Sky's POV
Today's Thea's birthday but sadly, hindi ko s'ya makakasama. Carol's mother brought Thea out of town to celebrate her birthday at walang magawa si Carol para pakiusapan ang mama n'yang iwan nalang si Thea.
"Tahimik mo?" Puna ni Khey sa tabi ko habang nagdidiscuss ang professor namin.
"Birthday ni Thea pero hindi namin maicelebrate kasi kasama n'ya lola n'ya." Malungkot na sagot ko.
"Pwede pa naman icelebrate sa ibang araw." Pagpapagaan ng loob ni Khey.
"Yeah, ituloy ko siguro plano ko. Punta ka ah?" Ngumiti na rin ako para hindi mahawa sa'kin si Khey sa katahimikan ko.
"Sige, kahit saan 'yan." Sagot naman nito.
"Miss McLevis, can you please explain this?" Biglang tawag ng prof kay Khey. Agad naman itong tumayo. She read what's written on the PPT and she explained it well. "Thank you. You may take your seat." Mukhang impressed na wika ulit ng teacher.
"Naks, iba talaga 'pag inspired." Kantyaw ko kay Khey na ngingiti-ngiti dahil nakasagot ito.
"Ligawan mo na kasi para inspired ka rin." Kantyaw naman n'ya pabalik.
Napabuntong hininga naman ako. I rested my back. Ilang araw ko na ngang pinag-iisipan kung paano ako aamin at kung paano ko s'ya tatanungin kung pwedeng manligaw pero parang wala akong lakas ng loob.
After classes, dadaan sana ako ng mall para bumili ng materials sa school project nang biglang tumawag sa'kin si Carol.
[Sky..] she is sobbing.
"Carol? Nasa'n ka? Are you okay?" Sunod-sunod na tanong ko agad.
[Please, come here.. Nasa tapat ako ng bakanteng lote near our school. I need you..] tuloy parin s'ya sa paghikbi.
Dali-dali na akong sumakay sa kotse ko habang naka loud-speak ang phone.
"Why? What happened? Calm down, okay. Papunta na ako. Just stay where you are." I said habang nagmamadaling magpatakbo ng sasakyan. Binilisan ko na dahil nag-aalala na ako sa kanya.
[I don't know.. someone just blocked my way and they threatened me na kapag hindi ko binigay yung stuffs ko they will kill me..] umiiyak na wika n'ya.
"Fuck." Hindi ko napigilang magmura. Tangina. "And then what did you do?" Ubod ng pangambang tanong ko.
[I didn't open my car.. and sinira nila yung tires ko. Sky, I'm scared.. please hurry up.] Halos nagmamakaawa ng wika n'ya.
"Yes, babe. Just stay inside your car. Malapit na ako." Paalala ko pa. Hindi na ulit s'ya nagsalita pero naririnig ko ang paghikbi n'ya.
Sa wakas ay nakarating na ako. Nagdrive lang ako nang nagdrive nang madaanan ko ang school nila at makarating sa bakanteng lote. I already saw her car na flat yung dalawang gulong sa likod. Tangina talaga.
Tumingin muna ako sa paligid. Mukhang wala na yung nagtangkang mang holdup sa kanya.
Lumabas na agad ako ng kotse ko and knocked on her door. Mukhang nagulat pa s'ya sa biglang pagsulpot ko.
"Open your door." I said which she easily did. Paglabas n'ya ng kotse n'ya ay agad n'ya akong niyakap. "Let's go to my car. It's still not safe here."
Kinuha muna namin lahat ng gamit n'ya sa kotse n'ya saka nilock 'yon.
"Magdrive lang ako papunta sa safer place, okay?" I softly asked. Tango lang ang naging sagot n'ya. Although tahimik s'ya ay mabuting hindi na s'ya umiiyak ngayon.

BINABASA MO ANG
𝐒𝐞𝐫𝐞𝐧𝐝𝐢𝐩𝐢𝐭𝐲 [TSS #1]
Short StoryAnne Caroline Tessano - Flight attendant student, she was supposed to be in her 3rd year when she got pregnant. Naniniwala siyang hindi na niya kailangan pang makilala kung sino ang nakabuntis sa kanya until SHE came. Skyler Marie Guancho - Archite...