo? Ninyo?" Tanong ko pero hindi ako sinagot ni Sky. Instead, she carry me in a bridal style palabas ng simbahan. Naguguluhan ako sa nangyayari but one thing's for sure, she came here to save me and stop that wedding.
"Ang ganda kasi nung bride, yun gusto kong souvenir." Nakangising sagot nito habang bitbit parin ako. Hinampas ko naman s'ya sa braso. "Aray! Babe! Baka mabitawan kita, sige, mahulog ka sa iba."
"Ang dami kong gustong itanong sa'yo peste ka!" Wika ko sa kanya sabay hampas ulit. Binaba n'ya ako sa tapat ng isang puting van.
"Mamaya ko na sasagutin." Wika n'ya. Bigla namang bumukas ang van at bumungad sa'kin si Mica. Sumilip sa likod nito si Nueves na kumakaway. "Bilis, pasok na, baka maabutan tayo!"

BINABASA MO ANG
𝐒𝐞𝐫𝐞𝐧𝐝𝐢𝐩𝐢𝐭𝐲 [TSS #1]
Short StoryAnne Caroline Tessano - Flight attendant student, she was supposed to be in her 3rd year when she got pregnant. Naniniwala siyang hindi na niya kailangan pang makilala kung sino ang nakabuntis sa kanya until SHE came. Skyler Marie Guancho - Archite...