Sky's POV
Kauuwi ko lang galing school. Una kong naisip ay i-text si Carol. I already miss her. Isang araw palang kaming hindi nagkikita pero miss ko na agad s'ya.
Hmm. Nakakapagtakang wala manlang s'yang ni-isang text sa'kin. Usually nagtetext din naman s'ya para mag-update. Baka busy lang. Isa pa inaalagaan n'ya rin si Thea.
To Carol:
Hey, baaabe. I'm home.Minutes passed by, wala paring reply. Baka busy talaga. Graduating na rin s'ya and I need to understand her busy days.
To Carol:
Baka busy ka, just take your time.
I'll just do my schoolworks. And
I'm also planning to practice para
may mai-upload ako channel ko.
Baka pwede na nating gawin yung
exclusive performance ko sa'yo
after HAHAHAHAHAHindi na ako nangulit. Ginawa ko na rin yung mga kailangan kong gawin. Inuna ko muna ang mga paperworks. Nang medyo nangangalahati na ako ay nagluto muna ako ng dinner ko.
Habang hinihintay kong maluto, I decided to look my phone if Carol has any message pero wala. I'm starting to worry.
To Carol:
Babe, are you okay there?
Please, text me kahit dot lang.
Nasa bahay ka ba?
Or are you somewhere?
Nag-aalala na akooo.Sunod-sunod na ang text ko sa kanya. Naluto na rin ang pagkain ko ay wala parin s'yang reply.
To Carol:
I'm eating my dinner, sana ikaw
rin.
Reply ka if you saw my messages.After my dinner, tinuloy ko na ang ginagawa ko. Saktong matapos ako ay gabi na rin kaya bukas nalang ako magpapractice. I just took a quick shower saka nahiga sa kama ko.
There's a message. Inopen ko agad. It's from my babe.
From Carol:
Sorry, I'm kinda busy.
But I'm okay here, don't
worry.Nakahinga agad ako nang maluwag. Mabuti naman.
To Carol:
Gumagawa ka parin ba?
Nagdinner ka na? Can we
videocall?From Carol:
Yup, nagdinner na. Sorry,
babe, I can't e ang gulo ng
table ko.
Sleep ka na.To Carol:
E kahit call na lang?
I miss youuuu 🙁From Sky:
'Wag ng makulit, Sky.
Pagod din ako.Nalungkot naman ako sa huling reply n'ya. Wala na nagtatampo na ako. Malungkot na ako everyday.
To Carol:
Okay, babe. Rest ka after mo
d'yan. Matutulog na rin ako.
Goodnight. I love you.Hindi agad s'ya nagreply kaya naghintay ako. Baka bangungutin ako kapag walang I love you too. Nabuhayan agad ako ng loob nang may nagnotif sa messenger ko.
Honeybunchsugarplum sent a voice message.
"Goodnight, babe. I love you too."
Is that her bedroom voice? Medyo paos ang boses n'ya. Fuck it ang hot. Parang gusto ko na tuloy s'yang puntahan kaso pakshet bawal talaga kapag nand'yan ang mama n'ya.
Natulog akong may ngiti sa labi. Pakshet talaga. Lakas makatanggal ng angas ni Carol.
...
"Nguso mo abot na sa kalsada." Khey remarked habang nasa office kami ni Miss Harm. Nakikitambay lang kami habang nasa meeting si Miss Harm. Vacant kasi namin.

BINABASA MO ANG
𝐒𝐞𝐫𝐞𝐧𝐝𝐢𝐩𝐢𝐭𝐲 [TSS #1]
Short StoryAnne Caroline Tessano - Flight attendant student, she was supposed to be in her 3rd year when she got pregnant. Naniniwala siyang hindi na niya kailangan pang makilala kung sino ang nakabuntis sa kanya until SHE came. Skyler Marie Guancho - Archite...