Chapter 9: Mother and Daughter

14.3K 613 78
                                    

Sky's POV

"Khey, I need your help. Tulungan mo na ako, please?" Parang maiiyak na pakiusap ko rito. Nandito ako sa mansion ng mga Herero, dumalaw ako kay Khey dahil nagpapagaling parin s'ya.

"Saan ba? Nagpunta ka pa talaga rito, importante ba?" Tanong nito habang nakaupong nakasandal sa kama.

"Tungkol sa anak ko." Pagseseryoso ko. Nakita ko naman ang pagtaas ng kilay n'ya.

"Weh? May anak ka?" Mapanuyang tanong nito.

"Oo, tanga." Sagot ko naman. Sumandal ako sa backrest ng upuan. "Anak namin ni Carol. Pero 'wag mo ipagsasabi." Dugtong ko pa sa kanya.

"Gago? Ikaw tatay—este nanay ng anak n'ya?" Gulat na tanong ni Khey.

"So alam mo?"

"Alam kong may anak s'ya. Gago ka, Sky. Alam mo bang hindi n'ya nakasabay makagraduate sila Free dahil nabuntis s'ya." Pagkikwento nito na mas ikinakonsensya ko lang. "Tapos simula no'n naging malayo na loob n'ya sa nanay n'ya.. tapos hiniwalayan n'ya rin si Matthew."

"Oo na, putangina. Hindi ako nagpunta rito para konsensyahin mo." Bwisit, apakachismosa nito. Porke maayos na kung anu-ano nang pinagsasabi.

"So what do you need?" She crossed her arms kaya nagsimula akong magkwento nang napag-usapan namin ni Carol hanggang sa nangyari no'ng linggo. "Tanga ka pala eh, syempre magagalit 'yon. Naglive show ka ba naman sa harap ng bata."

"E kahit na, napag usapan na namin set up eh dapat wala ng bawian. Mas magulo pa s'ya sa bulbul." Nawawalan ng pag-asang wika ko. Napabuntong hininga pa ako.

Sabay kaming napatingin sa pintuan nang may kumatok bago ito bumukas. Si Miss Harm na may bitbit na tray na may lamang meryenda.

"Meryenda muna kayo, Khey, Sky." She said to the both of us saka ngumiti.

"Thank you po, Miss Harm." Pasasalamat ko naman.

"Thanks, baby." Sagot naman ni Khey. "Baby, pakiss." Ngumuso pa si Khey rito. Pinamulahan naman ng mukha si Miss Harm at hindi nito pinagbigyan si Khey na halata namang inaasar ako.

"Khey." Banta nito bago bumaling sa'kin. "Dito ka na magdinner, Sky." Miss Harm said.

"Sige po." Sagot ko naman agad. Nandito na rin ako edi makikain na ako. Ang laki ng mansion nila so paniguradong masasarap pagkain. Lumabas din agad si Miss Harm.

"Kung gusto mo talaga ng tutulong sa'yo, ask Carol's friends." Khey said while eating the sandwich that Miss Harm brought us.

"Sino ba mas maganda lapitan sa kanila?" Tanong ko naman habang kumakain din saka uminom ng orange juice.

"Si Niks, yung matangkad na mukhang approachable." Khey replied.

"Ah, naalala ko s'ya. Sige."

...

"Niks, ano gagawin ko?" Tanong ko rito. Inaya ko s'ya sa isang sikat na restobar para dito kami makapag-usap. May tig-iisa kaming beer at pulutan sa table.

Tumawa muna ito bago magsalita. "Mahirap kasi suyuin 'yon si Carol. Pero tyagaan mo lang, pasasaan ay lalambot din s'ya." Parang matandang payo nito habang tinatapik-tapik pa ang balikat ko.

"Pwede mo ba akong tulungan? Kahit i-set mo ako sa kanya ng blind date ganon?" Alanganing tanong ko.

"HAHAHAHAHAHAHAHA Ayoko uy lagot ako kay Carol 'pag ganon." Tanggi agad nito. She drank the remaining liquor on her bottle. "Ganito nalang, ayain ko sila lumabas, isama n'ya si Thea tas kunyari bigla mo kaming makikita. Hindi pwede malaman ni Carol na sinadya natin ha?"

𝐒𝐞𝐫𝐞𝐧𝐝𝐢𝐩𝐢𝐭𝐲 [TSS #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon