Sky's POV
I woke up in a deep sleep. Nang marealize ko ang mga nangyari ay agad akong napatingin sa tabi ko. Carol is here. We're both naked and sharing the same bed. So it was not a dream? Totoo lahat ng nangyari?
Humarap ako kay Carol who's peacefully sleeping. Nakatakip ang kumot hanggang dibdib n'ya but her upper chest is exposed kaya kitang-kita ko ang mga pulang marka na ako ang may gawa. She looks hot with my love marks.
Ilang minuto yata akong nakatitig sa mukha n'ya. She looks angelic while sleeping pero parang dragon kapag gising. But still, I like her the way she is. For me, she's perfect.
Maya maya pa ay dahan-dahan na itong nagmulat ng mata.
"Hmm, Sky?" She grunts. Binigyan ko s'ya ng matamis na ngiti. "What time na?" Unang tanong n'ya.
Oras na para mahalin mo 'ko.
Kinuha ko ang phone ko sa bedside table and checked the time.
"7:18 palang," sagot ko habang nakaharap sa kanya ang phone ko.
"It's late," she said. "Gosh, have you seen my phone? Lagot ako kay mama," wika nito. Bumangon ito habang nakapulupot parin ang kumot sa katawan n'ya. Nakuha n'ya lahat kaya ako naman ang nawalan ng takip sa katawan. Agad s'yang nag-iwas ng tingin.
"Sus, ngayon ka pa iiwas ng tingin?" Puna ko dahil hindi parin ito tumitingin sa akin.
"Magbihis ka na nga, Sky." Masungit na utos nito sa'kin.
"Pa'no kung ayoko?" Pilyang tanong ko. Humarap pa ako sa kanya. She suddenly covered her eyes using her hands kaya hinila ko 'yon para mapatingin s'ya sa'kin. "Bakit? Ayaw mo ko makita? Tignan mo puro ako kalmot," I said and turned my back at her.
Medyo mahapdi nga ang likod ko, pati sa leeg ko ay mayroon din. Nag-ala wolverine ba naman s'ya kagabi.
"I did these?" Gulat na tanong n'ya saka hinaplos ang likod ko.
"Ay hindi, baka yung pusa ng kapitbahay gumawa." Natatawang bira ko na hindi n'ya lang pinansin. Patuloy n'ya lang hinahaplos ang mga kalmot sa likod ko.
"Masakit?" Concerned na tanong n'ya. Doon ay humarap na ako sa kanya habang nakangiti.
"I enjoyed our night." Sinserong wika ko. Her expression softened.
"A-ako rin, nag-enjoy ako." Nahihiyang sagot n'ya. That's enough for me. To make her feel happy, to satisfy her, okay na sa'kin 'yon.
"Good to hear that," I said softly. "Magbihis ka na, ihahatid kita." I said. Bumangon na ako at pinulot lahat ng damit ko. I put all my clothes. Nang bumaling ako kay Carol ay nakatingin ito sa sarili n'ya sa salamin.
"Sky, bakit ang dami?!" Pasigaw na tanong n'ya habang tinitingnan ang sarili sa salamin. Nakasuot na rin ito ng damit n'ya at kitang-kita parin lahat ng hickeys mula sa dibdib, pati sa likod dahil backless ang damit n'ya.
Nawala agad ang ngiti ko nang maalala ang boyfriend n'yang si Matt? Tangina, baka anong gawin sa kanya no'n pag nakita n'ya ang mga 'yan? Shit. Bakit hindi ko 'yon naisip kagabi? Masyado akong nadala...
"Natatakpan naman 'yan ng make-up 'di ba?" Naglakad ako palapit sa kanya. I stand just beside her. Wala pa s'yang suot na heels kaya kitang-kita ang height difference namin. Magkatitigan kami sa mirror.
"Magpapahatid nalang ako ng jacket kay Matt. Can I borrow your phone?" Humarap s'ya sa'kin. Ako naman ay naguluhan.
"Edi makikita ka ni Matthew? Ano nalang sasabihin no'n if she saw you with these marks I made?" Tanong ko.

BINABASA MO ANG
𝐒𝐞𝐫𝐞𝐧𝐝𝐢𝐩𝐢𝐭𝐲 [TSS #1]
Short StoryAnne Caroline Tessano - Flight attendant student, she was supposed to be in her 3rd year when she got pregnant. Naniniwala siyang hindi na niya kailangan pang makilala kung sino ang nakabuntis sa kanya until SHE came. Skyler Marie Guancho - Archite...